Chapter 10: No Exemption

2.7K 153 14
                                        

Chapter 10: No Exemption

NAKAKABINGI ang katahimikang namuno sa amin nang tanggapin ko ang hamon ni Leemar. Mas lalong naningkit ang kaniyang mga mata habang tila tinatantya ang makakaya kong gawin.

Matigas niyang inabot sa akin ang pana, ngunit agad siyang pinigilan ni Kate na tila nag-aalala sa akin, "She did not train for this, please Leemar, spare her."

"Kate," pigil ko at tinanggap ang pana at palasong hawak ni Leemar.

"Pero Emerald, hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo," ani Kate na tila kinokonsensya, "Dapat pala hindi nalang kita dinala dito, umabot ka pa tuloy sa ganito."

"Kate, diba sabi mo, kaya ko," Nakangiti kong saad sa kaniya, "Kaya ko."

Narinig kong ngumisi si Leemar atsaka umatras, ganoon din ang ginawa ni Kate nang mapagtanto niyang wala na siyang magagawa upang pigilan pa ako.

Nang lingunin ko ang mga nag-eensayo sa ere ay tuluyan na silang nahinto dahil nakaagaw na kami ng atensyon. Ang pagpunta ko rito upang mag-ensayo ay nakakagulat nang bagay, mas lalo pa ang matamaan ko ang mga puno gayong wala naman akong sapat na ensayo, at marahil ang paglapit sa akin ni Leemar ay isa pang dahilan upang tuluyan nang huminto ang lahat upang panuorin kami.

Masyadong mataas ang tensyon, at ramdam ko ang bigat nito sapagkat pasan-pasan ko sa aking likuran ang ekspektasyon ng karamihan lalo pa't tinanggap ko na ang hamon.

Nang ilalagay ko na ang palaso sa pana ay nahulog ang isa, pakiramdam ko'y nagsimula na naman ang pagkadismaya ng lahat. Nasanay na kasi silang panuorin ang mga kapatid kong mag ensayo ng perpekto, kaya naman pagkadismaya kaagad ang narinig kong tinig nang bumagsak pa sa damo ang pangalawang palaso.

Napalunok ako at napalingon kay Leemar na ngayon ay napakalawak ng ngisi.

"I'm sorry, akala ko kasi ay kaya mo..." tila nang-iinis nitong saad at akmang pupulutin ang mga nahulog na palaso ngunit inunahan ko siya.

Gamit ang aking mga paa ay kinuha ko ang nahulog na mga palaso at pinalipad iyon sa ere, pagkatapos ay mabilis na sinalo at deretsong inilagay sa pana. Nakarinig ako ng mga singhap, malamang ay hindi rin nila inaasahan iyon sa akin. Lingid sa kanilang kaalaman na palagi kong hawak ang aking pana at palaso habang tahimik na nag-eensayo sa aking hawla.

Ito rin siguro ang advantage kapag alam ng lahat na mahina ka, walang masyadong humahanga, at talagang mapapatayo sila sa paghanga kapag nagawa mo ang mga bagay na inaakala nilang hindi mo kaya. Kaya naman kahit na walang gaanong araw ay tagaktak ang pawis ko dahil sa tensyon na aking nararamdaman.

Nang higitin ko ang tatlong palaso ay lumikha ng ingay si Leemar upang sirain ang atensyon ko, ngunit alam ko na ang estratehiyang iyon at pagod na akong magpauto. Pagod na rin akong sabihang mahina dahil lang hindi ako makalipad, kaya naman magandang pagkakataon na ito upang ipamalas sa lahat ang mga bagay na tahimik kong pinag-ensayuhan nang nakakulong pa ako sa aking hawla.

Gayunpaman ay alam kong hindi lamang dahil nag-ensayo ako, nararamdaman kong nasa akin ang isang abilidad na hindi ko pa lubusang natutuklasan. Maaaring ito ay pagiging asintado, ngunit maliban doon ay nasusukat ko ang distansya ng isang lugar sa pamamagitan ng pakiramdam, kaya naman kahit hindi ko ito tingnan ay nararamdaman ko kung gaano ito kalayo.

Ipinikit ko ang isa kong mata at itinuon ang pansin sa tatlong puno. Ang sabi ni Leemar at patamaan ko ang pangatlong puno, ngunit sa sunod na pagkakataon ay hindi ko na naman siya susundin dahil may iba akong plano upang ipamalas ang aking kakayahan.

"Emerald," dinig kong bulong ni Kate, "You don't have to do this, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo,"

"Hush," bulong ko at siniguro ang distansya ng aking mga patatamaan.

Everyone was quiet, walang nagbubulungan, ramdam ko ang pagiging kuryuso ng bawat isa aking gagawin. Sa sunod na hakbang na aking gagawin, at sa talentong aking ipapamalas. Mataas ang ekspektasyon nila sa aking nga kapatid dahil perpekto ang mga ito kung kumilos, kaya naman nakakahiya kung dahil sa akin ay mapapahiya ang mga maharlika.

Naramdaman kong tumulo ang pawis sa aking noo, dumeretso ito sa aking kilay pababa sa aking mga mata. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon upang punasan iyon, hindi na rin ako nakakurap.

Ngunit nasiguro kong maayos ang aking pagkakasukat. Kasabay ng panlalabo ng aking mga mata ay ang pagpakawala ko sa mga palasong hawak ko. Bago ko iyon pinakawalan ay mabilis kong iginalaw ang pana upang maghiwala-hiwalay ito sa tatlong direksyon.

Halos mahugutan ako ng hininga nang tuluyan itong bumulusok sa ere. Pakiramdam ko'y nabingi ako, dahil wala man lamang ni kaluskos ang aking narinig nang bitawan ko ang palaso. Ang tanging naaabot na lamang ng aking pandinig ay ang aking mabagal na paghinga at mabilis na pintig ng aking puso.

The arrows moved in a slow motion despite its raging speed, and in a blink of an eye, I heard everyone gasped when the first arrow hit the first tree, the second arrow travelled to the second tree and I heard Leemar swore when it hit the eye of the second tree. Ngunit hindi pa doon natatapos ang lahat, patuloy paring bumubulusok ang huling palaso sa pinakahuling puno.

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay humangin ng malakas, dahilan upang magtagisan ang bilis ng aking palaso at ng hangin sa pupuntahang direksyon. Naramdaman kong ngumisi si Leemar, kasabay ng kaniyang pagngisi ay ang maliit kong pagtawa.

Alam kong hahangin ng malakas, kaya naman inunahan ko pa ng kaunting distanya ang palaso bago ko ito pinakawalan. Kaya naman tuluyang napasinghap ang lahat maging si Kate nang matunog na tumama ang aking huling palaso sa huling puno.

Napangiti ako nang marinig ang palakpak ng karamihan. Hindi ko alam kung paano ko sila titingnan sapagkat nakakaramdam ako ng hiya, ngunit kasama ng hiya ay ang pakiramdam ng pagkapanalo at pagkakontento. Tumama ang mga palaso katulad ng aking plano, at alam kong sa oras na yaon ay kumukulo na ang dugo ni Leemar sa inis.

At hindi nga ako nagkamali, dahil nang lingunin ko siya'y matalim ang kaniyang paningin sa akin habang inililipat sa mga punong tinamaan ko ang kaniyang pansin. Ngunit nang magtama ang aming paningin ay hindi ko naiwasang mapaatras dahil nakakapaso iyon, ramdam ko ang pagkapikon at galit, at hindi ko siya masisisi dahil napahiya lamang siya sa harapan ng mga Doveo sa likuran ng aking palasyo.

"Emerald!" Manghang tawag sa akin ni Kate at patakbong lumapit sa akin, "Ang galing mo! Akala ko ba'y hindi ka nag-ensayo?"

"Hindi ako nag-ensayo katulad ng pag-eensayo ninyo, ngunit hindi ko naman pinabayaan ang sarili ko katulad ng pagpapabaya ng ibang Doveo." makahulugan kong wika na tila agad na nakuha ni Leemar.

Kaya naman sabay kaming napalundag sa gulat ni Kate nang sumigaw si Leemar at nag-utos, "Ang lahat ng maharlika, sumama sa bailey! Mag-eensayo tayo!"

"But Leemar, we're just..." Naputol ang sasabihin ni Kate nang galit na sumagot si Leemar.

"No buts, princess Kate. Now!" Iritadong utos ni Leemar na agad na nagpasunod kay Kate at sa mga kapatid ko.

Nagitla ako nang bumaba sa akin ang kaniyang paningin, "You are not exempted, Emerald." saad nito na may diin sa aking pangalan.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon