Chapter 25: Respected Territory
We slowly traipsed the little distance from the air to the ground. When his feet landed on the rock where we were standing, he didn't let go of me; instead, he flew to a hidden street I had no idea what it was called.
Nangunot ang noo ko nang mapansin ang kakaibang bayan. Dikit-dikit ang naglalakihang bahay roon, ngunit tila magkahiwalay dahil may signage na sa pagitan ng dalawang malaking bahay na tila naghahati ng lugar.
"Where are we going? And what is this place?"
Humigpit lamang ang pagkakahawak niya sa aking baywang. "Kailangan muna nating itago ang hitsura mo. Kapag napansin nilang isa kang maharlika ay maaaring pagkaguluhan ka."
Bigla naman akong kinabahan sa kaniyang sinabi at mariing kumapit sa kaniyang balikat. "Saan tayo pupunta?"
"Basta..."
Ilang sandali pa ay huminto siya sa paglipad nang makatapat kami sa isang maliit ngunit malinis na bahay. Tinanggal niya ang lasong nakapatong sa aking leeg at mag-isa niya itong isinuot. Marahan niya akong ibinaba. Malumanay na naghiwalay ang aming balat at sinundan ko siyang dumeretso sa tahanang iyon na sa tingin ko ay pag-aari nila.
"Aubrey?" tawag niya mula sa labas.
Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang isang babaeng sa tingin ko ay mas bata sa akin ng ilang taon lamang. Beautiful, slender, and cute. She looks like George Ezekiel just a cute, girl version.
"Ku-kuya?" Namimilog ang mga mata nito nang mapansing may kasama si George Ezekiel. "Ba-bakit ka nagdala ng babae rito?"
"Tsk," tanging saad ni George Ezekiel at saka inilahad ang kaniyang kamay upang papasukin ako sa loob. "Tuloy," ang tangi niyang saad.
Napataas ang kilay ko; napakapilyo nga talaga ng lalaking ito. Nahihiya akong lumingon sa batang babae na tinawag kanina lamang na Aubrey.
"H-hi," nakangiti kong bati.
Mas lalong namilog ang mga mata ni Aubrey nang mapansin ang hitsura ko. "I-isa po ba kayong maharlika?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Ngumiti ako at umiling-iling. "Huwag mong isipin iyon. Normal akong mamamayan ng Beryllion ngayon."
"Hala... tuloy po kayo," mabilis nitong bawi at maluwag na binuksan ang pinto upang papasukin ako. "Mabuti na lamang at wala pang masyadong Doveo sa labas. Baka pagkaguluhan kayo rito; hindi man lamang nagpasabi si George na bibisita kayo rito," inosenteng saad ni Aubrey at pinaupo ako sa isang silya.
Napalingon ako sa paligid. Maliit lamang ang bahay na iyon ngunit malinis. At kung papipiliin ako kung saan ko gustong manatili, pipiliin kong sa ganoong tahanan bumuo ng pamilya. Tahimik, payapa, at simple lamang ang buhay.
"Diyan lang po kayo, ipaghahanda ko kayo ng makakain at maiinom," aligagang saad ni Aubrey na agad namang pinigilan ni George Ezekiel.
"Huwag na, hindi rin siya magtatagal rito."
Gulat na lumingon si Aubrey sa kaniyang pasaway na kuya. "Pasaway ka talaga! Dinala mo rito ang maharlika tapos—"
"Hindi ko siya dinala rito, Aubrey. Nagpumilit 'yan," masungit na saad ni Ezekiel at saka pumasok sa isang silid na kurtina lamang ang pansara.
"Kuya!" pigil ni Aubrey at lumingon sa akin. "Pa-pasensya na po kayo sa kuya ko, sadyang ganyan lang talaga ang ugali niyan pero maaasahan iyan," nahihiyang paumanhin ni Aubrey.
Ngumiti ako. "Huwag kang mag-alala, naiintindihan ko."
Lumapit si Aubrey sa akin at umupo sa tabing silya. "Maaari po bang magtanong?"
Tumango ako bilang pagtugon.
"Paano kayo nagkakilala ni Kuya?"
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Maniniwala ka ba sa mga sasabihin ko?"
Nahihiya ngunit excited na tumango si Aubrey. "Siguro po ay dahil sa kapasawayan niya, 'no?"
Napahagikhik ako. "Hindi ka nagkamali."
"Aubrey!"
Mabilis na tumayo si Aubrey at saka patakbong lumapit sa kuya niya. "Kuya?"
"Ikaw na ang magligpit nito. Ibabalik ko lang ang prinsesa sa palasyo," saad ni Ezekiel at saka iniluwa ng kurtina habang si Aubrey naman ay pumasok sa loob.
"Teka," pigil ko at mabilis na napatayo. "Anong ihahatid sa palasyo? Akala ko ba ay—"
Tila ako napipi nang dumeretso ng hakbang si Ezekiel sa akin at ipinatong ang puti at mahabang belo sa aking pakpak. Napalunok ako at napaiwas ng tingin; wala man lamang konsiderasyon ang lalaking ito sa kaniyang kilos. Hindi iniisip kung mahihiya ba ang personang ginagawan niya ng isang bagay. Halos lumuwa na ang aking puso sa pagdagundong nang ikulong niya ako sa kaniyang mga bisig para lamang takpan ang aking pakpak.
"A-ano ang ginagawa mo?"
Narito na naman ang kabang nararamdaman ko, ibang klaseng kaba na siya lamang ang nagbibigay.
"Hindi mo ba nakikita?"
Iritado kong sinalubong ang kaniyang titig, at ganoon na lamang ang pagtaas ng aking dugo nang mapagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Gusto kong umatras at muling umiwas ng tingin ngunit mas pinili kong labanan ang kaniyang nakakapasong titig.
"Pilosopo..."
Ngumisi siya na mas lalong nagpatambol sa aking puso. Anong klaseng ngisi iyon? Bakit tila nagliliwanag ang kaniyang mukha?
"Hindi. Ibang klase rin kasi ang mga tanungan mo, mahal... na prinsesa..." He said, stopping on the bold word but adding the following words when he noticed my flustered face.
M—mahal? Ah, mahal... na prinsesa. Loko-loko ang kigwa.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart.
