Chapter 6: The Stranger

3.6K 173 14
                                        

Chapter 6: The Stranger

Nakakabinging sigaw ang kumawala sa aking bibig na gumulat sa lalaki maging sa akin. Nagulat ako sa sarili kong tinig, at napansin kong mas nagulat ang binata dahil muntik pa itong mabuwal sa kaniyang pagkakatayo. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang tila nag-iisip kung paano ako pahihintuin.

"Ano ba?!" iritado niyang sigaw. Lumingon siya sa kaniyang likuran, tila naniniguro kung may nakapansin sa ingay na nagmula sa aking tore.

At siya pa talaga ang may ganang magalit? Sa halip na manahimik ay mabilis akong kumilos paalis sa aking kama at muling sumigaw. Ganoon na lamang ang gulat sa kaniyang hitsura nang magsimula ko siyang batuhin ng anumang bagay na mahawakan ko.

"Ano bang problema mo?!" inis niyang sigaw habang patuloy na umiilag. Ang ilan ay maliksi niyang nasasalo, habang ang iba naman ay sinusuntok niya pabagsak sa sahig.

"Ikaw? Sino ka?!" sigaw ko sabay atras.

He heaved a deep sigh. "Huwag kang sisigaw!" pagbabanta niya.

Tumaas ang kaba sa aking dibdib at napalingon ako sa pintuan. Kung minamalas nga naman ay malayo ito sa akin; hindi ako kaagad makakalabas. Naghuramentado ang aking puso. Hindi ko maunawaan kung bakit, ngunit higit pa sa takot ang aking nararamdaman. Hindi lamang dahil sa kaba kaya pumipintig nang malakas ang aking dibdib; mayroong kakaiba sa kaniyang presensya na nagiging dahilan kaya dumadagundong ang puso ko.

Marahil ay dahil natatakot ako sa kaniya. Nang kinakabahan akong napalingon sa kaniya, napagtanto kong iba rin siya sa mga Doveo na nakita ko na. Katulad ko ay kakaiba rin siya, ngunit mas nakahihigit ang kaniyang katangian kumpara sa akin.

His wings! Hindi pantay ang kulay ng kaniyang mga pakpak; ang isa ay itim at ang isa ay puti. Gusto kong mamangha, ngunit pinangunahan ako ng pagiging alerto dahil baka sinusugod na kami ng kalaban. Nang bahagya siyang gumalaw ay bumuka ang aking bibig upang muling humiyaw, kaya naman mabilis niyang tinakpan ang kaniyang sariling mga tainga.

"Huwag kang sisigaw!" muli niyang babala.

Aligaga at hinihingal akong tumitig sa kaniya. "Sisigaw ako!"

"Hindi!"

Nangunot ang aking noo. Pinapangunahan niya ba ako? "Sisigaw ako!"

"Hindi sabi!" Sinabayan niya ang pagtaas ng aking kilay. "Huwag kang sisigaw—"

Malalim akong humugot ng hininga at inihanda ang aking lalamunan para sa isang pangmalakasang sigaw. "WAAAAHH!"

Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at pailing-iling na sinamaan ako ng tingin. "Sabi nang huwag kang sisigaw!"

Pagkasabi niyon ay napasinghap ako sa gulat at napaatras nang bumukas ang kaniyang magagandang pakpak. Sumabay sa liwanag ng araw na nasa kaniyang likuran ang kaniyang ginawa kaya hindi ko maiwasang humanga. The soft feathers of his wings moved along with his biceps when his wings extended from his sides. Sa murang edad ay kahanga-hangang nagkaroon na siya ng ganoong pangangatawan. Lumalagpas sa gilid ng kaniyang pakpak ang mga sikat ng araw.

Literal akong napanganga nang tila bumagay siya sa kaniyang kinatatayuan. His black sweatshirt and faded jeans made him look hotter; sa ganoong hitsura ay hindi siya isang maharlika, hindi rin elite, kundi isang ordinaryong mamamayan ng aming kaharian na napadpad sa aking hawla. Papaanong nalipad ng isang tulad niya ang aking tore?

My turret is the highest in the palace, the very pinnacle of our kingdom, and only those skilled winged humanoids who have undergone rigorous training could reach my altitude. Kaya naman palaisipan sa akin kung paanong nalipad ng isang normal na Doveo ang aking lungga.

Mas lalong luminaw sa akin kung gaano kaaya-aya ang kulay ng kaniyang pakpak. Sa sandaling iyon ay nagmukha siyang anghel na bumaba mula sa kalangitan upang sagipin ako mula sa aking hirap, upang iahon ako mula sa pagkakalugmok sa magulo kong mundo.

Ngunit ang lahat ng iyon ay naputol nang bigla siyang tumalon at lumipad patungo sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang maglabas siya ng kung anong bagay mula sa kaniyang likuran. Tuluyan akong nanginig nang tumama ang aking likod sa dingding; wala na akong maatrasan.

Namuo ang luha sa aking mga mata nang makita ko ang ngisi sa kaniyang mukha. Hindi naman dapat katakutan ang kaniyang hitsura, ngunit kinakabahan ako sa maaari niyang gawin. Nilipad niya ang aking posisyon at huminto mismo sa aking tapat. Sinakop niya ang maliit na espasyong namamagitan sa amin, kaya naman napakapit ako sa dingding dahil sa panghihina.

Kasabay ng pagbuka ng aking bibig ay ang pagkurba ng kaniyang labi, tila inaasahan na niya ang gagawin ko. At nang ilalabas ko na ang naipon kong tinig ay pumatak ang aking luha. Hindi ako nakasigaw dahil bigla niyang sinalpakan ng mansanas ang aking bibig upang patahimikin ako nang tuluyan.

"Sabi nang huwag kang sisigaw," aniya at mas lalong lumapit sa akin. "Lechon ka tuloy..."

Napapitlag ako nang haplusin niya ang aking pisngi upang punasan ang luhang pumatak. Nagulat ako nang tikman niya ang aking luha; dinilaan niya ang kaniyang hinlalaki matapos makuha ang butil niyon. Buwang!

"Huwag kang mag-alala, Mahal na Prinsesa," aniya at hinawakan ang mansanas sa aking bibig, tila akmang tatanggalin ito. "Hindi ako masamang nilalang."

Nahugot ko ang aking hininga nang kumindat siya. Bumilis ang aking paghinga nang akma niyang tatanggalin ang mansanas ngunit biglang huminto. Bahagya naman akong nanlumo.

"Mangako kang hindi ka na sisigaw."

Nanlaki ang mga mata ko, ngunit dahil gusto ko na ring matanggal ang sagabal sa aking bibig ay mabilis at paulit-ulit akong tumango. Leche naman ang lalaking ito; humanda lang siya sa akin. Hindi ko papalampasin ang sandaling pinagmukha niya akong lechon.

"Good..." aniya habang hawak ang mansanas. Ngunit muli na naman siyang bumawi, na ikinainis ko nang husto. Nangangawit na ang aking bibig at nakakahiya namang tumulo ang laway ko sa harap niya. Wala akong mukhang maihaharap kapag nagkataon. Mariin niyang pinagmasdan ang mansanas at saka tumitig sa akin. Tumalim ang tingin ko sa kaniya na ikinangisi niya.

"Kagat..."

"Hnngg?!"

Inginuso niya ang mansanas. "Kagat..."

I glared daggers at him and rolled my eyes. Muli pa akong umirap ngunit wala akong nagawa kundi ang kagatin ang mansanas. Nang makagat ko ang bahagi nito ay kinuha niya ang prutas at kumagat din sa mismong parteng kinagatan ko. Buwang talaga!

Ngumunguya ito sa aking harapan habang nakangiti. Nginuya ko rin ang bahaging nasa aking bibig habang matalim siyang tinitingnan. Bahagya siyang umatras kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Batay sa kaniyang mukha, isa siyang tila mautak at mahusay na nilalang, ngunit kahit gaano pa siya kagaling, dahil pasaway siya sa paningin ko ay "ekis" na siya agad.

The young man smiled again, but this time he looked happier. Hindi ko alam kung bakit, ngunit natagpuan ko na lamang ang sarili kong kumakalma sa halip na muling sumigaw upang palayasin siya. This stranger, this freaking stranger!

Her Wings (PSS, #2) ✔️Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon