Chapter 23: Doing Both

2.4K 155 34
                                        

Chapter 23: Doing Both

"T—them..." Hindi sigurado kong tugon.

Ganoon na lamang ang gulat sa kaniyang mukha nang sabihin ko iyon, tila hindi makapaniwala at mas lalong ayaw maniwala. Mas lalo siyang lumayo, at dahil doon ay parang bata akong napanguso habang nanunubig ang aking mga mata.

The moment his eyes turned cold, I thought he will help me. Akala ko'y makukuha ko siya doon, nalilito na tuloy ako sa amin kung sino ba ang umaarte. Ang galing niya kasi, napapaniwala ako.

Tears watered my lashes as I forced myself to cry.

Nataranta siya sa ginawa kong ekspresyon, at dahil doon ay mabilis siyang lumapit sa akin ngunit kaagad ding umatras. Gusto kong matawa sa ginagawa niya, hindi siya mapakali. Hindi siya sang-ayon sa gusto ko ngunit tila natutunaw ang kaniyang puso dahil sa arte ko. At dahil doon ay unti-unti kong nakikitang hindi nga siya masamang nilalang.

Paano pa nga ba siya magiging isang masamang nilalang? Ang tanging ginawa niya lamang ay tulungan ako, gamutin ako, at gisingin ako sa nakakamatay kong bangungot. Nagkaroon na siya ng pagkakataon upang paslangin ako, ngunit hindi niya ginawa. Patunay lamang na wala talaga siyang masamang balak. At isa pa'y isusumpa ko siya kapag ipinahamak niya ako.

"Pakiusap, ang takuyan..." aniya at inilahad ang kaniyang mga kamay.

"Pakiusap, ilayo mo ako dito."

"Ano ba'ng problema mo?" Naiinis niyang tanong atsaka binawi ang mga palad, "Hindi ako naghahanap ng gulo. Baka mamaya arte mo lang 'to para hulihin ako ng mga gwardya, sinasabi ko naman sa'yong wala akong balak na masama!"

"Grabe ka naman mag-isip! Gusto ko lang makalayo dito," maktol ko at mas lalong itinago ang basket, "Isama mo ako sa bayan, gusto kong makalabas ng palasyo."

"Hindi," agaran niyang tugon.

"Oo!"

"Hindi nga!"

"Oo nga!"

"Hindi nga sabi!" Aniya at napakamot ng ulo, "Magpahatid ka sa inyong karwahe patungong bayan! O kaya tumakas kang mag-isa, huwag mo akong idamay!"

"Ano?"

"Sinabi ko naman sa'yo, tinutulungan lang kita dahil nangako ako sa isang mahalagang nilalang sa akin. Pero labas na ito sa mga pangako ko, ayoko!"

Naningkit ang mga mata ko, "Gusto mo!"

"Hindi!"

"Tatalon ako dito," banta ko. Gusto kong sampalin ang aking sarili sa mga pinagsasasabi ko, nagmumukha na akong tangang desperada.

"Tumalon ka, pero paalisin mo muna ako!"

"Susunugin ko 'tong basket!"

"Ano ba!?" Taranta niyang saad at lumapit sa akin upang agawin ang basket.

"Kanina lang ay gusto mo akong isama?"

"Hindi bukal sa loob iyon!"

Ngunit mas lalo ko lamang itinago ang basket dahilan upang yakapin niya ako para lamang maaabot iyon. Mabilis akong napaatras dahil hindi talaga siya nagpatinag, gusto niyang makuha ang basket at gusto ko ring makaalis sa palasyo.

"Ano ba!" Sigaw ko at sinipa siya palayo, dahilan upang makahiwalay siya sa akin. "Hindi ako papayagang umalis, kaya hindi gagana ang kaisipan mong umalis ako sakay ng karwahe! At alam mong hindi ako makakatakas dahil hindi nga ako makalipad!"

"Maglakbay ka sa palasyo ninyo!"

"Sawang-sawa na ako sa buhay rito, sa kanilang pagtrato!"

Sandali s'yang natahimik nang sabihin ko iyon. Mas lalong umusbong ang sama ng aking loob, "Hindi mo alam ang nangyayari sa akin dito. At gustong-gusto kong makalayo kahit isang beses lang, pagkatapos ay maglimutan na tayo! Isama mo lang ako sa bayan, pagkatapos ay pwede mo na akong iwan."

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon