Chapter 22: Get Away
MABILIS akong naglakad pabalik sa aking silid. Hindi alintana ang pananakit ng aking mga paa. Ang gusto ko na lamang ay makalayo sa karamihan at mapag-isa. Pinunasan ko ang aking mga luha at binaybay ang aking silid.
Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang bigla akong harangin ng isang babaeng tingin ko'y mas bata sa akin. Mabilis kong inayos ang aking ekspresyon at nagtataka siyang pinagmasdan. Nakayuko ito sa akin na tila nahihiya.
"Ano'ng kailangan mo?" Tanong ko.
"Ipagpaumanhin ninyo, mahal na prinsesa. Nais ko lamang magpakilala," saad nito at mas lalong yumuko, "Ipagpaumanhin ninyo ang kakapalan ng aking mukha."
Sandali akong nahinto at pinakiramdaman ang aking puso. Sa kabila ng lungkot na nangyari kanina ay nakaramdam ako ng tuwa, dahil sa pinakaunang pagkakataon ay mayroong gustong magpakilala sa akin. Madalas kasi'y ang mga kapatid ko ang napapansin ng lahat dahil sila ang magagaling at ako ang kabaliktaran nila. Palagi akong nasa hulihan na animo'y anino na lamang nila, at biglang mawawala o sumama sa dilim. O kaya naman ay bumubuntot sa kanila na parang alalay.
Ngumiti ako at pinagmasdan ang babae, "Ano'ng pangalan mo?"
"Redrose po," nahihiya nitong tugon, "Ako po ang bagong katulong dito at nais ko po kayong pagsilbihan. Hayaan po ninyong pagsilbihan ko kayo, mahal na prinsesa."
Mas lalong nanlambot ang puso ko, gusto ko na namang umiyak. Hindi ako sanay sa ganito, bagong-bago ito sa akin at napakaganda pala sa pakiramdam. May nagkusang pagsilbihan ako, nakakatuwa pala.
"Maraming salamat, Redrose," saad ko at hinawakan ang kaniyang balikat. Tahimik akong napahagikhik nang maramdaman ko ang pagkagulat niya dahil sa aking ginawa, "Ngunit hindi maganda ang araw ko ngayon. Sa susunod na pagkakataon, magkwentuhan tayo."
Marahan akong humakbang pataas at nilampasan siya. Hindi ito kumilos, hindi na rin ako lumingon ngunit naramdaman kong pinanuod niya ako.
Nagpatuloy ako sa paghakbang. At habang nararating ang aking silid ay bumibigat ang aking pakiramdam. Nang makarating ako doon ay pabagsak akong humiga sa aking kama. Hindi ko na napigilan pa ang mga luhang kumawala sa aking mata, inilabas ko na ang bigat ng aking loob.
Bakit ganoon na lamang kabigat ang hapag na iyon? Talagang bitbit ko pa ang pagdamdam hanggang sa nakarating ako sa aking silid.
Nakarinig ako ng pagkalabog, mabilis akong napalingon sa mansanas na nahulog sa sahig. Bumangon ako atsaka pinulot ang mansanas na iyon, bahagya pang nangunot ang aking noo nang maalala si George Ezekiel, ang binatang pilyong gustong tumambay sa aking hawla.
Natagpuan ko na lamang ang saking sariling ngumingiti habang pinagmamasdan ang mansanas. Napalingon ako sa basket na nasa aking kama, marami pang mansanas ang nakalagay doon. Lumawak tuloy ang aking ngiti. Bakit pa siya mag-aaksayang dalhan ako ng mansanas? Mas lalo tuloy na umuusbong ang kuryusidad ko sa lalaking iyon.
Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng kaluskos sa aking bintana, at ganoon na lamang nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ito at tumambad sa akin ang gulantang mukha ni George Ezekiel. Tila hindi rin ito makapaniwala sa aking presensya, ang akala niya siguro ay hindi ako agad babalik.
Nangunot ang aking noo, at dahil doon ay taranta siyang napaatras at lumayo sa aking bintana.
"Ah- oh!" Reaksyon niya nang makita ako, "A-ano!" Sigaw niya at patuloy na lumayo nang humakbang ako palapit sa bintana.
Nang tuluyan akong makarating sa bintana ay huminto siya sa paglayo pagkatapos ay sinilip ang basket ng mansanas na nakalagay sa aking kama.
"Ahah! Sinasabi ko na nga ba, may masama kang balak!" Sigaw ko atsaka inilagay ang kamay magkabilang tagiliran, "Sinasabi ko na nga ba!"
"Hindi!" Agad niyang depensa, "Mali ang iniisip mo! Naparito ako upang kunin iyong takuyan ng mansanas!"
"Ha! Magnanakaw ka 'no? Balak mong nakawan ang silid ko dahil akala mo'y wala ako dito! Akala mo'y tuluyan akong umalis at hindi kaagad na babalik!"
"Walang magandang bagay sa loob ng iyong silid upang nakawin ko, kukunin ko lang talaga iyong takuyan ng mansanas!" Aniya at lumapit sa akin, "Ang mabuti pa'y iabot mo na lamang sa akin, mahal na prinsesa at nang makaalis na ako rito!"
"Isusumbong kita, isa kang magnanakaw!"
"Sumbungera ka pala eh!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang tono na tila nang-iinsulto, "Aba't!"
"Pakiabot nalang, mahal na prinsesa."
"Anong akala mo? Magkaibigan at magkaparehas tayo? Hindi mo ba alam kung paano kausapin ang isang maharlika?" Singhal ko at pinandilatan siya.
Ngunit sa halip na matakot ay napangisi lamang siya. Tila kumulo ang dugo, dahil ang lakas ng loob niyang kausapin ako ng pabalang at siya lamang ang nakakagawa niyon.
"Gusto mo ba yumuko ako kada tahol ko sa'yo?"
"Bwisit ka!" Iritado kong saad atsaka lumapit sa aking kama upang abutin ang basket ng mansanas. Sandali akong nahinto nang mapansin ang kaniyang pagiging tahimik.
Nang lumapit ako sa bintana ay naroon na siya, nakatayo habang tinititigan ako ng mariin. Nangunot ang aking noo atsaka itinago ang basket ng kaniyang mansanas sa aking likod.
"Ano'ng problema mo?" Tanong ko.
"Umiiyak ka ba?" Mabilis niyang tanong.
Napairap ako at pinunasan ang aking mukha, "Hindi, bakit naman ako iiyak?"
"Umiyak ka," malumanay niyang saad at pinasadahan ng tingin ang mansanas na hawak ko, "Kainin mo iyang mansanas, para maiyak ka lalo."
Sa sobrang pagkairita ay ibinato ko sa kaniya ang mansanas na hawak ko. Ngunit namangha lamang ako ng saluhin niya iyon gamit ang isang kamay. Tila inaasahan nang gagawin ko ang ginawa ko.
"Akin na ang takuyan," aniya at kumagat sa mansanas na hawak niya.
Sandali akong nag-isip-isip. Tila umusbong ang kagustuhan kong maglayag sa mga bayan, sa labas ng palasyo at makalayo sa aming tahanan kahit na sandali lamang. At isang paraan lamang ang nakikita ko upang mangyari iyon.
Humakbang ako palapit sa kaniya na ikinagulat niya dahil halos magkandaugaga na siya kakaatras, hanggang sa tuluyan na siyang lumipad palayo at nanatili sa ere habang takang nakaharap sa akin.
"Ano?" Tanong niya.
Umirap ako, "Aalis ka? Pupunta ka sa bayan?"
"Uuwi ako sa amin, at malalagot ako kapag hindi ko maiuwi ang takuyan na iyan. Utang na loob mahal na prinsesa. Ibigay mo na sa akin iyan, sa'yo na ang mga mansanas."
Nagbuntong hininga ako at marahang tumapak sa aking bintana na ikinagulat niya. Aligaga siyang lumapit sa akin dahil sa aking ginawa, ngunit hindi siya tuluyang nakalapit. Mabilis siyang huminto, at halos tatlong hakbang ang aming layo.
"A-ano'ng ginagawa mo? Magpapakamatay ka ba? Hayaan mo muna akong makaalis dito, ayokong madamay sa pagkasawi mo." Saad nito na ikinairita ko.
"Nandidilim ang paningin ko sa'yo," iritado kong tugon at iniabot ang kaniyang basket ngunit mabilis ko iyong binawi nang tangkain niya iyong kunin.
"Nakikipaglaro ka ba, mahal na prinsesa?"
Umirap ako, "Kung gusto mong makuha ang basket mo, isama mo ako."
Nanlaki ang kaniyang mga mata atsaka muling napaatras, "Utang na loob, mahal na prinsesa. Lumalayo ako sa gulo, ang takuyan lamang ang nais ko."
Nagbago ang ekspresyon ko, pakiramdam ko'y tila ako nagmakaawa nang tuluyan akong magwika, "Utang na loob, ilayo mo ako rito. Kahit sandali lamang."
He sighed, "Hindi——"
"I'm hurting," I used against him, "You said you don't want to see me hurting, right? I'm in pain right now, silent pain and I'm hurting. I need you pull me out of this cage, now."
He furrowed. His mood suddenly changed, gone was his hastiness. Coldness ran in his eyes as if he just heard something he doesn't want to hear.
"Who fucking hurt you, sunshine?"
![](https://img.wattpad.com/cover/244833008-288-k757014.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...