Chapter 16: Tension
ANG lahat ng naroroon ay tahimik, wala ni isang bulungan ang narinig. The tension in the great hall was wicked. We are sitting next to each other on our own chairs. Sa matagal na panahon, ngayon na lamang ako nakaupo sa great hall ng kasama ang aking mga kapatid. Kahit papaano'y nakakamiss ang bagay na iyon, hindi ko maiwasang mamangha sa pagiging iba ng hall. Hindi iyon ang hall na kinalakihan ko.
Cream walls, white paint, tan and brown sculptures, golden curtains and laces, everything was fresh and new. Hindi na nga ako napapadpad dito, ikinulong ko kasi ang aking sarili sa takot at pangamba. At ako lang naman ang nagbitbit ng consequences niyon.
Ang paghakbang ni Leemar patungo sa mga mahihina naming katawan ang siyang lalong nagpahina sa amin at nagpataas ng tensiyon.
Hindi namin alam kung natuwa ba siya sa ginawa namin sa loob ng dither kaya naman ingat na ingat kami, baka mamaya ay bulyawan kami ng aming guro. Hindi naman talaga masamang guro si Leemar, masyado lang siyang strikto at kailangan mong higitan ang ekspektasyon niya sa iyo. At doon kami nahihirapan dahil masyadong mataas ang kaniyang ekspektasyon sa kaniyang mag-aaral.
"Well," ani Leemar.
Halos mapapitlag ako nang dumagundong ang kaniyang tinig sa hall.
Napakapit ako ng mariin sa silyang aking inuupuan. Napalingon ako kay Philip na bagsak parin ang katawan sa aking tabi habang ang apat ko pang kapatid ay matiim na nakatuon ang atensyon kay Leemar.
"I am glad your comprehension is wider now, Andrew," puna niya sa panganay kong kapatid, "Ngunit masyado pang matagal bago mo narealize ang bagay na iyon. Kailangan mong mag isip at mag desisyon ng mabilis, tumatakbo ang oras, kailangan mong mag-isip ng mas mabilis pa sa takbo ng oras. Pagkatapos ay magdesisyon ng tama sa maikling panahon, iyon ang kailangan mong isa-alang-alang sa mga susunod na pagsusulit at ensayo," ani Leemar kay Andrew.
Masyado nga talagang mataas ang kaniyang ekspektasyon, natatakot akong hindi ko naabot ang kaniyang inaasahan sa akin.
Gayunpaman, sa lahat ng mga ginawa ni Leemar, hindi ko maikakailang mahusay siya at marami kaming natutunan sa kaniya. Siya mismo kasi ang nagbibigay payo sa amin, sa mga dapat naming gawin. Kapag nakapansin siya ng mali, hindi siya nagdadalawang-isip na sabihin iyon upang itama. Kaya naman masasabi kong kahanga-hanga talaga siya.
Ang hindi ko lang matanggap ay ang tila paglimot niya sa akin. Simula nang manatili ako sa pinakamataas na tore ay hindi man lamang niya ako ipinatawag na para mag ensayo, ni hindi niya na ako hinanap. Kaya naman pakiramdam ko'y pinabayaan niya na ako.
Maging noong magkakasama pa kaming nag-eensayo, palagi niyang inuuna ang mga kapatid kong magagaling na at inilalagay ako sa hulihan dahil mahina ako. Nagbigay iyon ng bigat sa aking dibdib, sa aking damdamin, dahil sa halip na lumakas ay pinanghihinaan lamang ako ng loob. Sa halip na pagtuunan niya ng pansin ang mahina niyang mag-aaral, mas binibigyan niya ng atensyon ang mga magagaling na kaya naman naiiwan ako sa ibaba.
Hindi ako kagalingan dahil hindi gumagana ang aking pakpak. Malaking parte ng aming lakas ang aming mga pakpak, kaya naman kaunti lamang ang taglay kong kalakasan kumpara sa mga Doveo na mahusay na nagagamit ang kanilang pakpak.
"Andrew, sanayin mo ang iyong sariling magdesisyon sa pinakamabilis na panahon. You need to analyze the situation and immediately jump into the right conclusion. Kahit gaano pa yan kabilis, kailangang tama at maayos ang kahahantungan. Mahirap, ngunit kailangan mo itong gawin, naiintindihan mo ba?"
"Yes, sir!" Sigaw ni Andrew na nagbigay sindak sa amin.
Pati ako'y naghuramentado ang puso dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Ngunit ganoon talaga ang paraan ng pagsagot namin kay Leemar kapag nasa seryosong sitwasyon, kahit na wala ka nang lakas, kailangan mong maging malakas at mag-ipon ng lakas para sa isang malakasang sagot.
"Lirech, I am glad you're becoming a great archer. Ngunit hindi parin iyon sapat, kinakailangan mong patamaan ng tama ang lahat ng bagay na inaasinta mo. Walang papalya, lagi mo iyang tatandaan. Kahit na lumilipad ka, siguraduhin mong sapul ang iyong patatamaan, naiintindihan mo ba?"
"Yes sir!" Sigaw ni Lirech at dumeretso ng upo.
Maging si Kate at Phia ay dumeretso narin ng upo. Kahit na hirap ay ganoon din ang ginawa ni Philip, kaya naman sumunod na rin ako.
Nagiging seryoso na ang usapan, kaya naman nagiging seryoso na ang lahat. Tila hindi namin alintana ang hirap na aming dinaranas sa kasalukuyan dahil sa nangyari sa amin sa Dither. We look tough despite the fact that I almost vomit because my stomach is hurting as heck.
"Philip," Tawag ni Leemar sa nanghihinang prinsipe. Nakakamanghang nag-angat ng tingin si Philip na tila walang iniindang sakit matapos tawagin ni Leemar, "I am proud of your strength. You carried them to the mid, however you still need to work hard not to pass out because you lost your strength. Strength okay, strength, enhance it. Huwag kang makontento sa malakas ka lang, kailangan mong maging pinakamalakas."
"Yes sir!"
Leemar stood straight infront of us and stare at Phia, "Sophia, you're always stubborn. But I am glad your fighting skills upgraded. However, I am not contented. Mold and discipline yourself. You didn't even beat a single beast, but your fighting skills are better than before. Keep it up, I want the best. Do you understand."
Randam kong bahagyang nasaktan si Phia dahil nasapul siya sa sinabi ni Leemar, ngunit nagsasabi lang ito ng totoo at talagang prangka. Sanay na kami kahit na gaano pa iyon kasakit.
"Yes sir!"
Nahigit ko ang aking hininga nang huminto sa tapat ko si Leemar. Hindi ko inangat ang aking paningin kaya hindi ko nakikita ang kaniyang hitsura. Inihanda ko ang aking sarili sa kaniyang sasabihin, ngunit mabilis akong napaluha nang nilagpasan niya ako.
Hindi ko alam kung tuluyan niya na akong nilipasan, ngunit parang ganoon na nga ang nangyari dahil humakbang na siya patungo kay Kate.
Nang lingunin ko siya'y nakatuon ang kaniyang paningin sa bunso naming kapatid. Naghuramentado ang aking puso, tila iyon piniga dahil nilagpasan lang ako ng aming guro.
"Kate," aniya at matalim na tinitigan ang pinakabatang prinsesa, "I am so proud of you. You are an easy learner, but still I want more, okay? You need to give more, hindi tumatama ang iba mong tapon. Huwag tapon ng tapon, kailangang may patutunguhan, kailangang may tatamaan. Ganoon dapat, Kate, naiintindihan mo ba?"
"Yes sir!" Mataas na sagot ni Kate habang tuwid na nakaupo.
Nang lumingon sa akin si Leemar ay napaiwas ako ng tingin at napatuwid ng upo. Itinaas ko na rin ang aking paningin, at mas lalong naghuramentado ang aking puso nang maglakad ito patungo sa akin. Napalunok ako, ang lahat ng tensyon na kanina lamang ay nasa mga kapatid ko'y tila napunta sa akin.
Pakiramdam ko'y muli akong hihimatayin dahil sa panghihina. Tuluyan akong nanginig, ang mga tuhod ko'y nangatog at hindi naging maayos ang aking paghinga. Marahas at malakas na tumambol ang aking puso.
Mas lalo pa akong kinabahan nang tuluyang huminto si Leemar sa aking harapan at tinitigan ako ng mariin. Sandaling katahimikan ang namayani sa hall, mas pinataas lamang niyon ang tensyon. Sa tingin ko'y ramdam rin ng lahat ng nakakakita sa amin ang pag-igting ng hangin.
Lingid sa kaalaman ng lahat na kulang na lamang ay bumigay ako. Kapag nagpatuloy pa ang ganito kataas na tensyon na sumasabay sa bigat na aking nararamdaman, tuluyan na akong babagsak.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasíaSince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...