Chapter 13: The Playmaker

3.1K 153 9
                                        

Chapter 13: The Playmaker

Narinig ko ang ilang beses na pagmura ni Philip. Mukhang hindi talaga siya sang-ayon sa kagustuhan ko. Ngunit sapat na ang aking paninindigan upang tuluyang lumambot ang kaniyang puso.

"You don't want to do this, Sister."

"I always wanted to do this, Philip," matigas kong saad. "Kung hindi mo ako idederetso, bitawan mo na lang ako."

"Emerald..."

"I am serious," saad ko sa matigas na tinig.

Kumawala siya ng isang malakas na buntong hininga bago tuluyang umikot pabalik sa Dither maze. Nakaramdam ako ng magkahalong kaba at excitement. Hindi ako nagsisisi dahil ito ang gusto ko, ang makipagsapalaran at makipagsabayan sa mga nakalalamang sa akin.

Napataas ang aking kilay nang dumagundong ang tinig ng tigre at leon habang papalapit sa amin. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa akin ni Philip. Sa ilang sandali ay naramdaman ko ang kaniyang pagdadalawang isip. Nagsimula siyang manginig, tila nagtatalo ang kagustuhang ilayo ako at ang suporta sa aking desisyon.

"Philip," tawag ko.

"Now what?"

"Kahit na anong mangyari, dumeretso ka lang. Sinimulan mo na ang pagtulong sa akin, huwag ka nang umatras."

Isang malutong na mura pa ang aking narinig bago siya nagwika, "I don't even know why I am still holding you."

"Because you want to support me. Whatever risk is coming, it is what I want," saad ko at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang espada. "Did my answer satisfy your question?"

"Whatever," aniya at matalim na tumingin sa harap. "Two creatures approaching, what do you want me to do?"

Sandali akong natahimik. Unti-unti nang papalapit ang leon at tigre. Wala na kaming ibang magagawa kundi ang harapin ang mga ito. Hindi na kami maaaring bumalik, at mas lalong hindi ko gugustuhing sumuko ngayon.

"Salubungin mo," utos ko.

"What the fuck?" madiing saad ni Philip kasabay ng pagdiin ng kaniyang pagkakahawak sa akin. "Are you out of your— you are out of your mind!"

"Just do it!" bulyaw ko na ikinagulat niya.

Napasimangot ako nang lumipad siya paderetso upang gawin ang sinabi ko. Susunod din naman pala ay magrereklamo pa.

"Pag sinabi kong bitawan mo ako, bitawan mo ako."

"Nahihibang ka na," aniya ngunit dumeretso pa rin. "Itapon kita pabalik, eh."

Napairap ako. "Subukan mo, tutusukin ko 'yang apdo mo."

Hindi na siya nagsalita. Nagpatuloy lamang siya sa paglipad upang salubungin ang dalawang hayop. Habang pinapanood ang mga ito ay nakabuo ako ng plano. Katulad ng dati, mabilis akong makaisip ng estratehiya. I was always the playmaker back then... just back then.

"Kapag sinabi kong bitaw, bitaw. Ako na ang bahala sa unang hayop na dumakma, ikaw na sa isa."

"Seriously?"

"Hindi naman ito ang una mong sabak, 'di ba?" tanong ko. Purong tanong at walang halong pang iinsulto.

"Ako ba dapat ang tinatanong mo niyan? Ikaw lang naman ang inaalala ko rito, Emerald."

"Huwag mo akong alalahanin."

Sandali pa kaming natahimik. Doon ay nagsimula na akong magkalkula. Tinantya ko ang layo ng dalawang hayop sa amin. Nang masiguro ang sukat ay mahigpit kong hinawakan ang espada habang ang isa kong kamay ay malikot na inaabot ang aking sandalyas.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon