Chapter 1: Failed

5.7K 175 16
                                    

Chapter 1: Failed

Why can't we be just contented with anything we have? Why do we ask for more? And why do we feel empty when we don't have and cannot have the thing we want the most?

The truth is I don't know what to believe anymore. Despite the fact that I am a princess and I should live a happy life with my wings, my life turned the total opposite.

In our Kingdom, the Kingdom of Beryllion, the land of winged-humanoid-angel-looking-people called Doveo, wings are the most important part of our body. With that, we can protect ourselves, we can defend those who cannot fight, we can live our lives to the fullest, we can travel our own little world, and we can do whatever we want along with our magnificent two long seemly colourful wings that extend from the sides and make us possible to fly.

Lucky are those skilled winged-humanoids, they can soar high like a dragon. They can fly over the clouds, and reach my altitude. Lucky are those with bonny active wings, they can move pass through the air before the wind and arise as they fully watch the large Kingdom of Bêryllion.

How fortunate are they, because I am not.

In such a very young age, I experienced to stumble and fall several times from a cliff, the highest cliff of the highest mountains in Beryllion to be exact because I cannot land properly.

Simply, I can't fly. At ngayon nga ay takot na akong lumipat. Takot na akong mag ensayong lumipad. Dahil takot na rin akong masaktan.

"Emerald,"

Napalingon ako sa mahinhin na tinig na iyon.

"Mom," I replied.

"Training time," aniya habang nakangiti.

Tahimik na namuo ang luha sa aking mga mata. Sa halip na matuwa dahil matututo ako ay napapaiyak na lamang ako sa takot na muling bumagsak, masugatan at mabalian dahil hindi ako makalipad. I want to ask my Mom, Cassiopeia, the Queen of Beryllion why I am not like the others. Why am I not like my siblings, they have smaller wings compared to mine. Ngunit patuloy na sinasabi ng aking Ina na normal lamang iyon. Hindi talaga pantay pantay ang mga pakpak. Gusto ko siyang paniwalaan ngunit may kung anong kumakatok sa puso kong alamin ang buong katotohanan kung bakit ako naiiba dahil patuloy akong nagdududa.

Grabe naman ata ang pagka normal ko. Ako lang ang naiiba sa buong palasyo.

"I don't want to train, Mom," naluluha kong sagot.

Ngumiti siya at niyakap ako, "You need to train baby, look at your fellow kids, they can now fly..."

Umiling-iling ako, "But I can't..."

Tila nadurog ang puso ko nang sabihin ko iyon. Mabilis lamang iyong lumabas sa aking bibig ngunit tila tinarak ng bumubulusok na palaso ang aking puso dahil sa kirot at lungkot. Gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa hiya, nakakahiya ako, sa aming lahat ako ang pinakamahina.

"You can, Emerald."

Ang Reyna na lamang ang nagiging pag-asa ko dahil naniniwala siya sa akin, ngunit hindi iyon sapat upang maibsan ang lungkot na nadarama ko dahil patuloy akong sinasampal ng katotohanang hindi ako makalipad at malaki ang tsansang hindi na ako makakalipad.

"Come now," aniya at inabot ang aking kamay.

Tahimik na lamang akong tumango at sumunod sa kaniya. Dumeretso kami sa pinnacle, nilimitahan ng aking Amang Hari ang pagpapalabas sa akin dahil unti-unting nagiging delikado ang kaharian at hindi ko alam kung bakit.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon