Chapter 3: Cursed
MULA sa aking Tore ay tahimik kong pinanuod ang mga bata sa aming palasyo na nag-eensayong lumipad, nakapatong ang aking ulo sa aking kamay na nakapatong ang siko sa malawak at salamin kong bintana. Our palace is not so modern, it looks more like a castle. But we are practicing for modernity so that's why.
So long...two long years.
Kitang-kita ko ang lahat sa palasyo mula sa bintana ng aking Tore, walang nagawa ang aking Ina nang ang hari na mismo ang magdesisyon. They are all just worried about my safety, kung sakaling may lumusob sa akin sa ibaba ay hindi ako makakalipad, hindi ako makakalaban ng patas at aminin man natin sa hindi, mahina ako kumpara sa lahat kaya naman pinili na lamang ng mga maharlikang itago ako sa maliit at madilim na silid na aking kinalalagyan.
Isang linggo pala akong nawalan ng malay matapos ang aking pagbagsak sa mid pinnacle ng palasyo dahil hindi na naman gumana ang pakpak ko. At simula nang araw na inilipat ako sa pinakamataas na pinnacle ay hindi na ako nakaalis pa hanggang sa lumipas ang dalawa pang taon.
Two years had already passed, but the pain is still fresh in my mind. Ang tinginan ng lahat ng naroroon, ang aking pag-iyak dahil mawawalay ako sa aking pamilya, ang lahat ng aking ala-ala dalawang taon na ang nakalipas ay tila bago pa rin.
Magmula noon ay nawalan na ako ng kalayaan, pati ng kaibigan. Araw-araw ay mag-isa akong nag-aaral ng iba't-ibang bagay sa aking maliit na silid, mag-isang nakikipaglaban sa hangin habang ang mga kapatid ko'y nilalabanan ang pinakamagagaling na guro para sa kanilang pag-eensayo. Lumilipad sila patungo sa iba't-ibang lugar upang mag-aral ng ibat-ibang uri ng pakikipaglaban, habang ako'y sa aking silid lamang at pasaway na pinapana ang mga nanahimik sa aming kaharian.
Kakaiba ang aking pana, mabilis iyon at malayo ang nararating, at para rin talaga sa akin lamang. Regalo iyon ng aking Ina kaya naman inaalagaan ko iyon ng lubos.
Mag-isa akong nasasaktan, mag-isa kong ginagamot ang sakit na aking nararamdaman dahil bihira narin akong bisitahin ng aking mga magulang. I should be immune with the pain ngunit tila ba lahat ng pagdurusa ko ay bago at palagi akong napupuruhan.
Naalala ko pa nang unang beses kong sinubukang lumipad sa tuktok ng isang maliit na bundok, kaunting injury lamang ang nakuha ko dahil mababa lang iyon, nang sumunod ay malaki-laki na dahil mataas na ang bundok na pinag ensayuhan namin. Ang pangatlo'y ilang araw akong hindi nakalakad dahil maging ang sumalo sa akin ay nabaldado dahil sa hindi maganda kong pagkakabagsak.
Hanggang sa paulit-ulit iyong nangyari at sanay na ang lahat na maghanda kapag ako na ang tatalon, nakakahiya, nakakalungkot ngunit wala akong magawa dahil hindi talaga bumubuka ang mahaba at malaki kong pakpak.
Kaya naman masaya na lamang akong pinapanuod ang mga maliligaya at iba't-ibang nilalang na may pakpak sa aming kaharian. Napapangiti na lamang ako habang pinapakinggan ang kanilang mga halakhak habang lumilipad. These winged-humanoids makes me happy by watching them alone. These winged-humanoids that looks like angels are the reason why I never lose hope despite of my condition and despite on how others treat me.
Nakakalungkot nga lamang isipin na hindi ako katulad nila. I am a princess in the kingdom of Beryllion, but I am caged and cannot be able to reach my freedom since I do not fly because I can't. Tama naman sa edad ang pagtubo ng aking mga pakpak, naalala ko pa kung gaano katuwa noon ang aking mga magulang.
Ngunit habang lumalaki ay nakikita ng lahat ang kaibahan ng aking pakpak sa kanilang pakpak. Ako lamang ang mayroong pakpak sa aming kaharian na mas malaki pa sa akin ang sukat at ang malaki ko pang problema'y hindi ako makalipad. Their angel-like wings were on fair sizes, while my wings are longer than my feet to the point that they slide and struggle on the ground when I walk.
Nagtataka nga ang karamihan kung bakit mas mukha pa akong taga ibang kaharian kaysa tulad nila, hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung ano ngaba talaga ang problema kung bakit hindi ako makalipad at bakit iba nag hitsura ng aking pakpak kumpara sa kanila.
"Emerald..."
Mabilis akong napalingon sa nagsalita, si Manang Dayana, ang ipinagkatiwalang matanda sa akin. Siya ang tagahatid ng mga kailangan ko kapag hindi ako pinapalabas dahil mas naging mahigpit ang palasyo sa akin, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas ng kaharian ngunit patuloy kaming itinatago sa hindi ko malamang nilalang, mas lalo na ako dahil hindi ako makalipad.
"Po?"
Ngumiti ito at lumapit sa akin, "Gusto mo bang maglaro sa labas?"
Umiling-iling ako, "Huwag na po, ayaw naman nila akong kalaro..." malungkot kong tugon.
Most of the elite kids in the palace don't want me, inaaway nila ako at sinasabihan ng ampon dahil sa aking kaibahan. Ang masakit pa'y may isang batang nagsabi sa aking bastardo daw ako ng Beryllion, kaya naman simula noon ay naging mailap na ako sa ibang bata at hindi na sinubukan pang makipaglaro sa kahit na sinuman maging sa aking mga kapatid.
"Because of my wings...they don't want me here...in Beryllion."
"Hindi iyan totoo," saad ng matanda at hinaplos ang aking tahimik na pakpak, "Ito ang pinakamagandang pakpak na nakita ko. Puti, malaki, mahaba, at sa tingin ko'y lubhang malakas kapag bumukas..."
Emosyonal akong lumingon sa kaniya, "I am 10 years old already but still I can't fly!"
"Mayroon talagang nahuhuli, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay huli ka na rin sa buhay. Hindi dahil huli ka sa isang bagay ay huli ka na rin sa buhay. Hindi lang naman pakpak ang mayroon tayo hindi ba? At mas lalong hindi lang rin paglipad ang ginagawa natin," makahulugan niyang wika na nakapagpaluha sa akin, "Hindi mo kailangang maging katulad ng karamihan, minsan mas maganda rin iyong iba ka sa lahat."
"Manang..." maluha luha kong tugon.
"Ang mga tao, wala silang pakpak pero masaya sila sa buhay at marami na silang nagagawa sa pamamagitan ng mga paa," she wittily said and thumped her feet, "Maging masaya ka, hindi ka naman kulang hindi ba?"
"Hindi po ako..."
"Hindi ka makalipad," aniya at lumuhod upang pantayan ako, "Hindi ka sasaya kung palagi kang titingin sa nagagawa ng iba ngunit hindi mo nagagawa. Huwag mo silang isipin, ituon mo ang iyong sarili sa mga nagagawa at magagawa mo."
She caressed my face and wiped my tears away, "Sama ka sa akin?"
Mabilis akong umiling, "May gusto po akong malaman..."
Nangunot ang noo ng matanda. Ngunit sa halip na umatras ay mas lalo lamang lumakas ang aking loob upang masagutan ang aking kuryusidad.
"What really happened back then? Bakit hindi po ako makalipad? At bakit iba ako sa kanila?"
Sandaling nanahimik ang matanda at marahan akong binitawan, nanlumo ito at umatras na tila umiiwas.
"Please, tell me..." garalgal ang aking tinig, at tuluyan nga akong naiyak nang mas lalong umatras ang matanda, ipinapahiwatig lamang na ayaw niyang sagutin ang katanunang ko. Ngunit makulit ako at mabilis na sumunod sa kaniya, "Please, Manang Dayana..."
"Huwag mo akong pilitin, ayaw kong makapagsalita ng mali."
Mas lalo pang lumakas ang aking loob at hinawakan siya sa kaniyang kamay, "Please... Hindi po ako gagawa ng kung ano-ano, sabihin niyo po sa akin..."
"You were cursed, Emerald."
Sabay kaming napalingon ni Manang Dayana sa kamahalang biglang pumasok sa aking silid. Naghuramentado ang aking puso nang marinig ang tinig ng aking Ina. Ngayon ko nalang din narinig ang maganda niyang tinig, at sa ganito pang pagkakataon. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa hindi inaasahang mga salitang namutawi sa kaniyang bibig.
"P-po?" naiiyak kong tanong, naninigurado dahil baka mali lang aking narinig.
"You couldn't fly, because you were cursed the moment you were born, Emerald."
And here I thought I am still normal, just a bit different.
Hanggang kailan ako lalapain ng katotohanang unti-unting pumapatay sa akin?
![](https://img.wattpad.com/cover/244833008-288-k757014.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasíaSince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...