Chapter 58: The Threat
Nilamon ako ng takot at pangamba. Mabilis kong pinunasan ang dugong lumabas sa aking ilong, ang malapot na pula sa aking palad ay tila isang babala ng kamatayang paparating. Akma na sana akong lalabas upang balaan ang lahat nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang isang pamilyar na mukha.
"Princess Emerald..."
Isang lingkod ang pumasok sa aking silid. Problemado ko siyang tinitigan at humakbang papalapit sa kaniya. Nakabuka ang kaniyang pakpak, isang tanda ng pagmamadali, ibig sabihin lamang ay nilipad niya ang aking tore. Mahalaga ang kaniyang pakay.
"Redrose?"
She looked so different. Talagang humanga ako dahil sa laki ng kaniyang kaibahan mula noong huli kaming magkita. Talagang napakahaba na ng tatlong taon dahil hindi ko na siya lubos na makilala sa kaniyang mas matanda at seryosong anyo.
"Kailangan po kayo sa council room..."
Tila naman ako nagising sa aking katinuan ngunit nananatiling lutang.
"Why?" kinakabahan kong tanong, bagaman alam ko na ang isasagot niya base sa aking bisyon kanina.
Mula sa aking posisyon ay naramdaman ko ang pagpulong ng mga sundalo sa ibaba ng palasyo. Sinasabi ko na nga ba; nangyayari na ang masama kong nararamdaman, ang aking pinakakatatakutan.
"Magmadali kayo, Mahal na Prinsesa."
Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghila sa kaniyang braso, ang aking mga mata ay pilit na naghahanap ng kasiguraduhan. "Answer me, why?"
Sandali siyang nanahimik bago nag bunti ng hininga, ang kaniyang mga mata ay puno ng pait. "The kingdom is preparing for a war. The buzzards had planned to launch their attack... and they will attack anytime so hurry because you are not safe here anymore."
Tila ako nabato sa aking kinatatayuan. Napalunok ako at aligagang sumunod kay Redrose habang ang kaba sa aking dibdib ay tila isang tambol na mabilis ang pagtibok. Nangyayari na nga ang lahat.
Lumipad na siya pababa sa gitna ng spiral staircase habang ako ay tinahak ang bawat baitang ng hagdan sa paglalakad dahil hindi ko pa rin magamit ang aking mga pakpak. Nag ensayo nga ako sa Akademos, ngunit hindi ako makakatakas sa realidad na mahina ako lalo pa at nasa lupa ng Beryllion na ako. Binalot ako ng takot, ngunit mas lamang ang lungkot dahil muling sumagi sa aking alaala ang isang tinig, isang pangakong tila napako na sa panahon.
He said he would be a chevalier to protect me... where is he now? Is he a chevalier now? Would he still pledge his loyalty to me kahit na iniwan ko siya nang walang pasabi o kahit isang salita?
That someone who promised to be my Chevalier is nowhere to be found. It's been so long, three years. Still, I can't get over him. Kahit sa gitna ng nagbabadyang gyera, ang kaniyang anino pa rin ang hinahanap ng aking puso.
Halos magkadapa-dapa na ako dahil sa bilis ng aking paghakbang pababa ng palasyo. Redrose couldn't carry me; her wings were still too small for her age. She's a year younger than me, ngunit sadyang maliit ang kaniyang pakpak habang ang pakpak ko naman ay lampas pa sa aking paa. Dahil sa haba nito, matunog itong nailalampaso sa malamig na sahig sa bawat bilis ng aking pagbaba.
Nagkakagulo na nga ang lahat sa palasyo. Hinintay ako ni Redrose sa ground floor at sinamahan akong tumungo sa Council Room. Kahit na hinihingal ako sa pagod ay hindi ako huminto. Naroon ang takot sa akin dahil kung may apektado man sa gulong ito, iyon ay ako. I am prone to being a pawn since I am weaker than anyone else. I was also cursed, the very lady buzzard who cursed me is the one who planned to launch this attack on our kingdom.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart.
