Chapter 35: Winter Night
Katulad nga ng inisip ko ay hindi na bumalik si Ezekiel. Ilang linggo na ang nakalipas; nagparamdam na ang taglamig ngunit hindi ko na muling naramdaman ang kaniyang presensya sa paligid. Siguro ay bumalik na siya sa dati niyang buhay, habang ako naman ay unti-unting nilalamon ng kalungkutan habang nagpapatuloy sa aking nakababagot na routine.
Hindi maaliwalas ang panahon. Kahapon ay hindi gaanong sumikat ang araw hanggang sa tuluyang lamunin ng lamig ang Beryllion dahil sa paglayo ng sikat ng araw. Kaya naman nasisiguro kong ngayon, bukas, o sa makalawa ay uulan na ng niyebe. Masyado na kasing malamig, at kung hindi lang dahil sa makapal na kapa at balabal na suot ko ay paniguradong manginginig na ako nang husto.
Patapos na ang hapon nang bumaba ako sa palasyo upang panoorin ang mga kapatid kong nag-eensayo. Hindi na ako nagpakita pa kay Leemar; ayokong malagay na naman sa kapahamakan ang mga kapatid ko dahil lang isinama ako sa ensayo.
Mula sa balkonaheng nakatayo sa likod na bahagi ng palasyo ay doon ako tumungo at mag-isa akong naupo. Sa halip na dumeretso sa bailey upang manuod ay pinili ko na lamang tumambay rito. Sa likod ng maliit na punong nakatanim sa isang paso ay tahimik akong humalimhim. Ilang oras ako roong nanatili. Sa tingin ko ay tapos na sa pag-eensayo ang aking mga kapatid at hindi ko na sila napuntahan pa dahil naaliw na ako sa katahimikan ng balkonahe.
This feels like something that happened in the past.
Bakit pakiramdam ko ay nangyari na ito? Siguro ay wala namang gaanong mahalagang bagay. Ang nararamdaman ko lang siguro ay dahil palagi akong umiiyak dito noon, kaya naman pamilyar sa akin ang lugar. Magmula kasi nang makulong ako sa aking silid ay bihirang-bihira na akong makabalik sa balkonaheng ito.
Malamig na nga ang hangin, maging ang halaman ay tila basa kahit na hindi naman umulan. Giniginaw rin siguro sila. Matiyaga kong pinagmamasdan ang pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking halaman na nakatanim doon. Inilibot ko ang aking paningin. Sa lahat ng lugar sa palasyo, ito ang pinakagusto ko. Tahimik, payapa, at tanging mga halaman at bulaklak lamang ang aking kasama.
"Winter snow is falling!"
Mabilis akong napabalikwas nang sumigaw ang isang elite na namamalagi sa palasyo. Ang ibang pamilya ng mga ministro ay sa loob mismo ng palasyo nakatira. Naglalaro sila nang sama-sama at ako lang talaga ang naeetsapwera.
They are all excited during winter because they can freely play. Flying snowballs is all I could see during winter, and hearing their laughs makes me smile despite the way they treat me. They treat me as if I am invisible, as if I am concealed in a dark corner. Nakikita nila ako, ngunit hindi nila ako pinapansin dahil ayaw nila akong makasama.
Nagsimula na ngang magsipatakan ang maliliit na niyebe. Sa labas ng balkonahe ay maingat kong inilahad ang aking kamay upang saluhin ang ilang piraso nito. Napapangiti na lamang ako kahit mag-isa habang silang lahat ay sama-samang sinasalubong ang unang gabi ng taglamig.
There will be a lighting of winter candles later. Kahit sa lungsod ay ganoon ang ginagawa ng bawat pamilya. Sa unang gabi ng taglamig, sa gitna ng pagbagsak ng niyebe, ay sama-samang magsisindi ng kandila ang isang pamilya, o magkasintahan. Lingid sa kaalaman ng lahat ay hindi pa namin ito naranasan. Siguro ay ginagawa ito ng mga elite, ngunit kaming mga Royal? Wala kaming panahon para sa ganoong tradisyon.
Siguro ay nakatingin lamang sina Kate, Lirech, Andrew, Philip, at Phia sa kanilang bintana habang pinapanood ang karamihan na magsaya. Ang mag-asawang Hari at Reyna naman ay nasa kanilang trono o kaya ay sa silid na pinagtatrabahuhan upang ayusin ang mga dapat ayusin sa kaharian. Habang ako? Walang buhay na magmamasid sa kalangitan.
Hindi ko na rin nakakasama si Manang Dayana; umuuwi siya sa kaniyang pamilya kapag taglamig. Kahit noong bata pa ako ay ganoon na ang kaniyang ginagawa at hindi ako nagrereklamo dahil naiintindihan ko siya. Minsan nga ay gusto ko na lamang sumama, ngunit hindi niya ako maitakas. Paniguradong parehas kaming mapapahamak.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart.
