Chapter 50: Devastation

2.3K 124 5
                                        

Chapter 50: Devastation

Finally! I managed to escape my cocoon!

"Everyone, to your posts. Face your partners," anunsyo ni Leemar.

Sa wakas ay pinili kong lumabas sa aking lungga at sumama sa pisikal na ensayo ng aking mga kapatid. Nagising na si Professor Hale ngunit hindi ko pa siya nakikita. Guilty pa rin ako sa nangyari, ngunit tama si Ranzo; sa halip na lunurin ko ang sarili ko sa pagmumukmok ay mag-ensayo na lamang ako. I am the one who is getting the benefit anyway.

"Survival instincts. What do you think is survival instincts?" Leemar's voice reverberated in the training room. No one answered; we just waited for him to answer his own question and he really did answer his own query. "Well, iyon ay ang pwede mong magawa sa oras na mismo ng hindi inaasahang pangyayari. Halimbawa hindi ka marunong lumangoy ngunit nalulunod ka na, dahil ayaw mong malunod ay pipilitin mong lumangoy, tama ba? Matatagpuan mo na lamang ang sarili mong lumalangoy nang tama. Lahat tayo ay may ganyan; dumarating tayo sa puntong gagawin natin ang lahat para magtagumpay. At ngayon, iyon ang gusto kong makita sa inyo."

Ganoon na lamang tumambol sa kaba ang puso ko. Alam kong maglalaban-laban kami, at gusto ko na lamang maiyak sa gilid dahil si Phia ang kalaban ko at alam kong walang patawad ang isang ito sa battlefield. Kaharap ni Andrew si Philip, sina Lirech at Kate naman, pagkatapos ay kami ni Phia. Kanina pa talaga ako kinakabahan dahil pakiramdam ko ay may hindi mangyayaring maganda sa amin ni Phia lalo pa at bigla-bigla na lamang na umiinit ang tensyon na namamagitan sa amin.

"The most effective stance for attacking and defending is the on-guard position. It is perfect for mobility, it allows you to take a small step for speed and controlled balance while bringing the distance to the opponent, and it camouflages your timing," Leemar said while walking towards us. "It is important to position your arms, head, and feet properly," dagdag niya pa habang isa-isang inaayos ang aming tayo.

Halos mahigit ko ang aking hininga nang paluin niya at sipain ang aking paa patungo sa mga lugar na dapat nilang kalagyan. Ganoon rin ang ginawa niya sa mga kapatid ko. Pagkatapos ay lumayo siya sa amin.

"Now, I want to see it from you. Wala akong ituturong technique. Hayaan ninyong ang inyong mga sarili mismo ang tumuklas at gumawa ng paraan upang manalo. Kung sino ang kaharap ninyo, sila ang makakalaban ninyo. Normal ang magsakitan dahil totoohang laban ito. Ang hindi normal ay ang sumuko. Survive with your instincts."

Lahat naman kami ay napalingon sa kaniya nang nanlalaki ang mga mata. Seryoso ba siya? Baka namali lang ang pandinig ko? Napapalunok akong lumingon kay Phia at ganoon na lamang ako napaatras nang ngumisi siya sa akin.

"Oh, and by the way. You can physically hurt each other, but you can't kill no matter how tense and aggressive you get," ani Leemar at saka hinipan ang kaniyang pito. "Begin."

Nagtinginan muna kami sa isa't isa. Batid kong nag-aalala silang lahat sa akin dahil alam nilang wala akong masyadong alam sa ganito. Mas lalo naman ako; nag-aalala ako sa sarili ko lalo pa at si Phia ang kalaban ko.

Nang lingunin ko si Phia ay ganoon na lamang ako napaatras at napasigaw sa gulat nang bigla siyang umatake. Napasigaw rin ang mga kapatid ko; napamura pa si Philip nang muntik na akong mabuwal. Batid kong gusto kaming awatin ng mga kapatid ko ngunit sinigawan sila ni Leemar.

"Don't mind them, mind your own!"

Hindi pa ako nakakabawi nang muli akong sinugod ni Phia. Inambahan niya ako ng sipa at suntok ngunit mabilis akong gumulong upang umilag. Nasisiguro kong malilibot namin ang training room; nasa kalagitnaan na kami, kanina lang ay nasa gilid lang kami ni Phia.

"Phia!" kinakabahan kong sigaw.

Ngunit sa halip na huminto ay nagpatuloy sa pag-atake si Phia. Ang mga kapatid ko ay hindi kumilos sa kanilang kinatatayuan; lahat sila ay nakatingin sa amin, binabantayan ang bawat naming kilos.

"Phia!" sigaw ko pang muli ngunit hindi siya nakinig at patuloy akong sinugod. Ang tanging nagagawa ko lang ay tumakbo at umiwas palayo sa kaniya.

Nang titigan ko siya ay ganoon na lamang ako kinilabutan. Those black orbs, I am pretty sure it is not hers! Iyon din ang mga matang nakikita ko kapag nanggigil siya sa akin, kapag nagsusungit siya sa akin. At iyon ang mga matang nakikita ko ngayon. It is far different from normal. It is dark, very dark and creepy that it gave me goosebumps.

She is not Phia! I need to sort this thing out. She needs saving more than I do.

"Fine!" sigaw ko na ikinagulat nilang lahat; maging si Phia ay napahinto sa pag-atake sa akin at nginisihan ako. "Survival instincts, huh."

All right, I'll let my mind and body decide on what I should do to survive here. Hahayaan kong magsanib-pwersa ang aking utak at katawan; sana ay gumana.

"Let's do this," matalim na ani Phia at muling sumugod sa akin.

Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi ako umatras katulad ng palagi kong ginagawa. Ang sabi ng katawan ko ay manatili ako doon at pagmasdan ang kaniyang kilos, at ganoon nga ang ginawa ko. Hinintay ko siyang makarating sa akin; inihanda ko lamang ang aking sarili para sa pangmatindihang depensa.

"HAH!" sigaw ni Phia habang pinapaulanan ako ng mga lumalagapak na suntok.

"URGH!" I reacted as I dodged her moves.

She jumped over me and I slid down opposite to her. Nang bumagsak siya sa sahig ay nanlalaki ang mga mata niyang akong tiningnan. Animo ay nagugulat dahil sa aking ginawa. Ako naman ang ngumisi; mayabang akong tumayo at saka siya tinanguan na parang nanghahamon. I just look fierce and tough, but deep inside I am struggling to my finest.

"HYAH!" She yelled and flew towards me. My eyes dilated in shock; it was too late for me to run because she quickly grabbed my hair. Halos umikot ang paningin ko nang ibitin niya ako sa ere habang ang buhok ko lang ang kaniyang hawak. Napasigaw ang mga kapatid ko sa gulat ngunit walang lumapit sa amin o sumigaw upang pahintuin si Phia. They are also curious about what I am going to do, of my next move to survive.

Then so be it.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng enerhiya mula sa aking batok patungo sa aking mga kamay. Kung kanina ay pisikal na lakas lang ang balak kong gamitin, ngayon ay nararamdaman ko na ang kapangyarihang nagpabagsak kay Professor Hale na nagpupumiglas sa loob ko. Hindi ako magpapatalo. Hindi sa ganitong paraan.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon