Chapter 21: Ruined Morning
MABIGAT ang aking paghakbang pababa ng hagdan, kasing bigat ng aking nararamdaman. Nilalamon parin ako ng konsensya dahil sa pang-iinda ko sa binatang lalaki sa aking silid kanina lamang. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kaniya at ganito na lamang ako kinokonsensya.
Nabuo ang balak kong sumalo sa agahan ng mga maharlika, siguro'y matutuwa sila sa pagsalo ko dahil mabubuo kami. Sana nga ay ganoon, nakakatrauma na kasing may ibang nangyayari kapag sumasama ako sa kanila. Siguro'y maging sila'y napapansin iyon.
Napangiti ako nang makita si Kate na lumilipad patungo sa dining hall ng mga maharlika sa palasyo. Mabilis akong humakbang pababa upang sumunod, ang lahat ng madaanan ko'y napapalingon sa akin. Tila naninibago dahil lumabas ako sa aking hawla ng umaga, marahil ay nagtataka sila dahil bihira ko lamang itong gawin. At ginagawa ko lang ito kapag gusto kong maglakad-lakad, hindi ang makisama sa aking pamilya.
Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lamang ako kinakabahan, siguro'y naninibago rin ako.
Nang makarating ako sa pinto ng dining hall ay huminto na muna ako at sumilip. Katulad ng inaasahan, ang mga kapatid ko lamang ang magsasalo-salo sa mesa. Ang aking Amang Hari at Inang Reyna ay hindi sumasabay sa amin, nauuna silang kumain dahil narin sa may tungkulin pa sila sa aming Kaharian. Mas lalo pang nadagdagan ang kanilang mga ginagawa at nabawasan ang oras para sa amin dahil sa krisis at problemang hinaharap ng aming Kaharian.
Siguro'y unti-unti na kaming nalulugmok dahil sa panggugulo ng buzzards sa amin. Sa halip na huminto ay palala lamang ng palala ang mga pinsalang ginagawa ng mga buzzards sa aming Kaharian, kaya siguro'y mas dumadami ang gawain ng Hari at Reyna.
"Emerald?"
Napalingon ako kay Kate nang malakas niya akong tawagin, nakabalik ako sa aking wisyo. Ngumiti lamang si Andrew sa akin nang makita ako, kaya naman naglakad na ako patungo sa aming mesa. Nakangiti rin si Lirech nang makita ko habang si Phia ay parang wala lamang, sanay na ako sa ugali nila kaya hindi na bago iyon. Lahat kami'y napalingon kay Philip na tila bagong gising, magulo ang buhok, walang saplot sa pang-itaas at nababalot ng benda ang katawan.
"What the hell, Philip?" Gulat na saad ni Lirech.
"Morning," walang buhay na saad ni Philip at umupo sa kaniyang upuan.
Ganoon na rin ang ginawa namin. Napapalingon ang lahat ng katulong kapag nakikita kami, tila nagugulat at naninibago dahil kompleto kami. Ang Hari at Reyna na lamang ang kulang, at kung nandito sila'y kompleto ang hapag ngayong umaga.
"Put some clothes on!" Singhal ni Lirech.
Tamad na nagreklamo si Philip, "My body is still aching, please... and besides I am not naked!"
"Fine," tugon ni Lirech, "You are a Royale, you shall obey the proper Etiquettes."
"Damn that etiquette!" Bulong ni Philip na hindi nakaligtas sa pandinig ni Andrew, "Ouch!" Sigaw nito nang makatanggap ng batok mula sa aming panganay.
"Napaka pilyo mo talaga!"
"Hindi ah!" Mabilis na depensa ni Philip kay Andrew.
Tahimik na lamang akong napangiti atsaka nilingon ang nakahanda sa hapag. Napansin ko ring nasa ayos ang aming upo, katabi ni Andrew si Philip na katabi si Phia. Kaharap ko naman si Phia habang katabi si Kate na napapagitnaan namin ni Lirech.
"I guess this will be a fine day, we are complete!" Puna ni Kate, "I'm glad you've joined us, Emerald."
Ngumiti na lamang ako bilang pagtugon, maging sila'y naninibago sa aking pagsalo. Tila ba isa akong bisita na ngayon lamang nila nakasama.
"So, how did you survived last night?" Si Andrew na ang nagsimula ng usapan habang hinihintay pa namin ang ibang pagkain.
"I healed myself, I created some potions. I asked for guidance of course, it was fun, I was lost and slept past 12," Si Kate na ang unang sumagot, "How about you all? Hindi naman malala ang mga sugat ko, kaya hindi naman ako gaanong namroblema."
Napalunok ako at biglang nakaramdam ng kaba. Kailangan kong mag-ingat, hindi nila pwedeng malaman na may tumulong sa akin kagabi. Kung may nag espiya lang siguro sa akin ay buko na ako. Kung bakit ba kasi tinulungan pa ako ng lalaking iyon, na sa kabilang dako ay ipinagpapasalamat ko. Dahil siguro'y nilalagnat pa ako ngayon o nanghihina kung hindi niya ako tinulungan.
"I just had some sleep," sagot naman ni Andrew, "I always need to act tough, you know."
"I mended myself though," tugon naman ni Lirech.
Pagkatapos ng kanilang sagot ay nag-abang ang lahat nang huminto sa aming dalawa ang mesa upang magsalita.
Bigla ay nagkatitigan kami ni Phia, at ganoon na lamang nagsitaasan ang mga balahibo ko nang makita ang biglang pag-iiba ng kaniyang mga mata. Tila ako hinigop niyon, at nang sandali ring iyon ay sumama ang mukha ni Phia sa akin.
"Cheater..." Bulong nito na ikinagulat ko.
Lahat kami'y nagulat, lalo na ako. Bigla kong kinabahan sa sinabi ni Phia, ano ang ibig niyang sabihin. Nakita niya kaya ako?
"W-what?" hindi makapaniwala kong tugon.
"Phia!" saway ni Lirech.
Muli akong tumitig, at mas lalo ko lamang napagtantong hindi ako namamalikmata dahil iba talaga ang kulay ng mga mata ni Phia. Siguro nga'y hindi ko pa sila lubusang kilala, hindi ko alam na nag-iiba pala ang kulay ng mata ni Phia. Hindi kaya, ginagamit niya ito sa iba niya pang abilidad? At iyon ang dahilan kung bakit niya ako sinabihan ng mandaraya, ay dahil nakita niya o nalaman ang pagtulong sa akin ng lalaking iyon?
"Phia, ano ba!"
Matalim na lumingon si Phia sa iba ko pang kapatid, "Kapag kasama natin yan, lagi tayong napapahamak. Hindi niyo ba napapansin?"
"Phia, what's wrong with you?"
"Totoo naman hindi ba? Patuloy niyo kasing kinakampihan, kaya umaabuso tapos dinadamay pa tayo!"
Bigla ay nanubig ang mga mata ko, nakaramdam ako ng pag-iyak. Tila ako tinatamaan ng matalim sa mga sinasabi ni Phia, hindi ko inakalang ganoon pala ang pagtingin niya sa akin.
"Sophia!" saway ni Andrew, "Don't ruin the morning."
"I am not, she just did." Depensa nito at itinuro ako.
"Sophia, ano'ng problema mo?" Tanong ni Philip.
Umirap si Phia at tinitigan ako, muli ay nagsitayuan ang mga balahibo. Pakiramdam ko'y may iba pang nakasilip sa mga matang iyon, ang pakiramdam na hindi ko maunawaan.
"Accept it, gulo ang dulot niya," saad ni Phia sa mababang tono na mas lalong nagpabigat ng aking damdamin.
"Phia stop it, apologize now!"
"Ano bang problema mo, Sophia?"
"Ako ang mali? Nagsasabi lang naman ako ng totoo!"
Napayuko ako dahil sa tensyon na namumuo sa pagitan naming lahat. Hindi ko rin masisisi si Phia kung nakakaramdam siya ng galit sa akin, dahil minsan na siyang napahawak nang dahil sa akin. I was training to fly back then, but I was not successful and she was there to catch me so that I won't be hurt, but she just hurt herself by saving me. Iyon siguro ang tahimik niyang isinusumbat sa akin.
"Please..." saad ko, at talagang nakaagaw ako ng atensyon nang tumayo ako, "Don't ruin your morning more." Dagdag ko pa.
"Emerald, sit back." Saad ni Lirech sa akin ngunit nagmatigas ako.
"Please don't follow me," Saad ko habang pinipigilan ang sariling umiyak, "And I am so sorry for ruining your magical morning."
Iyon lamang ang sinabi ko bago ako tuluyang humakbang paalis sa dining hall na iyon. Naiwang tahimik ang mga kapatid ko habang ako'y binabaybay ang aking silid habang pinupunasan ang mga luhang patuloy na nagsisipatakan sa aking pisngi. Hindi ko inaasahang ganoon na lamang kabilis na masisira ang aming umaga, at dahil na naman iyon sa akin.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...