Chapter 26: Freedom
Sa huli ay ako ang nag-iwas ng tingin. Nanatili na lamang akong tahimik at hinintay siyang mabalot ang aking pakpak. Hindi na rin ako nagtanong; inisip ko na lamang na itinatago niya ang aking pakpak para na rin sa aking sariling kapakanan. Nang humiwalay siya sa akin ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Siguro ay hindi lamang ako sanay sa presensya ng mga lalaki kaya naghuhuramentado ako nang ganito.
Lumabas si Aubrey sa silid na may dala pang puting belo. "Kuya, mas mabuti rin sigurong itago ang kaniyang mukha. Baka may makakilala sa kaniya."
"Akin na," mabilis na saad ni Ezekiel at kinuha ang puting belo kay Aubrey.
Nanlaki ang aking mga mata at napalunok nang humarap sa akin si Ezekiel. At katulad nang lagi niyang ginagawa ay walang pasabi niyang ipinatong sa aking ulo ang belo at inayos ito, maging ang aking buhok. Muli akong kinapos ng hininga. Parang wala lang sa kaniya ang ginagawa habang ako ay halos himatayin na dahil sa pagkalabog ng aking dibdib, tila naninibago sa bawat kilos na kaniyang ginagawa.
"Ghad..." I whispered when he caressed my hair and properly put the veil on my ears. His palms went down to my neck to rectify the veil. I watched his hands pamper my shoulders as he softly arranged the veil, and the moment seemed to move in slow motion and only the two of us were there. Amidst the white bright background and falling feathers, his eyes gently landed on my face, meeting mine.
"A-are we done?" tanong ko. Ako na ang naunang nagsalita at nag-iba ng tingin. Bumagsak ang paningin ko kay Aubrey na ngayon ay ngiting-ngiti sa amin.
"Mag-iingat kayo," magiliw na saad ni Aubrey at saka lumingon kay Ezekiel. "Kuya, sana ay alam niya ang ginagawa mo."
Napataas ang aking kilay habang si Ezekiel ay tumango lamang sa kaniyang kapatid. "Alis na kami. Huwag kang magpapapasok ng kung sino-sino rito. Tawagin mo lang ang pangalan ko kung may kailangan ka; babalik din ako kaagad."
"Mansanas ko..." nakangiting paalala ni Aubrey.
Tumango na lamang si Ezekiel at kumaway habang humahakbang palabas ng bahay. Sumunod na rin ako habang hawak ang belo upang huwag itong ikalipad. Nang makalabas ay nakangiti akong lumingon kay Aubrey na sumunod sa amin hanggang sa pintuan at saka kumaway.
"Mag-iingat kayo!" wika ni Aubrey.
Humakbang na si George Ezekiel palayo at sumunod na rin ako. Napapalingon ako sa paligid at literal akong napapanganga dahil sa pagkamangha. Malayong-malayo ang bayan at nayon sa palasyo. Maliit lamang ito, ngunit sa tingin ko ay masaya dahil marami kang makakasalamuha. Aanhin mo ang kayamanan at karangyaan kung wala ka namang kasiyahan? Sa iyo na nga ang lahat ng materyal na bagay, wala ka namang kalayaan at kapayapaan. Parang wala na rin.
Siguro ay iyon ang dapat kong buhayin sa palasyo. Nakalimutan na kasi ng lahat ng naroroon ang magliwaliw minsan dahil ang iniisip lamang nila ay ang kapakanan ng kaharian. Minsan, kailangan din nating isipin ang ating sariling kasiyahan; dahil kapag masaya ka, maaari mo ring mahawaan ng kasiyahan ang lahat ng nakapaligid sa iyo.
"Kumusta, Prinsesa?" bigla ay tanong ni Ezekiel.
Hindi ko napigilang mapangiti. Gusto kong lumuha ngunit nakakahiya namang magpakita ng ganoong emosyon sa aming sitwasyon. Natutuwa ako nang lubos dahil nakalabas ako sa palasyo at naramdaman ko kung paano mamuhay nang may kalayaan, kahit sa maikling panahon lamang.
"Ganito pala ang pakiramdam ng malaya..." pabulong kong saad at muling inilibot ang paningin. "Finally, freedom. One day freedom. Sulitin ko na siguro, 'no?"
"Ganito rin pala ang pakiramdam ng ikakasal kahit na hindi naman," natatawa niyang saad at saka nilingon ako.
Pakiramdam ko ay namula ako nang tuluyan at inosenteng napalingon sa kaniya. "Ano?"
Kumindat siya at ngumiti. "Ito lang ang alam kong paraan upang huwag kang pagkaguluhan. Nirerespeto ng mga naririto ang teritoryo at pag-aari ng iba. At dahil nakikita nilang pag-aari kita, walang gagalaw o gugulo sa iyo."
"H-huh?" mas lalo pang tumambol ang aking puso dahil sa kaniyang sinabi.
Bahagya siyang ngumiti. "Huwag kang mag-alala, ngayon lang ito. Sulitin mo na, baka hindi ka na maikasal."
"Ano?" Hindi ko talaga makuha ang ibig niyang sabihin.
"Biro lang. Baka kamo hindi ako maikasal."
Umirap ako at tinitigan siya nang mariin. "Sasakalin kita. Anong ibig mong sabihin?"
Huminto siya at nagbuntong-hininga bago ako tuluyang hinarap. "Dahil sa ayos mo, iisipin ng lahat na ikakasal na tayo. Dahil doon, wala nang gagalaw sa iyo dahil respetado nila ang pag-aari ko. Sa lugar na ito, pag-aari kita, mahal na Prinsesa. At pinatunayan lamang iyon ng suot mo."
What? I unconsciously became under his possession! Not as a friend nor a girlfriend... but a wife!
Nanlaki ang aking mga mata at napalingon sa aking kabuuan. Pakiramdam ko ay nagsiliparan ang mga paru-paro sa aking tiyan; nagsiakyatan din ang dugo sa aking mukha. Siguro ay mukha na akong kamatis ngayon. Hindi ko napaghandaan ang ganitong bagay. Hindi ko napaghandaan ang laro ni Ezekiel, at ngayon nga ay hindi ko malabanan ang pagtambol ng aking puso. At iyon ay dahil na naman sa kaniya... si George Ezekiel, wala nang iba.
"A-are you insane?" I almost bellowed, realizing the weight of his words.
I checked myself; I can't believe I unconsciously became his soon-to-be wife! Kahit na hindi totoo, nakakaimbyerna dahil naghuhuramentado sa inis at kilig ang puso ko!
He clicked his tongue. "Would you prefer letting others touch you, grab you, or do shits with you instead? Others may hit on you knowing you're single. You're freaking gorgeous that even if I made you look like mine, someone would still try to hit on you." He sighed in realization. "Damn, baby. I can't wait to punch some douchebags who attempt to hit on you later on."
I shivered; he's back with his cold, cool bad boy aura again.
"E-eh?" nalilito kong tanong. Ito 'yung part na nakakainis, eh—iyong nagmumukha akong tanga. Partly, naiintindihan ko naman talaga, hindi ko lang talaga ma-process at automatic na ang salitang "ha" sa sitwasyon na iyon.
And then again, I melted under his stare. What the heck is wrong with this guy? Bakit pinapatibok niya nang mabilis ang puso ko?
"Would you prefer being in someone else's possession instead?" he asked, raising a brow. He claimed our distance and held my chin. "I don't think so. You're here, looking perfect, suiting as my bride. You're only under my possession, no one else's, okay?" He said, staring at me intently as he began caressing my blushing cheeks. "Mine. Just mine. Mine alone. Freaking mine. Mine, my wife."
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart.
