Chapter 67: Longed
Naging matunog ang pagtawag ko kay Ezekiel, at nakaagaw kami ng atensyon. He furrowed his brows, but he couldn't resist me despite the chaos, so he immediately flew towards me. Napangiti ako at napaluha; ibinuka ko ang aking mga kamay upang salubungin siya. Hindi ko na maunawaan ang nangyayari sa iba sa covered parapet walk ngunit hindi ko na iyon pinansin. Kay George Ezekiel lamang ang aking atensyon.
It's been so long.
Lumikha ng hangin ang kaniyang pagpasok sa loob ng parapet walk. Tuluyan akong napaluha nang dumeretso siya mismo sa aking mga bisig. Napaatras ako nang napaatras dahil sa pwersang nagawa niya, at tila sinadya niya iyon upang tuluyan kaming makapasok sa gilid ng isang silid.
"Oh my goodness gracious..." singhap ko nang ibaon niya ang kaniyang ulo sa aking leeg. "George Ezekiel..."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" aligaga niyang tanong atsaka hinawakan ang magkabila kong pisngi. Hindi ako kaagad nakasagot at nakipagtitigan sa umaalab niyang mga mata. "Iniwan kita sa prinsipeng iyon dahil mas ligtas ka doon. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
Naghabol ako ng hininga dahil sa aming distansya; halos wala nang espasyong namamagitan sa aming dalawa. "I-I want to be... with you. I want to be selfish for now. I know you've chosen to be Phia's knight, but at least let me have you for this moment..."
Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking mga luha. Namilog ang kaniyang mga mata at pinahid niya ang luhang pumatak sa aking pisngi. "Emerald... you are making this hard for me."
"Please..." nahihirapan kong pigil at hinawakan ko ang kaniyang mga kamay sa aking mukha. "Hindi na kita kayang mawala. Huwag mo na akong iiwan, hindi ko na kakayanin, George Ezekiel."
"Ikaw ang nang-iwan," tugon niya. "And I did not accept her offer. I promised to protect you. Kailanman ay hindi ko iyon nakalimutan kahit na may iba ka na."
Tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko. "Sorry, hindi na mauulit. At ako? May iba?"
Sa sandaling iyon ay halo-halo ang nararamdaman ko. Ngunit sa mga bisig niya ay alam kong ligtas ako. Impit ang paghagulgol ko habang nagsasalita.
"You didn't come back! Hindi mo na ako binalikan, Ezekiel!"
"Hush, I'm so sorry, baby."
"Akala ko kinalimutan mo na ako! I waited for you every day. I didn't want to leave Beryllion because of you, but I couldn't just miss the opportunity, so I waited for you to bid a goodbye, yet you didn't come back!"
Pinunasan niya ang aking mga luha. "I came back, and you were gone. Hindi na ako nakabalik dahil nahuli ako ng mga guwardiya ng palasyo. Mabuti na lang at kilala nila ang aking Ama kaya pinagbigyan nila ako."
"Ang iyong Ama?"
"Chevalier Grock..."
Napasinghap ako sa sinabi ni Ezekiel. Bakit pamilyar ang apelyidong iyon? Para bang narinig ko na iyon sa kung saan.
"Ezekiel..."
"They made me choose. Jail or Chevalier? I instantly chose to be a Chevalier rather than sulking in a cage. I trained for these past years. I lost my freedom because of the training."
Tuluyan na nga akong napahagulgol dahil sa mga sinasabi ni Ezekiel. Mali na naman ako ng inisip. Fucking prejudice!
"I was too late to see you. Wala ka na. Tatlong taon nang matapos ang training namin bago ako naging ganap na Chevalier. And the first thing I did when I reached my freedom was to come after you at the Akademos. I volunteered to send the mail... tapos tangina... iyon ang makikita ko?"
Umiling-iling ako at inabot ang kaniyang mukha. "Hindi, mali ang iniisip mo."
"So the rumors were true. You were engaged to the prince of Macedon."
"No!" agad kong pigil at niyakap siya nang tuluyan. "Ezekiel, hindi."
I reached for his lips, and I have no idea how it worked, but I felt Ezekiel melt. When I let go of the kiss, I saw his eyes sparkle and his darkened face softened. He kissed my forehead hard and hugged me.
"I am so sorry, I really am, Emerald. Hindi na mauulit iyon, hindi na kita hahayaang maghintay sa akin. Hinding-hindi na. Patawarin mo ako..."
Hindi ako agad nakagalaw dahil sa mabibilis at madidiing halik niya sa aking pisngi, noo, at ilong. He cupped my face and then kissed my forehead again and again like he longed for me more than I longed for him, much more than I longed for every inch of him.
"Hindi mo ako iiwan?" naluluha kong tanong.
Muli niya akong tinitigan nang mariin, pagkatapos ay ngumiti. Naghuramentado ang aking puso. I knew it, he was still the George Ezekiel I had met. And I still love him... so damn much.
"Hinding-hindi, Emerald," aniya at marahang hinaplos ang aking pisngi. "Ikaw, hindi mo na ako iiwan?"
"Never."
Sa isang iglap lamang ay inangkin niya ang distansyang namamagitan sa amin at marahang inangkin ang aking mga labi. It was soft, gentle, but the sensation we were both feeling was extreme. He pushed me against the wall hard as he pressed his body against mine, sucking and biting every inch of my lips. Muli akong napaluha, at nang malasahan niya ang aking mga luha ay mabilis siyang napahinto at napatitig sa akin.
"I love you..." he whispered. Mas lalo akong napaiyak at niyakap siya nang mahigpit.
"I love you more... George Ezekiel."
If we're going to die, at least we are clear with our feelings, right?
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart.
