Chapter 5: Nightmare

2.9K 161 6
                                    

Chapter 5: Nightmare

HINDI ko alam kung gaano kalawak ang aking mga hakbang nang bumalik ako sa aking silid. Bumabaliktad ang sikmura ko sa tuwing naalala ko ang hitsura ni Sophia, ng mga kasama niya at ng chevalier na iyon, hindi ko lubos maisip na magagawa ng isang buzzard ang ganoon. Ibig sabihin lamang ay mga wala silang puso, at dapat silang kamuhian.

Nang malaman kong isinumpa ako ng kanilang Reyna, namuo na ang galit ko at nang makita ko ang kalagayan ng kanilang nabibiktima ay mas lalong nag-apoy ang poot na aking nararamdaman sa mga buzzard. How could they be so heartless? Do they even have hearts in the first place? If they have, well it was useless.

Mula nang araw na iyon ay pinili ko na lamang magkulong sa aking silid. Mas lalong lumaki ang takot ko sa mga buzzards lalo pa't dumarami ang naririnig kong kwento tungkol sa mga nilalang na iyon. They are black big animal eater birds, at ang aming kaharian ang pinakamalapit sa kanila kaya siguro'y kami ang unang pinupuntirya. Dahil din sa mga kumakalat na kwento ay nawalan na ako ng ganang makihalubilo sa labas ng aking hawla. Naisip kong hindi ako ligtas, hindi gumagana ang aking pakpak at ako ang pinakaprone na pwedeng gamitin ng mga kaaway laban sa aming kaharian dahil ako ang pinakamahina.

Kaya naman muling lumipas ang tatlong taon, desi-otso na ako'y hindi parin ako makalipad dahil kulang na ako sa ensayo. Hindi na ako tinuruan pang lumipad, pinabayaan na ako ng mga guro sa palasyo, pakiramdam ko'y kinalimutan na ako ng lahat. Maliban na lamang sa matandang nag-aalaga sa akin.

"Manang..." marahan kong bulong sa matandang katabi kong nanunuod ng mga bituin.

"Hmm?"

"Naalala niyo pa po ba iyong chevalier na napatay ng mga buzzards noon?"

Lumingon sa akin ang matanda habang nakakunot ang noo, "Alin doon?"

Napabuntong hininga ako, napakarami na nga palang umuwi sa palasyo na sugatan, baldado at ang iba'y patay dahil inatake ng mga buzzard sa kanilang paglalakbay. Malamang ay makakalimutan iyon ni Manang. Nagpatuloy sa paglipas ang taon, at walang pinapalipas na buwan ang mga buzzards upang umatake.

Kaya naman nagagambala na rin ang palasyo sa possibleng pag-atake nito sa buong Beryllion. Napag-alaman ko ring pati ang Kaharian ng Macedon ay inaatake ng mga Buzzards. Hindi ako sigurado sa Kaharian ng Patram, balita ko'y takot ang mga buzzards sa mga nilalang na naroon.

I haven't seen any kinds of winged-creatures aside from the Doveos in our Kingdom, kaya hindi ko alam kung ano ang hitsura ng mga taga ibang kaharian. Hindi ako nakakalabas ng palasyo, at hindi sapat ang mga libro upang tuluyan ko silang makita. Iba-iba ang nabubuong larawan sa aking imahinasyon, gusto kong makakita ng mga nilalang mismo sa ibang Kaharian.

The Continent of Fliogan is the continent of winged-creatures, kaya nasisiguro kong mga lumilipad na nilalang parin naman ang nakatira sa mga karatig-pook.

"Kumusta po kaya ang mga pamilyang naiwan ng mga namatay na Chevaliers at Sentries?" hindi ko mapigilang tanong.

"Hilig mo talagang mag-isip ng kung ano-ano 'no?" Ani Manang Dayana atsaka humalakhak, "Hindi mo iniisip ang sarili mo. Hindi ka ba nalulungkot dito?"

Umiling-iling ako at pinanuod ang mga bituin sa langit, "Masaya na po akong pinapanuod ang mga lahat na lumilipad sa ating kaharian,"

Narinig kong humalakhak si Manang, "Maghintay ka lang, darating ang mga Maharlika ng Macedon upang bumisita."

Mabilis akong napalingon kay Manang, "Talaga po?" Gulat kong tanong.

Manang smiled, "Ang saya mo, Emerald," batid ko sa kaniyang mga mata ang awa at tuwa, magkahalong emosyon ngunit mabilis kong natukoy kung ano ang pinakasinasabi ng kaniyang mga mata, "Natutuwa ako,"

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon