Chapter 14: Another Trouble

2.1K 118 1
                                    

Chapter 14: Another Trouble

MALUHA-LUHA akong umiling-iling, tila hindi parin maunawaan ang kanilang ipinapahiwatig. Nang lingunin ko ang malaking asong may tatlong ulo, kaagad na nabuo ang plano sa aking isipan.

"Are you sure?" Paniniguro ko.

Ngumisi si Sophia, "Come on, sister. Go," aniya.

Lumapit sa akin si Andrew dala ang apat na lubid, "Here you go."

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at marahan iyong inabot, "Salamat," saad ko atsaka tumango.

He pat my head and nodded.

Namuo ang butil ng luha sa aking mga mata. Ngunit sa halip na panghinaan ng loob ay mas lalo lamang akong nakaramdam ng tapang. Tahimik kong tinipon ang aking mga katapid at sinabi ang aking plano, nagulat na lamang ako dahil walang nagreklamo. Ang lahat ay sumang-ayon nang ganoon kabilis.

"Okay, I'll go Frontline." Ani Andrew, "I think Kate will do the spear,"

"Of course," mabilis na tugon ni Kate.

Natahimik ako nang humakbang patungo sa akin si Lirech hawak ang kaniyang espada. Natulala ako nang iabot niya sa akin iyon, "Take it, you'll need it."

"R-really?" Hindi makapaniwala kong saad.

"Psh, come on!" Aniya at iniabot sa akin ang kaniyang espada. Marahan ko iyong inabot atsaka mahigpit na hinawakan bago tumango.

"I'll be the carrier," ani Philip.

Napalingon kami sa kaniya, lalo na si Andrew, "Boy, that will be hard!"

Lumingon si Philip sa akin, "Imma just gonna be the wings, how the about the hands?"

Ang lahat ay napalingon sa akin, tila mangha pa rin sa namuong plano sa aking isipan. Ngumiti na lamang ako upang huwag ipakita ang takot na namamayani sa aking puso. Hindi ako pwedeng matakot, ako ang nagplano, ako dapat ang magbigay sa kanila ng motibasyon.

Sapat na ang pahayag nilang malaki ang tiwala nila sa akin, wala na akong higit na mahihiling pa. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong paraan ng pag-eensayo. Lumaki kaming magkakalaban, hindi man lamang kami nagtulungan. At nang huminto ako sa pag ensayo'y hindi ko na sila nakita pang nagtutulungan sa laban. Palagi na lamang magkalaban.

Kaya naman siguro'y palaisipan sa mga malayong nanunuod sa amin ang aming ginagawa. Gayunpaman ay alam kong kahit papaano'y may namamangha sa team work na nabubuo sa'ming lahat.

Nang lingunin ko si Lirech, handa na siya sa pagpana. Inilalabas niya ang sampung palaso, kaya niya iyong pagsabay-sabayin sa isang tira lamang. Habang si Kate ay naghahanda ng kaniyang sibat habang tumutungo sa gilid ng malaking Bush ng maze, unti-unting humakbang papasok sa linya si Andrew habang si Sophia naman sa kaniyang likuran.

Lumipad si Philip habang karga-karga ako. Mayroon akong hawak na apat na lubid, ibinigay sa akin ni Andrew para sa aming plano.

Bumangon ang asong may tatlong ulo, tila nagising dahil may nakapasok sa teritoryo nito. Ang mga ulo nito'y kanya-kanyang libot ng paningin, ngunit kaagad na dumako sa amin ni Philip dahil kami ang unang nagpakita. Ramdam ko ang pagbilis ng aming hininga, maging ang pintig ng aming puso'y naririnig na rin dahil sa lakas niyon.

"Ready?" Tanong ko.

Wala akong narinig na sagot, ngunit ibig sabihin lamang nito'y handa na ang lahat. At nang masiguro kong handa na ang lahat sinimulan ko nang mag-utos.

"Andrew, Phia, the attacks now!"

Mabilis namang tumalima ang dalawa, ngunit bago sila umatake sa magkabilang ulo'y pinalipad ko ang espada ni Philip na hawak ko paitaas. Malakas iyon, at alam kong mataas ang mararating dahil halos nanghina ako sapagkat buong lakas ang paghagis ko niyon sa ere. Iyon ang aming oras, at kapag bumagsak iyon sa aking mga kamay ay tapos na.

Ang mga sumunod na pangyayari'y tila naging mabagal sa gitna ng mabibilis naming galaw. Everything seemed to move in the slowest motion despite the fact that we are on our fastest speeds.

"Kate, Lirech, now!"

Nagpaulan ng sunod-sunod na palaso si Lirech habang pumapana sa ere. Pinatatamaan ang mata ng tatlong ulo, ang sabay-sabay na palasong bumulusok sa tatlong ulo'y hindi madaling iwasan. Kaya naman natamaan sa ibang bahagi ang halimaw.

Sunod na umatake si Kate, lumipad siya palapit sa tatlong ulo habang hawak sa magkabilang gilid ang dalawang sibat. Ilang segundo pa'y lumilipad na ang mga ito sa mata ng gitnang ulo. Nakakamanghang tingnan kung paano iyon bumalik sa magkabilang kamay ni Kate, tila bumabalik sa kung saan ito nanggaling.

Si Phia ay pinatatamaan ng kaniyang espada ang paa ng unang ulo, habang pinatatamaan ni Lirech and ulo nito. Si Andrew naman ay patuloy na naghahanap ng paraan upang matamaan sa ulo ang ikatlong ulo.

"Philip, now!" Sigaw ko, pagkasabi niyon ay bumulusok siya patungo sa gitnang ulo. Inihanda ko ang espadang ibinigay sa akin ni Lirech at inambahan ng tusok ang mata ng halimaw, ngunit bago iyon ay nag-utos ako kay Kate.

"Kate, now!"

Mabilis na lumipad si Kate upang lituhin ang aso. Nang umangat itong lalo at ibinuka ang bibig dahil sa galit ay bahagya kaming nahirapan. Ngunit dahil sa mga patama ni Lirech ay tuluyang nalito ang aso dahilan upang magulo nitong ipilig ang ulo.

Nang asintahin ito ni Kate sa mata ay mabilis itong tinamaan, kaya naman sinamantala ko iyon ipang itusok ang hawak kong espada sa ulo nito. Hindi ako binitawan ni Philip, bumulusok kami pababa habang itinataas ko ang espada at inihahanda sa pagtusok sa ulo nito.

Kasabay ng pagtusok ng isa pang palasong galing kay Lirech sa mata ng gitnang ulo ay ang pagtusok ko sa batok nito dahilan upang mangisay ito at nanghihinang bumagsak. Mukhang konektado ang lakas nila sa isa't-isa kaya naman sinamantala ko pa ang pagkakataon upang palipadin ang espada ni Lirech na hawak ko patungo sa ulong nasa harap ni Andrew. At hindi nga pumalya ang asinta ko dahil tinamaan ang likod ng ulo nito.

Sinamantala iyon ni Andrew, nakita ko na lamang siyang malakas na lumipad pabulusok sa mata ng pangatlong ulo at walang awang itinusok ang espada niya rito. Hindi pa siya nakontento dahil nang hugutin niya ang kaniyang espada ay nakasama pa ang isang mata ng ikatlong ulo. Nangisay ito ay hinihingal na bumagsak pababa.

Nang bumaling kami kay Phia ay tinamaan niya na ang bibig ng unang ulo, ngunit mabilis na dumeretso ang tatlo ko pang kapatid na may hawak na sandata sa kaniya at sabay-sabay na ibinato ang hawak nilang sandata sa unang ulo upang tulungan siya.

Ang espada ni Andrew, ang sibat ni Kate, ang mga palaso ni Lirech, ay sabay-sabay na bumulusok patungo sa ulo, sa mata, at sa leeg ng unang ulo. Kaya naman hindi talaga nakaligtas ang kawawang ulo at nanghihinang bumagsak.

Itinali ko ang mga lubid sa aking baywang at inilipad ni Philip sa gitnang bahagi upang tipunin ang aking mga kapatid. Nagulat kami nang nayanig ang lupa, at mas lalo pa kaming nagulat nang umangat ang gitnang ulong kanina lamang ay napatumba namin.

We thought everything was running fine until the middle head risen, again.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon