Chapter 17: Self Medication
Huminto ang aking paghinga nang tumapat sa akin ang aming guro, mariin akong napapikit at tahimik na pinagalitan ang sarili nang isipin kong tuluyan niya na akong nilipasan. Kanina ay sumasama ang loob ko, ngayon ay hindi na ako makahinga dahil nasa harapan ko na siya.
Nagbuntong hininga si Leemar bago nagsalita.
"I am glad you have joined us, Emerald," marahan nitong saad at saka naningkit ang mga mata. Inihanda ko ang sarili sa mga prangka niyang sasabihin, "I was fascinated by your skills, I never expected you can do such things. I never saw you do fierce, bold, dauntless things before that's why I am amazed with what you have shown us earlier. I always say this, however, I was not totally astonished. You still lack endurance, your plans needs to widen. I am glad to watch you acting as the brain of the team, but you need to think better and clear. Everything is life and death, never risk the lives of your siblings on your stupid plans so think and propose well!"
Napalunok ako at sunod-sunod na napatango habang nakahinto ang paghinga. Hindi ako makahinga, kaya naman batong-bato ako sa pagkakaupo habang nagsasalita si Leemar.
"You need to realize how powerful you are being the brain of your team. You are a very big part, and the lives of your siblings, not only your siblings but the lives of your people will depend on your plans. So if your propositions are stupid, people will die. Good thing you proposed well earlier, however I am not contented. You should have thought of the easiest and safest way. You gotta think, Emerald, think."
Muli akong tumango at nagpakawala ng isang hininga, "Yes sir..." mahina kong sagot.
"Do you understand?!" Sigaw ni Leemar na nagpagitla sa akin.
"Yes sir!" Malakas kong sigaw. Kulang na lamang ay pumiyok ako dahil hindi ko nakontrol ang aking boses.
Ngumisi si Leemar sa akin, "You won this time princess, but this won't be the last. Take note of that."
Gusto kong ngumiti dahil siya mismo ang nagdeklarang panalo ako, ngunit hindi ko magawa dahil ang tensyon na namamagitan sa aming lahat ay mas lalong tumataas.
Nang umatras siya'y doon lamang akong nakahinga ng maluwag, pakiramdam ko'y maski ang mga kapatid ko'y ganoon din. Sabay-sabay kaming nagpakawala ng mahaba at malakas na buntong hininga. Tila sa wakas ay nailabas namin ang hanging kanina pa namin pinipigilang lumabas, animo'y isang malaking pagkakamali ang huminga kami sa ganoon kataas na tensyon.
Isang malakas na buntong hininga pa ang aking pinakawalan at muling inisip ang sinabi ni Leemar. Siya na mismo ang nagdeklara na nanalo ako sa hamunang namagitan sa amin, gayunpaman ay hindi kakalimutang hindi ito ang huli. Marami pang suliranin ang mangyayari, at dahil sumama na ako sa grupo'y sasaakin ang paningin ni Leemar kapag muli pa akong sumama.
Gusto ko pang sumama sa mga susunod na pagsubok, ngunit natatakot akong nagkataon lamang na malakas at matapang ako, nasa tamang kondisyon kaya nalagpasan ko ang ganoong pagsubok.
"Dear Royals, I admit I was somehow thunderstruck with the unity and teamwork you have shown me earlier. I am glad you puzzled it out, you can't enter the mid alone. Getting inside needs collaboration, and I saw how your collaboration went well. Gusto ko lang ipaalala sainyong hindi lang ganoon ang mararanasan ninyo sa pinakaayaw nating pagkakataon, kaya kinakailangan nating maghanda. Anumang oras, maaaring dumating ang isang hagupit na tatangay sa ating mga buhay, sa lahat ng mayroon tayo kaya't kinakailangan nating maghanda," ani Leemar at iwinawagayway ang kamay, sinayales na hindi kami pwedeng magsalita sa gitna ng kaniyang mensahe, "As your mentor, trainer and professor, I am proud to say that you've somehow reached my expectations. I thought you wouldn't find it out, but you just did. It's not about going their by yourself, sometimes you need someone's help, others help to get to your position. Always remember that,"
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
خيال (فانتازيا)Since her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...