Chapter 24: Only A Poem
Ang pakiramdam na nasa langit ay tuluyan kong naramdaman. Hindi nga siya nagkamali nang sabihin niyang gusto kong sumama sa kaniya para makapunta sa langit dahil pakiramdam ko ay nasa langit na talaga ako. Ang kaibahan lamang ay hindi pa ako patay, dahil nasa alapaap lang ako habang hawak ng isang lalaking hindi ko gaanong kilala.
Napasinghap ako nang lumingon ako sa ibaba, at ganoon na lamang kahigpit ang aking paghawak dahil sa biglang takot na aking naramdaman. Hindi ako makalipad, kaya hindi ako sanay sa matataas. Kaya naman nakakamangha talaga ang lalaking may hawak sa akin; napakataas ng kaniyang nararating. At sa pagkakaalam ko ay tanging magagaling o mahuhusay na Doveo lamang ang nakakagawa nito dahil hindi gaanong mataas ang paglipad ng mga karaniwang Doveo.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang hawak na nakapulupot sa aking baywang.
"So this is what it feels like to fly..." marahan kong bulong at muling lumingon sa ibaba, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na ako natakot kundi lubusang napanganga dahil sa pagkamangha. "This is how it feels to soar high. You are a skilled Doveo, George Ezekiel..."
Naramdaman kong humawak pa ang isa niyang kamay sa aking baywang nang sabihin ko iyon. Kaya naman mabilis akong napalingon sa kaniya dahil sa kaniyang ginawa. Ganoon na lamang ang gulat ko nang mapagtanto ang lapit naming dalawa. Nakatitig lamang siya sa akin, at ganoon din ako sa kaniya.
Naramdaman ko ang paghinto ng kaniyang pakpak, at sa sandaling iyon ay nanatili kami sa ere.
"W-what?" I tried everything not to stutter, but I just doubled my words.
"Tinawag mo ako sa pangalan ko."
Naghuramentado ang aking puso nang sabihin niya iyon. Mabilis akong napalingon sa ibaba dahil sa kakaibang pintig ng aking dibdib. Bakit ba ganito ang aking nararamdaman? Siguro ay umuusbong lang ang aking hiya dahil sa pagiging makapal ng aking mukha.
Pakiramdam ko ay namula rin ako nang mapagtanto ang kaniyang sinabi. Binanggit ko nga ang kaniyang pangalan nang hindi ko namamalayan; kumawala na lamang ito sa aking bibig.
"A-ano ngayon?"
"Tss," reaksyon niya, at sa ilang sandali pa ay narinig ko ang muling pagpagaspas ng kaniyang pakpak hanggang sa naramdaman ko na lamang ang sarili kong nasisiyahan sa alapaap habang nasa kaniyang mga bisig.
Talagang nakakamangha ang kaniyang galing sa paglipad. Bihira lamang ang mga Doveo na nararating ang mataas na alapaap na ito, samantalang wala man lamang itong kahirap-hirap kay George Ezekiel.
"By the way, why were you looking for the basket?" tanong ko habang nasa gitna ng kaniyang paglipad. "Puwede ka namang bumili, hindi ba?"
"Hindi ako katulad mong marami ang pera," aniya at saka lumingon sa akin habang patuloy na lumilipad.
"Palagi ka talagang may nakakairitang sagot sa mga tanong ko, 'no?"
"Kasi nakakairita rin ang mga tanong mo."
Napairap na lamang ako at tumingin nang diretso.
"Saan mo gustong bumaba?" tanong niya.
Pakiramdam ko ay nagsiakyatan ang dugo sa aking mukha dahil wala akong maisagot. Wala akong masyadong alam, at lalong hindi ko alam kung saan ako dapat bababa.
"S-saan ba dapat?"
"Gusto mo lang sigurong masakyan ako," aniya at pilyong ngumisi sa akin.
Napairap naman ako at matalim siyang tiningnan. "Alam mo bang nakakairita ka?"
"Ang alam ko lang gwapo ako. Sabi iyon ng mga mahuhusay na Doveo, ah," aniya na tila pinagtatakpan pa ang pagiging arogante niya.
"Excuse me? Hindi kita sinabihan ng ganoon."
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasíaSince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart.
