Chapter 39: A Farewell
Naapula na ang apoy ng kandila. Napagod na rin ang dalawang pusong lumilikha ng sariling musika. Hindi ko man lamang inakalang magkakaroon siya ng ganoong papel sa buhay ko, at makakagawa siya ng mga bagay na ni minsan sa buhay ko ay hindi ko inasahan. Sa kalahati ng unang gabi ng taglamig ay hindi ako nag-isa; kasama ko ang estrangherong minsan lamang na napadpad sa aking silid.
We shared the same thoughts, we had only one thing on our minds. And it was to stare at the falling snow. The winter candle, together with the moonlight, was the only light we had. God knows how pressured I am to tell how beautiful George Ezekiel's eyes were; it was truly mesmerizing. His jaw was already impeccably formed despite his young age; it clenches perfectly whenever he grits his teeth. His long eyelashes were faultless along with his thick eyebrows. His thick, soft red lips were immaculate that I almost longed to touch them.
He was so enthralling and the moment was fascinating, captivating, alluring that I almost blabbered out in ecstasy and delight.
"Hindi ka ba nababagot dito? Bakit hindi mo talunin ang bintanang ito?" tanong niya sa gitna ng nakakabinging katahimikan. Sabay naming pinapanood ang pagkislap ng mga niyebe at ang malaki at bilog na bilog na buwan.
Isa ito sa mga nakakamangha sa aming kaharian. Umuulan na ng maliliit na yelo ngunit ang buwan ay nagpapakita pa rin. Bumaba ang aking paningin sa kaniya, at mabilis akong napangiti dahil sa maamo niyang mukha. He is so cute, gusto ko iyong sabihin ngunit nahihiya ako.
"Alam mo namang hindi ako makalipad... patay akong babagsak kapag tumalon ako dito," malungkot kong tugon at muling lumingon sa kalangitan.
Naramdaman ko siyang lumingon at tumitig sa akin. "Sasaluhin kita. Hindi, aalalayan kita sa paglipad."
Mabilis akong napalingon sa kaniya at sinalubong ang kakaiba niyang titig. Naghuramentado ang aking puso; pakiramdam ko ay muling umulan ng niyebe habang pinapaligiran kami ng mga maliliit na insektong kumikislap. The fireflies outnumbered our altitude, and we both forgot how cold the night was with our stares. Ako ang unang bumitaw sa aming mahaba at mainit na titigan; pakiramdam ko ay nasunog ang mukha ko kahit na malamig.
"Gabi na..." bulong ko at muling sinindihan ang isang kandilang nasa bintana kung saan kami parehong nakatayo.
"Pinapauwi mo na ba ako?"
Napahagikhik ako. "Nasa labas lang ng gate ng palasyo ang villa ninyo?" sa halip ay tanong ko.
"Oo. Paglabas mo ng palasyo makikita mo ako... kaya lumabas ka."
Muli akong napalingon sa kaniya. Muli kong naramdaman ang pagdagundong ng aking puso, ngunit nang segundong iyon ay napangiti ako. Hindi ko na lubos pang maisip ang araw na hindi siya bumisita, dahil nasasanay na akong nariyan siya.
"Gabi na..." muli kong bulong.
"Pinapauwi mo na ako."
"Kasi gabi na."
"Pinapauwi mo na ako kasi bibisita ang mga maharlika ng Macedon, makikipagkita ka sa prinsipe..." parang bata niyang saad at saka nag-iwas ng paningin.
"Hindi pa naman bukas, Ezekiel," nangingiti kong saad at saka sinundan siya ng tingin.
"Excited ka lang makita ang paru-parong iyon."
Napahagikhik ako dahil sa kaniyang reaksyon, ngunit sa kabila nito ay tumatambol nang walang humpay ang puso ko.
"Gusto kong makakita ng ibang nilalang na nabubuhay, Ezekiel."
"Gusto mong makita ang prinsipe."
Literal akong napanganga pagkatapos ay malakas na humagalpak ng tawa. "You are jealous, aren't you?"
Mabilis at kunot-noo siyang lumingon sa akin. "Kapag nakipagharutan ka sa prinsipe, hindi na ako babalik pa dito..."
Muli akong humagalpak ng tawa at inabot ang kaniyang braso upang sana ay tampalin ngunit hinagip niya ang aking mga kamay at saka marahang ikinulong sa bulsa ng kaniyang jacket habang nakatitig sa akin. Ganoon na lamang ako napipi; wala akong salitang mahanap upang kontrahin o kaya ay tanungin si Ezekiel. Nilamon ako ng hiya.
Goodness, my fragile heart! George Ezekiel, this man got me! Nagwawala na naman ang puso ko! Walanghiya!
Naramdaman ko pang pinisil-pisil niya ang aking kamay kaya naman mas lalong naghuramentado ang puso ko. Napabuga ako ng hangin dahil sa aking nararamdaman; nagtataka niya naman akong nilingon at dahil doon ay mabilis pa sa alas-kuwatro akong nag-iwas ng paningin. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas ng bintana habang tahimik na dinadama ang mainit na palad ni Ezekiel na nagbibigay-anayad sa aking hindi mapakaling puso. Sa gitna ng lamig ay naramdaman ko ang pag-alab ng aking damdamin.
His hands were warm, and it was the best thing I have ever touched. His embrace was calming, and it was the best serenity I have ever felt. George Ezekiel was the best person I have ever met. He calmed the raging storm in my heart; his presence made me forget about my crestfallen state, the downfalls I have been through and those I have to go through. I wish he would never leave... I wish I could still see him again.
And if I only knew that that night would be the last long enthralling moment we would have, I could have touched and embraced him slower and longer.
Aubrey went back to my room.
"Tulog na po ang prinsipe nang iwan ko sa kaniyang silid," ngiting-ngiti nitong saad. Animo ay natutuwa ring nakasama si Philip sa unang gabi ng taglamig.
"Mauuna na rin po kami, paalam," saad pa nito at saka kumaway sa akin habang hawak ni Ezekiel upang alalayan.
Nakangiti akong kumaway sa kanila at tinitigan si Ezekiel na nakatuon din lamang ang paningin sa akin. "Farewell..."
At tuluyan na nga silang umalis. Nang mawala sila sa paningin ko ay nakaramdam ako ng lungkot sa aking puso. Humihiling na sana ay hindi na lamang sila umalis, na sana ay hindi na lamang siya lumisan.
He left that night and after that long algid night, he didn't come back again.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart.
