Chapter 2: Losing Freedom
I can feel a thunderous volt of pain traveling from my veins heeding to my mind making me out of breath. Tila ako dinaganan ng toneladang mabibigat na bagay at unti-unting nadurog ang aking mga buto. Ang sumasakit kong katawan ay hindi ko maigalaw, at hindi ko alam kung paanong tila gising ang aking diwa habang ang aking katawan ay tahimik na nakahimlay sa aking aking higaan.
"Emerald..."
My heart skipped a beat when an unfamiliar name called me. Pinaghalong lungkot, excitement at takot ang aking naramdaman nang paulit-ulit akong tawagin ng tinig na iyon. Malumanay iyon ngunit hindi ko masabing maganda sa pandinig dahil nagbibigay ito ng kilabot sa aking katawan. Tila iyon pamilyar na hindi pamilyar, at mas lalo lamang nitong dinadagdagan ang sakit na aking nararamdaman.
"Emerald..."
I heard it again, the voice of a woman in my dreams. Hindi ko alam kung bakit ako tinatawag nito, at hindi ko alam kung bakit tila ako ang mismong pakay nito.
Suddenly my full black vision turned into a wild forest. Napasinghap ako, hindi ko maintindihan kung panaginip ito o bangungot dahil pakiramdam ko'y naroon mismo ako, gising ako habang pinagmamasdan ang kakaibang paligid. It was quiet, but somehow the sereneness from the forest was scary and the sound of atmosphere traveling all the way traipsing every corner of the wild is melancholic.
Then suddenly I heard a baby crying. Dumagdag iyon sa sakit ng aking ulo. Hindi pa iyon doon natapos dahil nakakita ako ng babaeng tumatakbo palayo sa tila isang nakakatakot na lugar na hindi ko matukoy, nang lingunin ko ang kaniyang pinanggalingan ay kadiliman lamang ang aking nakita. Isang tila walang hanggang dilim.
I heard another cry again, it was the same cry meaning it just came from a single baby. Nang muli kong lingunin ang babaeng tumatakbo ay malakas na bumukas ang pakpak nito na lumikha pa ng ingay at saka walang pasabing umalis sa lugar na iyon. Everything was not lucid, the woman, the wilds, the baby's cry, the darkness... everything. At hindi ko alam kung bakit tila natunaw ang aking puso dahilan upang muli akong mahirapang huminga. Nang muli kong ituon ang aking atensyon sa paligid ay natunaw itong parang kandila kasabay ng pagtawag sa akin ng isang pamilyar na tinig.
"Emerald——!"
I gasped and immediately sucked air to breathe the moment I opened my eyes. Wala akong ibang ginawa kundi ang maghabol ng hininga kaya naman aligagang lumapit ang aking Ina sa akin upang humingi ng tulong. I arched my body to ease the pain I am feeling, ngunit naging dahilan lamang ito upang muli akong mahirapang huminga dahil nadagdagan ang sakit na aking nararamdaman.
"She is awake!" Sigaw ng aking Ina, "Call the mender elders, now!"
Malakas akong humagulgol dahil hindi ko na malabanan pa ang sakit na aking nararamdaman, dumederetso ito sa aking ulo at lahat na parte ng aking katawan ay tila apektado.
Humahangos na pumasok sa aking silid ang dalawang matandang babae, at nagulat ako nang mabilis na umilaw ang kanilang mga kamay sa aking harapan. Nagitla ako at malakas na sumigaw habang umiiyak sa takot.
"What are you doing?" I yelled, "Who are you?!"
Takot kong tanong nang mapagtantong ibang-iba sila sa amin at wala rin silang pakpak.
"Hush," The Queen interrupted and immediately gave me a warm embrace, "Hush, Emerald. They won't harm you, they are mender sorcerers from the kingdom of Eufrata, calm down baby, calm down..."
Ilang salita pang hindi ko maunawaan ang sinabi ng mga matanda pagkatapos ay naramdaman kong kusang kumalma ang aking sarili. Unti-unting bumagsak ang aking mga mata, at nang sandaling iyon ay tila nalimutan ko ang mga sumasakit na bahagi ng aking katawan. Mahusay ang mga mender sorcerer na naglagay ng gamot sa akin dahil hindi ko na naramdaman pa ang sakit matapos kong makita ang mga kamay nilang umilaw.
The queen fondled me, caressed me and put me back to sleep. I felt a liquid forming in my eyes watering my eyelashes. Bago ko isinara ang aking mga mata ay umawit ang aking Ina na mas lalong nagpakalma sa akin.
"Amidst the strongest cyclones,
You will be able to fly,
For you are Emerald,
and you shall soar high,
Soar high sweet precious of mine,
Fly high, my darling you shine..."
The pain that was killing me a while ago totally faded away, pumikit akong may ngiti sa aking mga labi dahil na rin sa napakagandang awit ng aking Ina. I closed my eyes and felt her embrace, it was soothing and it was all I could ask for from that moment.
"Queen..."
Hindi pamilyar sa akin ang tinig na iyon ngunit naramdaman ko ang mabilis na paglingon ng aking Ina sa nagsalita, "What's the matter?"
"An order from the King, he got really worried. Isang linggo na ay hindi parin lubusang magaling ang prinsesa, at mas lalo ring nagiging delikado ang ating kaharian dahil lumalaki na ang grupo sa chasma..."
"Deretsuhin mo na ako, sentry."
Ilang sandali munang nanahimik ang sentry bago tuluyang nagsalita, narinig ko pa itong nagbuntong-hininga, "He was worried that the Princess might not escape battles or any unexpected circumstances, so he decided to put the Princess into the highest pinnacle for her own safety."
"What?" hindi makapaniwalang tanong ng aking Ina, maging ako'y ganoon rin, "I will talk to him,"
"It is for her own safety..." Isang baritonong tinig ang dumagundong sa aking silid dahilan upang mas lalong matahimik ang lahat, "One of our chevalier saw the chasma opened, meaning something unpleasant event is ahead. She's the only one who can't fly, we need to secure her safety."
Kahit na takot sa maawtoridad niyang tinig ay lakas loob kong iminulat ang aking mga mata upang pagmasdan ang makisig na Haring Zebulon sa aming harapan. Maging ang Reyna ay hindi nakapagsalita, alam kong hindi siya gaanong sang-ayon sa kagustuhan ng hari ngunit alam niyang para iyon sa ikabubuti ko.
Tahimik na nalungkot ang aking puso, tila nabasag na naman ito dahil sa paulit-ulit na pagkakataon ay hindi na naman sumang-ayon ang kasiyahan sa akin. I will be caged to the highest turret in the palace, to the highest pinnacle where only the skilled-winged-humanoids could reach. Only those great Doveos could reach so far.
I just lost my freedom.
Hanggang saan ako aabot sa pagiging ganito?
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...
