Chapter 31: Dance
This time, it was him who couldn't move. Despite my palpitations, I managed to act fine. Gusto kong humalakhak dahil sa kaniyang reaksyon, ngunit pinanindigan ko ang aking arte dahil baka magbago ang isip ni Ezekiel. Ilang sandali pa ay nag-iwas siya ng paningin at saka binawi ang kaniyang mga kamay.
"Ezekiel..." marahan kong tawag at saka sinundan ang kaniyang mukha upang ipakita ang nanunubig kong mga mata.
"Sige..." saad niya at saka nagbuntong-hininga. "Hindi na kaagad kita matiis. Isa pa nga," aniya at pilyong lumingon sa akin.
Nawala ang arte ko. Muling dumagundong ang puso ko at nilamon ako ng hiya. Pakiramdam ko ay muling namula ang aking mukha dahil sa biglaan niyang paglingon sa akin habang ibinibida ang matamis niyang ngisi na nakakapagpatibok ng puso.
"A-ano?" Ako naman ang nagkandautal at nagkandaugaga sa pag-atras, ngunit hinablot niya ang kamay ko at mabilis akong hinapit patungo sa kaniya. "A-ano ba?"
"Isa pa..." saad niya at ikinulong ako sa kaniyang bisig.
Tuluyan na nga akong namula at napalingon sa paligid. Mabuti na lamang at kaniya-kaniya ang mga naroroon; mayroon ding napapalingon ngunit parang wala lamang. Siguro ay normal na iyon para sa kanilang mga mata dahil iniisip nilang magiging mag-asawa na kami.
"A-ano ba? Nakakahiya, oh," saad ko at pilit na kumawala sa kaniyang bisig.
"Isa pa."
"Na a-ano?"
"Ano ang itinawag mo sa akin kanina?" nakangising tanong niya, animo ay inaasar ako.
Matalim ang mga titig ko sa kaniya at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap sa akin. "Pakawalan mo ako, isusumpa na naman kita."
"Biro lang," agad niyang bawi at saka binitawan ako, ngunit kaagad niya ring hinablot ang aking mga kamay at ikinulong ang aking palad sa kaniyang palad.
"Tsansing ka, Ezekiel..."
"Ngayon lang ito. Marunong lang ako sumulit ng panahon, Prinsesa."
Tahimik akong napangiti at nagpaubaya sa kaniya nang magsimula siyang maglakad.
"Emerald..."
Kunot-noo siyang lumingon sa akin. "Hm?"
"Emerald. Tawagin mo na lang akong Emerald."
Pilyo siyang ngumisi at parang batang umiling-iling. "Ayoko."
Tumaas ang kilay ko. "Ayaw mo?"
"Gusto ko... asawa ko," aniya at kumindat.
Ganoon na lamang kabilis na naghuramentado ang nagpahinga kong puso. Sa ilang sandaling pagpapahinga ay muli na namang tumambol nang walang humpay ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako sa sobrang init ng aking nararamdaman. Maayos naman ang panahon, hindi gaanong mainit at hindi rin malamig. Tama lang.
Hindi na umiinit nang gaano ang Beryllion dahil malapit nang dumating ang taglamig. Sasalubungin na naman namin ang matinding pag-ulan ng niyebe. Minsan ay nakakatuwa dahil masayang naglalaro ang bawat isa, ngunit sa mga katulad kong kulong lamang sa silid, ito ay isang malaking pagsubok. Palagi akong mag-isa; lahat ng taglamig ay sinalubong kong mag-isa. At sa darating na taglamig, sa tingin ko ay mag-isa na naman ako sa aking silid.
Si Ezekiel na rin mismo ang nagsabing balang araw ay mawawala siya, at malay ko ba kung kinabukasan ay wala na siya upang guluhin ako.
"Rides!" bulalas ni Ezekiel na ikinalitaw ng kaniyang excitement. "Sakay tayo!"
"A-ano?" hindi makapaniwala kong tanong at nilingon ang bagay na itinuturo niya.
"Sasakay tayo diyan," aniya at kinapa ang kaniyang bulsa.
Bigla ay nakaramdam ako ng awa. Wala na nga pala siyang pera at gagastos na naman siya para sa akin.
"Hindi," agad kong pigil at saka inilibot ang paningin. Napasinghap ako nang makita ang grupo ng mga nagsasayawan sa kanto na hinuhulugan ng pera ng mga dumadaan. "Ta-tara doon!"
Hindi ko na hinintay pang magsalita si Ezekiel. Ayoko siyang mapahiya o makaramdam ng hiya. Hindi niya kailangan ng pera para maging masaya ako, dahil sa simpleng paglibot lamang namin kasama siya ay masaya na ako. Kung alam niya lang.
"Marunong ka bang sumayaw?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Gulat akong napalingon sa kaniya. "H-hindi ako! Ikaw!"
Mabilis siyang umiling-iling. "Hindi! Ikaw ang may dala sa akin dito, eh!"
"Hindi!" sigaw ko at hinablot ang kaniyang kamay.
Kailangan namin ng pera para makapasok sa perya. Ang sabi pa ni Ezekiel ay kaya niyang gawin ang lahat kanina lamang; kasalanan niya rin na napakaarogante niya minsan.
"Diyan ka na kasi!" sigaw ko at itinulak siya papasok sa mga nagkukumpulan doon. "Dali na!"
"Hindi ako sumasayaw!" aniya at nakipagtagisan sa lakas ko upang huwag makapasok nang tuluyan.
"Sabi mo kanina kaya mong gawin ang lahat!"
"Hindi ito kasama sa lahat!"
"Sabi mo lahat," saad ko at bumwelo upang itulak siya.
Napahinto ako nang halos mabuwal siya papasok. Mabilis akong sumunod at nakita siyang nakatayo na habang pinapagpagan ang sarili. Ngumiti siya sa mga naroroon at kumaway; nahinto ang mga sumasayaw maging ang musika at nasa kaniya na ang atensyon.
"Pasensya na, nadapa lang!" aniya at pilyong kumaway-kaway paalis sa gitna.
"You wanna join us, mister?"
Lahat kami ay napahinto at napalingon sa lalaking kanina lamang ay sumasayaw at ngayon ay hawak na ang mikropono. "You dance, you get money!"
Umaliwalas ang paningin ko habang siya ay aligagang umiling-iling sa akin. "Hindi..."
"Oo!" bulalas ko na ikinagulat niya.
"Oh, c'mon mister!" saad ng lalaking may hawak na mikropono at lumapit kay Ezekiel na ngayon ay tila naestatwa at hindi malaman ang gagawin. "Dance with the beat, you get the money they drop."
"Go!" sensyas ko ngunit umiling si Ezekiel.
"Hindi," aniya at mapaklang humalakhak sa nagsalita.
Hindi na ako nakatiis at itinulak siya patungo sa gitna. Kailangan namin ng pera, at nagtitiwala akong kaya niya ngang gawin ang lahat.
"Sasayaw ang asawa ko!" sigaw ko at saka tumalon-talon pa.
Mas lalo siyang natuod, at ang paningin ng lahat ay nahati sa aming dalawa. Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel habang natatawang pinapanuod ako sa aking ginagawa.
"Sasayaw ang asawa ko! Go, Ezekiel!"
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart.
