Chapter 32: The Ride

104 3 0
                                        

Chapter 32: The Ride

Napangiti ako nang magsigawan na rin ang ibang naroroon, hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang kamutin ang kaniyang ulo. Lahat ng naroroon ay isinisigaw na ang kaniyang pangalan habang ako ay tumatalon upang mapilit siya.

Umatras ang mga sumasayaw kanina lamang at naglagay ng sombrero sa harapan ni Ezekiel. Nagsimulang tumunog ang musika, at sa unang tunog ng bass ay gumalaw ang kaniyang kamay. Bawat kalabog ng bass ay isa-isa niyang iginagalaw ang kaniyang katawan na animo ay robot. At ang paglundag ko ay mas nabuhay dahil sa pagkamangha.

He said he didn't dance, but he's taking the stage now. He's so cool, and he looks like a professional dancer.

"WAAHH! ASAWA KO 'YAN!" Hindi ko na napigilan ang aking pagsigaw. Dahil sumabay na sa kaniyang likuran ang mga lalaking kanina ay nagsasayawan. Naging back-up dancers ang mga ito habang ang paningin ng lahat ay nakatuon kay Ezekiel.

Ganito pala kasaya rito, ganito pala ang pakiramdam ng malaya, ganito pala ang pakiramdam ng naglilibang, ganito pala ang pakiramdam ng kasama si Ezekiel.

Sa pinakahuling beat ng tugtog ay naging mainit ang sigawan para kay Ezekiel. Marami ang namangha kaya naman marami ang naghulog ng pera. Maingat niyang kinuha ang mga pera sa sombrero at saka nakipagbatian sa mga lalaking nakisayaw sa kaniya. Kumaway rin siya sa lahat ng naroroon, at nang dumako ang paningin niya sa akin ay umaliwalas ang kaniyang mukha.

Kumalabog na naman ang puso ko nang bumagsak sa akin ang kaniyang paningin. Pakiramdam ko ay nahinto sa paggalaw ang paligid. Ilang sandali pa ay tinakbo niya ang aming distansya. Naramdaman ko na lamang ang sarili kong umaangat dahil walang pasabi niya akong kinarga at inikot-ikot sa ere.

Muling nagpalakpakan ang lahat ng naroroon. Lumikha sila ng ingay na animo ay kinikilig. Hindi ko maikakailang ganoon din ang nararamdaman ko. Kakaiba sa pakiramdam ang yakapin ng isang tao o Doveo. Kakaiba sa pakiramdam nang bumagsak sa akin ang paningin ni Ezekiel at nakita ko ang pagkinang nito. Animo ay natutuwa sa presensya ko, natutuwa sa ginagawa kong pagpalakpak at pagsigaw sa tuwa para sa kaniya.

Napangiti ako nang maramdamang lumipad siya sa ere. Ilang sandali pa ay mas lalo kaming umangat habang hawak niya ang baywang ko.

Nang lingunin ko ang ibaba ay nakatingin sa amin ang lahat habang patuloy na pumapalakpak. Mahigpit at hinihingal akong napakapit sa kaniyang leeg dahil sa patuloy naming pag-angat kasabay ng paghuramentado ng aking puso. Lumipad siya nang walang pasabi. Ang kaniyang paningin ay nakatuon lamang sa akin habang ako ay magkandaugaga sa pag-iwas sa kaniya. Sa huli ay sinalubong ko ang maiinit niyang titig na pinapaso ang kaibuturan ng aking katawan.

"My ever supportive wife..."

Ganoon na lamang kabilis na nagsitaasan ang dugo sa aking katawan; ang aking mga balahibo ay nagsitayuan rin. Kakaiba sa pandinig ang magsalita siya sa ibang wika. Akala ko ay magiging awkward iyon ngunit hindi, dahil parang sanay na sanay siya at bagay sa kaniya ang magsalita sa ganoong paraan.

"E-ezekiel..." nanghihina kong bulong at mas lalong kumapit sa kaniyang leeg.

"Wanna ride on the fair, or wanna ride on me?"

Napayuko ako sa hiya at inis. "Sabi nang magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Maaaring normal sa iyo, pero iba sa iba..." nahihiya kong saad.

Bigla ay gusto kong batukan ang sarili dahil sinabi ko pa iyon.

Humalakhak siya. Mabilis akong napalingon sa kaniya sa gulat. Ano na nga ba ang nangyayari sa akin, dahil maging ang paghalakhak niya ay musika na sa aking pandinig?

"E-ezekiel... umaakyat tayo," paalala ko at lumingon sa ibaba. Bumalik sa dati ang lahat ng naroroon; nagsimula na ring tumunog ang musika at sumayaw ang mga gustong sumayaw. Ngunit ang musika sa pagitan namin ni Ezekiel ay tila mabagal lamang at kaming dalawa lamang ang nakakarinig.

"Dadalhin kita sa langit... ayaw mo?" aniya at lumingon sa itaas. "Wala akong palasyong pagdadalhan sa iyo, pero welcome ka sa mundo ko."

"T-talaga?"

Ngumisi siya at saka lumingon sa itaas. "Oo naman."

"You take the money... I-I'll ride you," nahihiya kong saad at pilit na iwinawaksi ang kakaibang ibig sabihin sa aking isipan ng aking mga sinabi. "Please, don't argue with me."

Gross! Nagtunog sugar mommy ba ako roon?

Ngumisi lamang siya at saka hinawakan ako nang mariin. "Kahit walang money, you can ride me."

Ganoon na lamang ako halos mahigitan ng hininga. Kamatis! Siguro ay mukha na akong kamatis o kaya ay iyong laman ng pakwan! Nakakaimbyerna, hindi ko maiwasang maasar, mainis, mapangiti at kiligin sa mga sinasabi niya! Nakakabaliw!

"B-buang..."

Hinaplos niya ang sipit na binili niya na nakaipit sa itaas ng aking tainga at tinitigan ako. Hindi mahinto sa pagkalabog ang dibdib ko; sana ay hindi niya iyon naririnig dahil magtataka siya kung bakit ganoon na lamang iyon kalakas at kabilis.

"Okay, you've chosen to ride me. I'll take you to heaven..." He whispered and I purely smiled. He caressed my cheeks the moment my lips curved for a sweet smile and then he spoke. "I shall do whatever it takes, whatever the cost to keep your smile. Your smile is better than the freaking sun. The holy light from the sun of the firmaments brightens up my day, but your smile is a blessing to my world lighting my life. Please do smile a lot, you're an energy to my weakening soul."

My heart... it's palpitating, it's thumping hard, it's betraying me! My heart... kingina ang puso ko! Nagwawala ang puso ko!

Iyon lamang ang sinabi niya at kusa akong napangiti nang pagkatamis-tamis. Walang kung, higit pa sa labis. Ito ang kasiyahang noon ko pa gustong maramdaman. At sa kaniya ko iyon pinakaunang naramdaman, sa kaniya lamang.

"George Ezekiel..."

Her Wings (PSS, #2) ✔️Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon