Chapter 9: Challenge Accepted

2.3K 139 13
                                    

Chapter 9: Challenge Accepted

BINAYBAY ko ang mahabang hagdan pababa ng palasyo, hindi ako makalipad kaya ang tanging magagawa ko lang ay maglakad pababa. Bigla ay bumigat ang dibdib ko, bitbit ko ang konsensya paglabas ko ng aking silid. Pakiramdam ko'y mali ang sinabi ko, gayunpaman ay hindi na ako pwedeng bumalik dahil bukod sa malapit na ako sa baba, nararapat lang na iyon ang gawin ko.

Hindi ako pwedeng makihalubilo sa iba, masyado akong mahina kumpara sa kaniya at upang maprotektahan ang sarili ko'y kailangan ko na lamang umiwas. Baka bigla niya akong atakihin, wala na nga akong naitutulong sa kaharian magiging pabigat pa ako.

"Emerald!"

Tinig iyon ni Kate. Mabilis akong napalingon sa kaniya at huminto sa gitna ng pagbaba nang magsimula siyang lumipad patungo sa akin.

Nakangiti ang bunso kong kapatid habang kumakaway sa akin, "Tamang-tama, mag-eensayo kami! Sama ka!"

Ngumiti ako at umiling-iling, "Hindi na ako makakalipad pa, Kate." Malungkot kong saad.

Umiling siya at hinawakan ang aking kamay, "Hindi naman sa paglipad, tara!"

Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa aking baywang, nagulat na lamang ako at napakapit sa kaniya nang buhatin niya ako kasabay ng kaniyang paglipad pababa. Bahagya siyang nahirapan, naramdaman ko iyon, ngunit tila hindi niya iyon alintana at dinala ako patungo sa likod ng aming palasyo.

Naroon na ang iba kong kapatid, si Lirech ay pumapana habang si Sophia ay nakikipag-espadahan sa dalawang sentry, ang dalawa ay tila walang pakialam sa paligid, nakatuon lamang sila sa kanilang ginagawa sa ere.

Si Andrew at Philip naman ay napapalibutan ng sandamakmak na sentry, marami na silang napatumba ngunit bawat matumba ay may papalit na sentry. Napalingon ako kay Kate na ngayon ay kinukuha ang kaniyang sibat. Lumapit ito sa akin nang makuha niya ang kaniyang sibat at itinuro ang punong may layong isang-daang metro sa amin.

"Nakikita mo iyong punong iyon?" Tanong niya.

Tumango na lamang ako bilang pagtugon.

"I'll hit it with one shot," confident niyang saad at inihanda ang sarili upang ibato ang sibat doon.

Napaatras ako at pinagmasdan siya sa kaniyang gagawin. She swung her arms, and for another second she threw her heavy spear with a very long shaft. It traipsed the distance between us and the tree, and in a snap I saw its point dug into the body of the tree.

Napapalakpak ako at malawak ang ngiting lumingon kay Kate na ngayon ay may hawak na ring sibat habang inaabot sa akin.

"Ang galing naman ng bunso namin," puri ko at napahinto nang iabot niya sa akin ang sibat na hawak niya, "Hindi ako magaling sa ganyan, alam mo namang hindi ako nag-ensayo." Pag-aayaw ko.

Ngunit matigas ang ulo ni Kate, kinuha niya ang kamay ko at siya mismo ang naglagay niyon sa aking mga kamay.

"Subukan mo lang," aniya at naghanap ng malapit na puno, "Iyon, doon sa bandang iyon, malapit lang naman iyong puno, iyon ang target mo." Maligaya niyang wika habang itinuturo ang isang punong kalahati ang distansya mula sa amin kumpara sa punong binato niya kanina.

Napalunok ako at pilit na ibinalik sa kaniya ang sibat, "Hindi ko kaya, Kate."

Ngumiti siya sa akin at hindi tinanggap ang sibat, "Kaya mo, Emerald."

Lumingon siya sa aming paligid, at nang lumingon din ako doo'y lahat sila ay napahinto habang pinapanood kami ni Kate. Ang kanilang paningin ay nakatuon sa akin, maging ang mga Prinsipe na kanina lamang ay tila hindi maistorbo ay nahinto nang mapasakamay ko ang sibat na ibinigay sa akin ni Kate.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon