Chapter 65: The War

2.2K 121 1
                                        

Chapter 65: The War

Masyado nang magulo ang paligid. Pawis na pawis na rin si Ranzo habang tinatahak namin ang tuktok ng aking silid. Napakataas niyon, at karga pa ako ni Ranzo kaya ramdam ko ang bawat bugso ng kaniyang pagod. He flew all the way from Macedon to Beryllion, isang napakalayo at nakakapanghinang paglalakbay.

"I have heard about Irithel's plan. Humingi rin ng tulong ang iyong Ama noong nakaraang araw sa aming kaharian kaya nang malaman ko ay agad akong nagpunta rito," ani Ranzo, pilit pinapatatag ang boses. "Sumakay ako sa pinakamabilis na kabayo para huwag magamit ang enerhiya ko, ngunit naharang ako malapit sa palasyo. Lumipad na lang ako, at mabuti naman dahil maayos ka."

"Ang kaharian ninyo? Paano ang kaharian ninyo?" problemado kong tanong.

"We have received threats, but the Kingdom is still safe. Walang digmaan roon; ang nasa delikadong sitwasyon ngayon ay kayo."

Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang pisngi. "Ramdam ko ngang pagod na pagod ka na. Maraming salamat."

He smiled back while I caressed his face. "Anything for you, my Emerald. Anything, my princess..."

Ilang sandali pa ay napasigaw ako dahil isang buzzard ang bumulusok patungo sa amin. Ranzo slid and rolled through the wind on the other side, habang dumeretso pabagsak ang buzzard na iyon. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ni Ranzo. Nakaramdam ako ng kaba dahil bumibigat na rin ang kaniyang hininga.

"Ranzo..."

He glanced at me. "Don't mind me, Emerald. Ihahatid kita sa Turret. Hindi kita pababayaan."

Nanlaki ang mga mata ko nang isang palaso ang bumulusok patungo sa amin. "RANZO! PRINCE!"

Huli na nang makaiwas si Ranzo; tinamaan siya sa balikat. Napasigaw ako nang bahagya akong mabitawan ni Ranzo sa gulat. Nakaagaw kami ng atensyon at dahil doon ay mas lalo kaming kinabahan. Ang mga buzzards ay nakatuon na sa amin, at ang ipinangangamba ko pa ay may sugat na ang prinsipeng nagliligtas sa akin.

"Ranzo..."

"Trust me, I am fine."

Napaluha ako at itinuro ang kaniyang dumudugong balikat. "Dumudugo... malaki ang tama, prinsipe!" Muli akong napatili nang dalawa pang buzzard ang pasugod sa amin. Malakas na napamura si Ranzo, tuluyan na siyang nalilito sa kaniyang gagawin, ngunit sa halip na umiwas ay dumeretso siya patungo sa aking Turret.

Unti-unting lumapit sa amin ang mga buzzard. Nagsipatakan ang aking mga luha dahil grupo na ang pabulusok tungo sa amin mabibilis, nanggigigil, at lahat sila ay sa akin nakatingin. Dahil sa takot ay ibinaon ko ang aking mukha sa dibdib ni Ranzo, wala na akong ibang naisip kundi ang magtiwala sa kaniya.

Naghintay ako ng impak, ngunit nagtaka ako nang walang bumagsak sa amin ni isang armas ng mga kaaway. Maging si Ranzo ay nagtaka rin at bahagyang bumagal upang tingnan ang likuran.

We were both shocked to see a mighty chevalier slaying every buzzard going against our way. George Ezekiel was there. Matalim ang kaniyang tingin sa amin nang bahagya niya kaming lingunin, ngunit agad ring naituon sa mga kaaway ang kaniyang atensyon.

Sinamantala iyon ni Ranzo upang iakyat ako. Hindi nawala kay Ezekiel ang aking paningin hanggang sa hindi ko na siya kayang lingunin pa dahil patuloy kami sa pagtaas. Nababali na ang leeg ko kakatingin sa kaniya sa ibaba. Nakarating kami sa bintana ng aking Turret. Maingat akong itinayo doon ni Ranzo.

"Maraming salamat," nakangiti kong saad.

Ngumiti si Ranzo at mabilis akong hinatak para sa isang yakap. "Just a hug, my princess..."

Her Wings (PSS, #2) ✔️Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon