Chapter 8: Setback Trust Issues
HINDI ko alam kung gaano kabilis na lumipas ang ilang minuto. Natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakatayo sa gitna ng aking silid habang pinagmamasdan siyang nakaupo sa aking bintana.
Mahigpit ang hawak ko sa rosas na ibinigay niya habang tinititigan ang bawat anggulo ng kaniyang katawan at mukha. He looks a year ahead of me, but his biceps and muscles were firmly formed. Gayong hindi siya katulad ng mga Sentry at Chevalier sa palasyo na macho, maganda parin ang postura ng kaniyang katawan kahit na bahagyang payat dahil sa kaniyang tangkad. Siguro'y marami siyang ginagawa, at ang mga gawaing iyon ay mahihirap. Ganoon ang naririnig kong buhay sa labas ng palasyo, ang buhay ng mga Doveo sa lungsod. Kaya siguro'y lumalaking matikas ang mga taga labas dahil mas marami silang ginagawa, at nagiging ensayo iyon sa kanila.
His fair skin perfectly fits his black sweatshirt, his simple faded jeans made him look better as well. He's also wearing a long thin ribbon on his neck, and I have no idea what was that for. Ganoon lamang ang kaniyang suot, ngunit nagmukha siyang kaaya-aya sa aking paningin. Habang pinagmamasdan ang kaniyang hitsura ay sumasabay ang aking puso, malakas itong pumipintig sa bawat anggulong aking binabaybay.
"I guess you're from the city," mahina kong saad.
Dumako sa kaniyang mukha ang aking paningin. Napaatras ako nang makitang nakaangat ang kaniyang kilay habang pinagmamasdan ako. Siguro'y parehas kami ng ginagawa, ang kaibahan lamang ay sumasabay ang aking puso samantalang siya'y normal lamang na nagmamasid sa akin.
"Mabilis mong natukoy," tugon niya at lumingon sa labas.
Hindi ko maiwasang huwag mag-isip, nakapagtataka talaga ang kaniyang presensya sa aking munting silid, "Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Nag-eensayo ako," sagot niya nang hindi man lamang lumilingon sa akin.
"Ensayo?"
Mabilis siyang lumingon sa akin at bahagyang tumaas ang kilay, "Ikaw, bakit ka nandidito? Hindi ba't dapat ay nag eensayo ang mga maharlika?"
Napaiwas ako ng tingin at dumeretso sa aking kama. Marahan kong ibinaba ang hawak kong bulaklak. Wala naman sigurong masama kung makikipag-usap ako sakanya.
"Hindi ako katulad ninyo," marahan kong sagot.
Naramdaman ko siyang kumilos, at nang lingunin ko siya'y nakatuon na sa akin ang kaniyang atensyon. He put his hand under his chin while the other were supporting his elbow. Bahagya akong nakaramdam ng hiya nang mapagtantong nakatuon sa akin ang kaniyang atensyon, tila interesado sa sasabihin ko.
"Nakikita ko nga," aniya at binaybay ng mapanuyo niyang tingin ang aking pakpak, "Mas malaki ang iyong pakpak kumpara sa amin."
"That's the reason why other's don't like me, because of my wings."
Nangunot ang kaniyang noo, "Ang pangit naman nilang mag-isip, ang ganda kaya ng pakpak mo," aniya at tumaas sa aking mukha ang kaniyang paningin, "Kasing ganda mo..."
Muling naghuramentado ang aking puso, nahigit ko ang aking hininga at nanlalaki ang mga matang napalingon sa kaniya. Hindi ko alam kung normal lang ang ugali niyang iyon, ngunit hindi ko maikakailang lihim akong napapangiti sa mga salitang namumutawi sa kaniyang bibig.
Maliban kay Manang at sa aking Ina, siya lamang ang nagsabi na maganda ang aking pakpak. Ang iba'y natatakot dahil malaki raw ito, ang iba'y umiiwas dahil hindi raw ito kaaya-ayang tingnan, at hindi ko inaasahang makakatanggap ako ng puri galing sa isang estrangherong lalaking napadpad lamang sa aking bintana.
Kumurap-kurap ako at mabilis na nag-iwas ng tingin nang mapansing nagtititigan na kami ng ilang segundo. Gayong kaunting segundo lamang iyon, pakiramdam ko'y bumagal ang oras nang sandaling magtama ang aming paningin.
![](https://img.wattpad.com/cover/244833008-288-k757014.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...