Chapter 20: Him

2.1K 109 24
                                    

Chapter 20: Him

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Kinailangan ko pang iharang ang aking mga kamay upang huwag tuluyang masilaw sa liwanag. Nang idilat ko ang isa kong mata'y napapikit lamang ako dahil sa silaw ng araw, nakalimutan kong isara ang aking bintana kagabi.

Nang hindi ko na gaanong naramdaman ang sakit ay tuluyan na akong natulog upang huwag nang makaramdam pa ng panibagong sakit. Hindi ko napansing hindi iyon naisara kaya naman dumediretso sa aking mukha ang sinag ng araw ng umaga ngayon.

Ngunit isang anino na naman ang dumapo sa aking mukha, ibig sabihin lamang ay may kung anong humarang sa araw. At nang tuluyan kong alisin ang aking kamay ay nakita ko na naman ang binatang iyon na prenteng nakatungo sa ere habang pinapanuod ako sa aking ginagawa.

Nangunot ang aking noo at napairap. Ano na naman ang ginagawa ng isang 'to rito? Binaybay ko ang kaniyang hitsura, nakasuot na naman siya ng itim na sweatshirt at itim na pantalong bumabaybay sa mahaba niyang binti. Saka ko lang tuluyang napansin, hindi pa pala gaanong pormado ang kaniyang katawan. Bahagya pa siyang payat kumpara sa mga maskuladong sentry at Chevalier sa palasyo, at kumpara sa mga kapatid ko. Ang una kong nakita sa kaniya ay ang kaniyang braso, akala ako'y matipuno na siya noon, nasa ayos lang pala talaga ang kaniyang katawan ngunit payat pa siya kumpara sa mga nakikita kong lalaki sa palasyo.

Gayunpaman ay hindi ko maikakailang bumagay iyon sa kaniya, at dahil binata pa siya'y naiintindihan kong ganoon ang abot ng kaniyang katawan. Paano pa kaya kung tuluyan na siyang mag mature? He could be the man every girls would dream for, well except for me. He's not my type, he looks like a typical bad boy. And as a Royal, I should not drool for someone like him. We are so not compatible.

"Yo," bati niya sa akin at kumaway.

Tumaas ang kilay ko at pinandilatan siya, "Ano'ng yo?" Sigaw ko pabalik.

Parang kagabi palang ay mayroon kaming hindi pagkakaintindihan. Sa pagkakaalala ko'y nagkaroon kami ng kaunting drama bago siya tuluyang umalis. But come to think of it as well, I still have not thanked him for his help. How rude of me.

"Ganda ka sa umaga," dagdag niya pa.

"Tss," singhal ko at umirap, "Hitsura mo."

Where was the man who used to glared at me last night and said some confusing words before leaving me dumbfounded? Nasaan na nga ba ang lalaking nagpakarera ng puso ko na animo'y kabayo? This man is the total opposite of the man last night, ilang personality ba mayroon ang isang 'to? Ang galing, baka pwedeng makahingi.

"Nice view." Aniya na ikinairita ko.

Bwisit talagang mokong na 'to.

Umiling-iling na lamang ako. Marahan akong bumangon at tuluyang umalis sa aking higaan. Napalingon ako sa kaniya nang tuluyan siyang pumasok sa aking silid, ni hindi ko na siya napigilan dahil nakita ko na lamang siyang nakatayo sa tapat ng aking bintana bitbit ang isang basket ng mansanas.

Muli na namang nangunot ang noo ko. Ano na namang pakulo ng estrangherong lalaking ito? Habang tumatagal ay nawawala ang hiya ko sa kaniya, nagiging komportable 'ko at umaabot pa sa puntong gusto ko siyang sugudin at paulanan ng sampal at palo kahit hindi kami close.

"Kainin mo yan, makakabuti yan sa'yo," saad niya at inilagay sa kama ko ang basket ng mansanas. Natapon pa ang ilang prutas sa aking higaan dahil sa biglaan niyang pagbagsak, "Sama ka sakin?"

Naniningkit ang mga mata ko siyang tiningnan, "Are we close? I don't even know you!"

"Gusto mo 'kong makilala?" Tanong niya habang nakangisi.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon