Chapter 15: Great Job
Napasinghap ako nang masaksihan ang pagbangon ng halimaw, naramdaman ko ring dumiin ang pagkakahawak sa akin ni Philip.
"What the hell?" Bulalas ni Andrew, "GET AWAY FROM THERE!" sigaw niya sa amin ni Philip.
"Alis na, Philip!" Sigaw ni Lirech.
Ngunit iba ang nasa isip, ko at sakto iyon sa plano ko.
"Hindi!" Sigaw ko na nagpahinto sa kanilang lahat.
"What?"
"What the hell are you doing, Emerald?! Hindi iyan totoo pero ang sakit totoo!"
"Get away from there!"
"No!" Sigaw ko at hinawakan si Philip, ngayon ay naiipit siya sa isang desisyon, "Huwag! Magtiwala ka!"
"Ano ba!? Huwag niyong ipahamak ang sarili ninyo!"
Lumingon ako sa itaas, at naningkit ang mga mata ko nang makitang bumubulusok na pababa sa aming pwesto ang espadang kanina lamang ay itinapon ko pataas.
"Philip, magtiwala ka," Marahan kong saad nang mapansin kong aligaga na siya sa kaniyang gagawin.
"Damn it! Damn! Damn!"
"Hush, stay calm, brother," saad ko habang inabangan ang pagbagsak sa aking posisyong ng espada.
Unti-unting umangat ang gitnang ulo, at marahas na bumukas ang bibig nito dahilan upang mapaangat ng lipad si Philip at mapaatras ang mga kapatid ko sa unahan na patuloy na sumisigaw na lumayo na kami sa lugar na iyon.
Naramdaman ko ang paghanda ni Kate ng kaniyang sibat, pagkatapos ay walang pasabi itong pinalipad pabulusok sa gitnang ulo na marahas kaming inaabot ng mabaho nitong hininga.
"Emerald, ano ba?" Sigaw ni Philip.
"Wait!" Sigaw ko pabalik, wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin. Nanatili ang paningin ko espadang bumubulusok pababa, mabibilis ang aming pagsalita, ang aming sigawan, ang aming galaw, ang lahat ay mabilis ngunit tila mabagal sa paningin ng payapang ritmo.
Naramdaman kong sumugod si Andrew, nagpaulan rin ng palaso si Lirech, maging si Sophia ay sumugod na rin habang si Kate ay patuloy na sinisibat ang gitnang ulo na mas lalong nagiging mabangis. Tinatamaan kami ng laway nito, at marahas na tumatalsik sa amin ang dugo nito kapag nasusugatan.
Sabay sabay na lumipad ang mga sandata nila sa ulong iyon, kaya naman sabay-sabay silang nawalan ng kagamitan. Tinamaan nito ang noo ng halimaw na nabutas dahil sa lakas ngunit hindi iyon sapat upang mapatumba ang gitnang ulo.
Gayunpaman ay saktong bumaba sa tapat ko ang espada, tila ito bumagal sa aking paningin kaya naman nang kunin ko ito'y itinutok ko ito sa gitnang ulo at inutusan si Philip na bumulusok pababa. Ganoon nga ang kaniyang ginawa, ang lahat ay tila nanuod sa ginawa naming pagbagsak ni Philip.
Kasabay ng aking pagtapak sa ulo ng halimaw ay ang pagtusok ko nito ng espada. Humangin ng napakalakas, ibig sabihin ay nasa huling stage na kami sa maze. Halos ikalipad kami sa iba't-ibang direksyon. Ito ang huling suliranin, ang iwatak-watak kami. At paniguradong mawawala kami sa Maze at muling magsisimula ng paulit-ulit kung hindi kami nagtulungan.
Babalik at babalik hanggang sa tuluyang sumuko dahil ang iisang kalutasan lang ng suliranin na aming pinagdaraanan ay ang pagtutulungan. Unity, teamwork, and we did it.
Sigawan ang tinig na namuno sa maze nang ilipad palayo ang mga kapatid ko, maging ako'y inililipad palyo kay Philip na patuloy akong hinahablot patungo sa kaniya. Tila kami natatalo na, ang lahat ng aming pinaghirapan ay unti-unting lumulubog dahil unti-unting nawawala sa paningin ko ang mga kapatid ko. Ang lakas at ihip ng hangin ay hindi matawaran, nakakahilo iyon at talagang hinahatak kami palabas ng maze na iyon.
Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat, ginawa ko na ang sunod kong plano. At kahit na nahihirapan ay itinapon ko ang lubid sa aking mga kapatid, nang abutin nila iyon ay malakas akong hinila ni Philip pataas.
Napasigaw ako sa sakit nang humigit ang aking baywang dahil sa kanilang bigat, ganoon din ang ginawa ni Philip, sabay kaming sumigaw nang sabay naming naramdaman ang bigat ng aming mga kapatid na patuloy naming binubuhat patungo sa mid ng maze upang sabay-sabay kaming makarating doon.
Iyon ang aking plano, ang sabay-sabay kaming makarating sa mid, sabay-sabay at tulong-tulong naming malutas ang suliranin nang nagkakaisa, walang naglalamangan sa halip ay nagtutulungan. Kaya naman kahit gaano kahit at kasakit nang lumapit si Andrew sa unang lubid, si Kate sa ikalawang lubid, si Lirech is ikatlong lubid at si Sophia sa ikaapat na lubid ay ginawa namin ang lahat upang sabay-sabay kaming bumagsak sa maze.
Sa gitna ng napakalakas na hangin ay patuloy na lumipad si Philip patungo sa mid ng maze, ramdam ko ang kaniyang hirap, ang bilis ng kaniyang paghinga. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ang pagbaliktad ng sikmura ko habang patuloy na inihahampas sa iba't-ibang direksyon ang mga kapatid kong nakakapit sa lubid na nakatali sa aking baywang.
Kulang na lamang ay sumuka ako dahil sa sakit, ngunit nasisiguro kong dugo ang lalabas sa aking nguso sa halip na kinain. Ramdam na ramdam ko ang paghigpit ng aking tiyan, kasabay niyon ay ang panghihina ng aking katawan. Bumagsak ang aking mga mata, halos magtagisan ang ngipin ko dahil sa pwersang lakas na ibinubuhos ko upang sabay-sabay kaming makarating sa mid maze.
At nang kusa na akong babagsak ay bumagsak na rin si Philip. Sabay-sabay kaming bumagsak sa lupa, at kasabay ng aming pagbagsak ay ang paghinto ng malakas na hangin. Nawala ang hangin na kanina lamang ay parang bagyo kung makahampas.
Nakita kong bumangon si Andrew habang si Philip ay bagsak parin sa tabi ko, pareho kaming nasa lupa at hindi gumagalaw. Nakatulala lamang sa dumidilim na kalangitan habang naghahabol ng hininga. Sunod na bumangon si Kate, pati na rin si Lirech, ngunit kami ni Philip ay nanghihina parin. Tila naubos ang natirang lakas dahil sa hagupit ng hangin na iyon.
Hindi biro ang ginawa ni Philip nang buhatin niya kaming lahat papasok sa mid ng maze, at mas lalong hindi biro ang ginawa ko nang gawin kong poste ang aking sarili upang kumapit sila sa akin.
"We did it," mahinang saad ni Andrew, "We did it!" Ngunit bigla siyang tumalon at bumulalas habang inililibot ang paningin.
"We did it! We made it! Look, we've reached the mid together!" Sigaw niya habang inaalog si Phia na nanghihina rin.
"Yes, we did it!" Sigaw ni Kate at niyakap si Lirech, narinig ko rin ang sigaw ni Lirech. Ngunit ang kanilang tinig ay unti-unting nawala sa aking pandinig, bumagsak rin ang mga kamay ni Philip na nakapulupot parin sa aking baywang. Hindi ko alam kung nawalan siya ng malay o ipinahinga niya na lamang ang katiting ng natitira niyang lakas.
"Look, we made it!"
"We did it! We did it!"
"Come, help," dinig kong saad ni Andrew. At ang sunod ko na lamang na naramdaman ay ang pagbuhat sa akin ng isang bisig, nang lingunin ko si Philip ay kinakarga siya ni Andrew habang ako'y inaalalayan ni Kate at Lirech.
"We did a good job," bulong ni Lirech, "But these two did a great job."
Napangiti na lamang ako, pagkatapos ay naramdaman ko ang sarili kong umaangat sa ere at ang sunod ko na lamang na nakita ay ang bailey. Naglaho na ang maze, ibig sabihin ay wala na ang pagsubok na iyon. Mapapalitan na naman ng bago, ngunit bago pa kami muling sumabak ay lumayo na kami sa maze na iyon.
Kahit na nanghihina ay hindi ko mapigilang mapangiti. Sa wakas ay may napatunayan ako sa aking sarili, naramdaman kong pagkatiwalaan, at nakaramdam kong hindi ako nag-iisa.
![](https://img.wattpad.com/cover/244833008-288-k757014.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasiaSince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...