Chapter 43: Monarchs

2.4K 113 4
                                        

Chapter 43: Monarchs

Nang gabi ngang iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang ayusin ang aking mga gamit. Wala ni isang anino akong nakita sa aking bintana upang manggulo. Sa gitna ng pag-iimpake ko ay malungkot akong napapalingon sa aking bintana, umaasang naroroon na naman si Ezekiel upang manggulo sa akin. Ngunit sa paulit-ulit kong paglingon ay hindi ko siya nakita. Hindi ko naramdaman ang kaniyang presensya.

Hindi ko inaakalang ganito na lamang kalakas siyang tatatak sa akin. Nasisiguro kong hindi naman siya mananatili sa aking isipan at puso kung hindi siya mabuting nilalang. Talagang hindi naman kasi kalimot-limot ang lahat ng masasayang ginawa namin sa labas ng palasyo noon. At ni minsan ay hindi ko inisip na kalimutan ang lahat ng ginawa niya para sa akin. Doon ko pa napatunayang mapagkakatiwalaan talaga siya dahil walang sinuman ang nakaalam na nakalabas ako ng palasyo at nakapunta sa lungsod at mga distrito.

Natapos ko na ang pag-aayos ng aking mga gamit. Sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na rin ng gabi ngunit gising na gising ang diwa ko. Hindi ako makatulog; hindi ko lubos maisip na tuluyan na akong lalabas sa palasyo bukas na bukas. Noon, ito ang pangarap ko: ang tuluyang makalayo sa palasyo upang makihalubilo sa kung sino-sino. Kaya naman hindi ko na naiintindihan ang sarili ko kung bakit tila gusto kong umatras, dito na lamang sa palasyo mag-ensayo nang mabuti at hintayin ang pagdalaw ni Ezekiel.

"Where in the world are you, George Ezekiel?" malumanay kong bulong habang nakatingin sa bintana at humikab. "Are you alright?"

Dahan-dahang bumagsak ang aking mga mata dahil na rin sa pagod at antok. Dumapo ang aking mga daliri sa ipit na binili ni Ezekiel para sa akin sa lungsod noon; awtomatiko akong napangiti. Isang beses ko pang nilingon ang madilim at malamig na gabi sa labas ng aking silid bago ako tuluyang nilamon ng dilim.


*****


Kinabukasan ay awtomatikong maaga ang aking gising. Mabilis akong nag-ayos ng aking sarili at inihanda ang aking mga gamit sa nakabukas kong pinto. Isang hakbang na lamang sana ang gagawin ko ay tuluyan na akong makakaalis sa aking silid, ngunit kaagad akong nahinto at napalingon sa aking bintana. Sa muling pagkakataon ay pinili kong maghintay pa ng ilang sandali, umaasang anumang segundo ay darating at magpapakita roon si Ezekiel.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Excited akong hindi. Natutuwa ako dahil sa wakas ay makakalabas na ako nang tuluyan sa aking hawla, ngunit natatakot rin ako sa buhay na naghihintay sa akin doon. Hindi lang iyon, nalulungkot rin akong lilisan nang hindi nagpapakita o nagpapaalam kay Ezekiel.

Alam niya kayang aalis na kami ngayon? Kung sakaling alam niya, wala man lang ba siyang balak na magpakita sa akin?

"Good morning,"

Napalingon ako sa biglang nagsalita sa aking pintuan. Halos napalundag pa ako sa gulat dahil nakatuon lang talaga ang aking atensyon sa bintana.

"Kate, good morning," nakangiti kong saad. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti habang sinusundan ang paningin ko sa bintana.

"Ano'ng problema?" tanong niya nang nakangiti pa rin.

Umiling-iling ako. "Ang saya mo ngayon ah," sa halip ay sagot ko. "Ang ganda ng ngiti oh."

"Oo naman, sa wakas makakasama na kitang maglakbay."

Napahagikhik ako. "Handa ka na ba?"

Nangunot ang kaniyang noo. "Ikaw, Emerald. Handa ka na ba?"

Sandali akong natahimik. Sa huling pagkakataon ay muli akong lumingon sa aking bintana, ngunit katulad ng laging nangyayari ay wala siya roon ni katiting ng kaniyang presensya. Kaya naman bitbit ang pilit na ngiti ay malungkot akong lumabas sa aking silid at bumaba.

Matunog ang nagagawa ng aking maleta ngunit sa oras na iyon ay wala akong pakialam. Ang utak ko ay tila naiwan sa aking silid. Hindi man lang talaga kami nagkita ni Ezekiel. Kahit papaano ay itinuring ko na rin siyang kaibigan kahit na maikling panahon lamang ang aming pinagsamahan. Dahil sa maikling panahon na iyon ay napakarami kong ginawa, at ang mga nagawa ko ay iyon mismong aking gusto.

Nang makababa kami sa garahe ng mga karwahe ay naroon na ang aking mga kapatid, ngunit wala roon ang aming mga magulang. Wala silang oras na panoorin kaming umalis; mas lalo pang dumami ang kanilang tungkulin dahil na rin sa mga problemang kinakaharap ng aming kaharian.

"We'll just wait for the Monarchs of Macedon, they'll be here in a few minutes," ani Lirech. "Andrew, are you sure walang nakakilala sa kanila? Baka pinagkaguluhan na sa lungsod kaya hindi nakakarating rito?"

"I have no idea, Lirech."

"What if we send sentries to look for them?" suhestiyon ni Kate. "I've heard they have been traveling since the day before yesterday so I'm pretty sure they're already in Beryllion."

"Shall we send sentries, Andrew?"

"Wala man lang bang balak maniguro ang hari at reyna?" tanong ni Philip.

"Para kang hindi nag-ensayo sa ganito. We were born to be independent, Philip."

"At least bid us farewell before we go off," malumanay nang saad ni Philip.

Hindi man halata ngunit malapit si Philip sa aming ina. Nakakatuwa ngang isipin na kalalaking tao pero hindi mahiwalay sa reyna noon. Kaya naman siguro magaan ang loob niya sa mga babae; nasanay siya sa reyna na hindi siya pinapabayaan. Samantalang ako ay lumaking parang walang magulang. Si Manang Dayana lang ang kasama ko sa hawla ko, madalas pang wala dahil may tungkulin rin siya sa palasyo maliban sa akin.

"Andrew, what do you think?" tanong ni Lirech.

"We won't do anything but to wait here," huling desisyon ni Andrew na siya naming sinunod.

Naghintay na lamang kami roon habang ako ay hindi mapakali. Bigla ay gusto kong umurong at bumalik ngunit hindi na pwede. Mas lalo pa akong nagdalawang-isip nang masilip ang napakalaki at napakagandang karwaheng paparating sa amin.

"Siguro ay sa kanila na ang karwaheng iyon," bulong ni Kate. "That carriage looks perfect."

"Of course, colors are important in Macedon. Iyon ang katangi-tangi sa kaharian nila: ang kulay," sagot ni Lirech.

"I can't wait to see them, I bet they're beautiful."

"They are," nakangiting sagot ni Lirech. "The last time I saw a fairy I almost fell in love; they are gorgeous."

"Why didn't you?"

"That fairy is a she and a kid, Kate. Hindi ka lang naman mai-in love romantically; iibig ka sa kahit na anong paraan."

"May I ask?" biglang singit ni Philip na halata mong hindi talaga natutuwa. "Why do we need to be with the Monarchs of Macedon?"

Umirap si Lirech. "I know we are grown-ups now, but I won't hesitate to strangle and smack you if you show your rudeness to the Monarchs of Macedon."

"I was just asking," depensa naman ni Philip. Halata mo talagang hindi siya natutuwa; hindi gustong lumisan sa palasyo.

"Dadaan lang naman sila sa Beryllion, kaya isasabay na nila tayo. Huwag kang maarte, Philip. This is also a good idea; dapat talaga ay nagkakaisa ang mga kaharian," matured na tugon ni Lirech.

"We can fly! Why do we need to ride that carriage?" reklamo pa ni Philip.

"Fly until you're exhausted."

"We have our own carriages."

Napalingon ako sa dalawang nagsasagutan. Tila walang pakialam ang iba kong kapatid; ako lang talaga ang namomroblema sa sagutan nina Lirech at Philip. Ganoon na lamang ako kabilis na napayuko nang matalim na dumapo ang mga kamay ni Lirech sa ulo ni Philip.

"Ang dami mong reklamo, ano bang problema mo?" iritadong ani Lirech at kinurot pa sa tagiliran si Philip. "Stop being a baby, Philip. Alam kong ayaw mong umalis at hindi ko alam ang dahilan kung bakit, pero umayos-ayos ka."

"Bakit mo ako pinapagalitan?!"

"Enough," ang tinig ni Andrew ang siyang nagpahinto sa pag-aaway ng dalawa.

"Courtesy, royals," dagdag niya pa at humakbang sa unahan naming lahat upang pangunahan ang pagbibigay-galang sa paparating na maharlika ng Macedon.

The Monarchs of Macedon are here, and in a few minutes we'll be leaving Beryllion.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon