Chapter 11: Dither

2.3K 118 11
                                    

Chapter 11: Dither

MABILIS akong sumunod kay Leemar nang humakbang na ito patungo sa bailey. Nakaramdam ako ng takot, kahit na gaano pa ang galit ko sa kaniya'y isa siya sa mga iginagalang na guro rito at iyon din ang dapat na gawin ko. Inabandona niya ako, kinalimutan bilang kaniyang mag-aaral ngunit hindi ko makakalimutan ang mga turo niya sa akin, lalo na ang kaniyang paraan kapag nagagalit.

Hindi siya patas magbigay ng leksyon, ngunit hindi kami makareklamo dahil sumang-ayon na ang Hari at Reyna sa mga kagustuhan ni Leemar para na rin sa aming ikabubuti. Hindi ko maikakailang marami nga kaming natutunan, ngunit hindi rin makatarungan ang ipinapataw niyang parusa, at ang mga parusang iyon ay hindi ko makakalimutan.

"I'm happy to announce, that the princess who can't fly will be joining our quest this afternoon!" Sigaw ni Leemar habang lumalabas kami sa parapet walk at pumapasok sa bailey.

Nagulat ako nang mapagtantong kakaiba na ang bailey, siguro'y hindi ko na napapansin ang pag-iiba ng palasyo dahil madalang na akong lumabas sa aking silid. At kung lumabas pa ako'y sa loob lamang, hindi ko nagagawang bisitahin ang ilang parte ng palasyo. Sa lahat ng palasyo, ang aming palasyo ang kakaiba. Our palace has structures of a castle, we have turrets and bailey, and parapet walk castle features.

Ngunit ang katangiang ito'y nagbigay lamang kagandahan sa aming palasyo, dahil hindi modernong palasyo ang aming palasyo. It's a mixture of a castle and a palace.

Nang dumako ang paningin ko sa paligid ay hindi iyon ang bailey na inaasahan ko. Maraming malalaking halaman na naroroon at nagmukhang maze na ang bailey. Gayunpaman ay purong maze ito, tanging matataas na halaman lamang, nasisiguro kong hindi kakahuyan sa loob, purong maze lamang.

"What?" Gulat na tanong ni Andrew nang makita ang presensya ko.

Napayuko ako dahil sa hiya, tingin ko'y hindi ko kakayanin ang mga argumento nila.

"This will be bad for her! She had never been to the maze, and we will be going on our own! We won't protect each other!" Sigaw ni Philip na tila hindi parin makapaniwala.

"Well, I believe your sister can protect herself on her own." Ani Leemar at lumingon sa akin, "Right, Emerald?"

"Leemar! This maze has gotten dangerous, you said you put some wild creatures in there before we could get to the mid!" Sigaw ni Sophia, "Are you crazy?"

"Quiet!"

Natahimik ang lahat nang sumigaw si Leemar, pakiramdam ko'y nagsitayuan ang mga balahibo sa aking katawan dahil sa gulat. Napapitlag ako nang itaas niya ang kaniyang kamay, ibig sabihin lamang niyon ay magsasalita siya at wala sa amin ang sinumang sasabat sa gitna ng kaniyang pagsasalita.

"I am your professor! Nawalan na ba kayo ng respeto sa inyong guro? Iyan ba ang itinuro ko sainyo?" Maawtoridad na wika ni Leemar, "Nang ibigay kayo sa akin ng mga Maharlika upang turuan, sumailalim na kayo sa kamay ko. Kaya kapag pag-aaral ang usapan, hawak ko kayo. Makinig kayo sa akin!"

Ang lahat ay natahimik, maging akong nakagat na lamang ang aking labi dahil sa tensyon.

"Now, join them!" Tukoy ni Leemar sa akin.

Kahit na natatakot at aligaga ay hindi ko naiwasang sumunod at tumabi kay Kate na ngayon ay seryosong nakatingin kay Leemar. Bagay na hindi ko rin makakalimutan, ang pagtayo, ang pagbibigay atensyon kay Leemar kapag siya ay nagsasalita. Kaya naman katulad ng mga kapatid ko'y inihanda ko rin ang aking sarili.

Chest out, hands at the back, feet apart, and chin up.

"You are still part of this team, Emerald," ani Leemar na nagpalambot ng puso ko. "At kung anong hirap ang pagdaraanan nila'y kailangang kasama ka. Hindi ka pwedeng magpasarap lamang sa buhay dahil hindi ka makalipad, pantay-pantay kayo. Ngunit tanggapin nating may mahina talaga sainyo."

Kahit na inabandona niya ako noon, hindi ko parin maitatangging siya ang pinakamagaling na guro sa kaharian ng Beryllion kaya naman kahit na gaano pa kalaki ang pagkainis ko sa kanya hindi ko parin maiwasang humanga.

"Kailangan mong maranasan ang sakit na pinagdaanan nila, dahil pinatunayan mong kaya mo kanina, mas lalo mong patunayan ngayon. Hindi pa ako doon kontento, Emerald." Nakangising saad ni Leemar na mas lalong nagpatibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung makakaramdam ako ng pagsisisi dahil bumaba pa ako, dahil hinatak pa ako ni Kate upang mag-ensayo, ngunit naririto na ako at walang magagawa ang pagsisisi ko. Kailangan ko na lamang tanggapin ang katotohanang nagalit si Leemar, at dahil iyon sa akin kaya naman ngayon ay sabay-sabay kaming tatanggap ng parusa na magiging malaking tulong din sa amin upang lumakas at maging matapang.

Hindi ko alam kung handa ba akong pumasok sa Maze kasama ang aking mga kapatid. Sa oras na ito'y hindi kami magkakakampi, papasok kaming magkakakompentensya. Dahil ang nakikita ko'y mag-uunahan kaming lahat na makapunta sa mid habang nilalabanan ang mga nilalang na nasa loob ng maze.

Nilalamon ako ng takot na baka hindi ako makaligtas o makarating sa dapat kong paroonan, ngunit alam ko ring wala na itong atrasan. Hinamon ako ng aking guro, at hindi ko iyon pwedeng urungan. Dahil mas lalo akong magiging mahina sa harap ng mga Doveo, at sa buong Beryllion.

"You are the princes and princesses of Beryllion, you shall survive in whatever waves and cyclones, and the beasts there!" Ani Leemar at itinuro ang maze, "Those will be nothing compared to the beasts out of this palace! So you better get in there now fearfully, and get into the mid as fast as you can! I'll meet you there!"

Iyon lamang ang sinabi ni Leemar pagkatapos ay mataas siyang lumipad papasok sa maze. Naiwan kaming nakatayo lamang doon habang hinihintay ang hudyat ni Leemar na hindi ko alam kung ano.

"You can fly, but not above the bushes!"

Isang sigaw ang narinig namin mula kay Leemar na sa tingin ko'y nasa tuktok na ng maze habang pinapanuod kami.

Napalunok ako, bakit kailangang lumipad? Naramdaman ko tuloy ang diskriminasyon, alam ni Leemar na hindi ako makalipad, at sa tingin ko'y ginagawa niya ito upang lalo akong mahirapan. Upang manalo siya sa hamon na namagitan sa aming dalawa.

Kahit papaano'y may hamunan na nangyari sa amin, at alam naming dalawang hindi kami magpapatalo sa mga hamon maging buhay o kamatayan. Malamang nag-iisip pa si Leemar ng mga bagay na magpapadali sa aking mga kapatid ngunit magpapahirap sa akin, gayunpaman ay hindi ako pwedeng magpaapekto. Dahil ito na ang pagkakataon upang ipamalas kong may magagawa pa ako. Marami pa.

"I don't understand why you need to join us," Sophia enunciated.

"Phia..." pagpipigil ni Lirech.

"What?" Iritadong sagot ni Phia, "Gusto ko lang ipaalala sa'yo, Emerald, na hindi tayo magkakakampi dito. Kailangan mong maging matapang at protektahan ang sarili mo upang makaligtas, hindi kami darating upang iligtas ka."

"Phia!" Saway ni Andrew.

"Ano? Sinasabi ko lang ang totoo para maging handa siya! Kinukunsinti niyo kasi kaya umaabuso!"

"Phia!" Muling sigaw ni Andrew.

Napalunok na lamang ako at napayuko. Minsan ay hindi ko matanggap ang sinasabi nila, ngunit kahit gaano pa kasakit ay ginagamit ko na lamang ito bilang motibasyon para mas lalong magsumikap. Sa pagkakataong ito'y ipapamukha ko sa lahat na hindi rin ako basta-bastang sumusuko sa hamon.

"Ang tagal ng hudyat..." reklamo ni Kate.

Napalingon ako sa kaniya, "Anong hudyat?" Tanong ko.

Pagkatanong ko niyon ay mahabang na pito ang aming narinig. Kasabay ng mahabang pitong iyon ay ang paglipad ng aking nga kapatid papasok sa maze.

Iyon na ang hudyat. Lahat sila'y umabante na, samantalang ako'y hindi makahakbang papasok sa loob dahil sa takot na hindi na muling makalabas.

Emerald...you can and you will do this!

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon