Chapter 51: Intense Power

108 2 0
                                        

Chapter 51: Intense Power

I quickly grabbed Phia's face, it is vital for her. Iniingatan niya ang kaniyang mukha kaya mabilis niya akong binitawan sa pag-aakalang gagasgasan ko ang maganda niyang mukha. Nasubsob ako sa sahig, ngunit sa halip na damhin ang sakit ay mabilis akong tumayo upang harapin siya.

Ganoon na lamang ako nagulat nang liparin niya ang mga katana. Maging sina Leemar ay napatayo. Ngunit hindi ko na rin kayang umatras dahil punong-puno na ako sa kakaiba niyang mga mata. Napipikon ako sa kakaibang pahiwatig ng pagkadilim ng kaniyang mga mata. Iyon ang nanghahamon sa akin, hindi si Phia, may gumagamit sa katawan ni Phia! At naiirita ako dahil sinasagad talaga ng kung sinuman ang aking pasensya.

Mabilis ko ring kinuha ang pinakamalapit na katana sa akin.

"Halt!" Umalingawngaw ang tinig ni Leemar ngunit hindi namin siya pinansin.

Follow your survival instincts. My body says attack, and so I will. Kasabay ng paglipad ni Phia patungo sa akin ay ang pagtakbo ko pasalubong sa kaniya. Narinig ko pa ang pagsinghap at pagtawag nila sa aming mga pangalan ngunit parehas na kami ni Phia na walang pakialam.

We changed attacks. Sometimes she would dominate me ngunit nababaliktad ko rin agad ang aming katayuan. Gayong nasa ere siya at mas bwelo ay hindi ako nagpapatinag. Hindi ko inakalang mayroon akong side na ganito, hindi ko inakalang may mailalabas akong ganito. But come to think of it, I am already like this before. I am the playmaker, I am the brain of our team, hindi ko lang naipagpatuloy at nahasa dahil ako mismo ang huminto. I am like this, and I am becoming what I was and is.

The fearless and bold one. Right, I don't want to be weak anymore. Let's keep this going.

"Halt!"

Ilang umaalingawngaw na tinig pa ang aming narinig ngunit nagpatuloy lang kami sa paglalaban ni Phia. Our katanas clashed as it created thin sounds. Our voices were thick and our yells were dominating the reverbs of the room.

Isang bwelo ang ginawa ni Phia patungo sa akin. Napalunok ako dahil bumulusok siyang bigla sa akin, naiwasan ko ang kaniyang katana ngunit hindi ko kinaya ang kaniyang lakas kaya naman tumilapon ako palayo sa kaniya. Napasigaw pa ako nang lumabas ang pulang likido sa aking bibig matapos akong umubo. Marahas kong nahampas ang sahig at awtomatikong napatayo.

Nakita ko pa ang pagtakbuhan nina Philip at Lirech patungo sa akin habang sina Kate at Andrew ay pinipigilan si Phia. Ngunit hindi iyon pwede, iba ang sinasabi ng isip ko. Napuruhan na ako ni Phia, hindi naman puwedeng ako lang.

Kaya naman pumikit ako upang maghanda sa paglabas ng kumukulong hangin sa aking loob. Pagdilat ko ay patungo na sila sa amin. Kasabay ng pagbulusok ni Phia ay ang pagbulusok ng aming mga kapatid sa amin upang pigilan kami, ganoon din si Leemar na kanina pa kami sinisigawang huminto.

Kasabay ng pagsigaw ni Phia ay ang akin ring pagsigaw. At sa aking pagsigaw ay naramdaman ko ang paglabas ng isang napakalakas na enerhiya ng hangin mula sa aking katawan, sobrang lakas na nabuksan ang mga bintana, natanggal ang mga pinto sa pintuan, nawasak ang mga gamit na ikinalipad at bumangga sa pader, nabasag ang mga salamin sa bintana maging ang maliit na chandelier sa kisame at ang mga ilaw ay pumutok at nabasag, at nabuwal ang aking mga kapatid.

"Fudge! What's happening?"

"Emerald!"

Hindi pa doon nakontento ang paglabas ng enerhiyang animo ay matagal ng nakakulong sa loob ng katawan ko at sa wakas ay tuluyang nang nakalabas na animo ay preso. Kasabay ng pag-ilaw ng aking mga mata ay ang paglutang ko sa ere. Hindi kumikilos ang mga pakpak ko, lumutang lamang ako likha ng aking kapangyarihan.

Narinig ko ang pagkakagulo sa labas ng aming silid. Ang walang humpay na sigawan at hiyawan ng mga estudyante sa labas. Ang mga mura at sigaw ng pagpipigil sa akin ni Leemar at ng mga kapatid ko. They're frustrated because they can't go near me. Ngunit sa oras na iyon ay lunod na lunod ako sa aking kapangyarihan. At ang unang labas ng enerhiya sa aking katawan ay talagang pauna pa lamang. Dahil unti-unti kong naramdaman ang animo ay pagkasunog ng aking katawan, at kung hindi ako sisigaw ay mawawalan ako ng hininga.

Kaya naman sa muling pagkakataon habang nasa ere ay pinakawalan ko ang isang napakalakas na sigaw kasabay ng paglabas ng tripleng lakas ng enerhiya na nailabas ko kanina. Tuluyang nawasak ang mga gamit sa loob, ang mga kapatid ko ay napako sa mga dingding, ang mga bintana ay tuluyang nasira at natanggal sa kanilang kinaroroonan. Ang mga pinto ay nilurayluray na halos hindi na mapakinabangan. At ang sahig at kisameng nasa ilalim at tuktok ko ay nahawi na para bang inatake ng isang malakas na lindol.

Isang sigaw pa ang pinakawalan ko, at tuluyan nang umikot ang aking paningin dahil sa kakaibang pakiramdam. Tumambad sa akin ang liwanag, at paglingon ko ay dumagundong sa kaba ang dibdib ko nang mapagtantong wala ng pader ang training room. Tuluyan na itong nawasak. Tumambad sa akin ang labas at ang pagsayawan ng mga puno at halaman na animo ay binabagyo sa pinakamataas na signal.

Bigla akong naluha dahil sa aking napagtanto. Muli akong napalingon sa aking kinaroroonan, at ganoon na lamang ako nanghina nang makita kung gaano nawasak ang lugar. Sa isang iglap ay napawi ang hanging lumalabas sa aking katawan, nahinto sa pagsayawan ang mga puno sa paligid at naging mapayapa ang lugar na sinira ko. Walang lakas akong bumagsak sa nabiyak na sahig, at ganoon na lamang ako napaarko nang maramdaman ang pagsalubong sa akin ng sahig dahil literal akong lumagapak.

Isang pares ng malambot na kamay ang pumulupot sa aking baywang. At hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Ano na naman ang nagawa ko? May nasaktan na naman ba ako? Ang dami kong nasira, ang dami kong nawasak. Hindi kaya may namatay sa ginawa ko? Huwag naman sana dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Hush," A sweet voice echoed in my ears placating my fearful and agonizing heart, "You don't have to be scared. I'm right here, no one's gonna hurt you so calm down. I'm right here, Princess. Calm down, let me be your solace. I'll be your solace."

Her Wings (PSS, #2) ✔️Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon