Chapter 59: The Kingdoms

120 4 0
                                        

Chapter 59: The Kingdoms

There are seven known kingdoms that possess periapts in the land of Beryllus: Beryllion, Eufrata, Macedon, Alemanya, Patram, Fatum, and Mermayde. Ang mga kahariang nasambit ay may kanya-kanyang periapt o amulet, at ang Crescent Moon ang periapt ng Beryllion. Hindi ko alam kung ano ang periapt ng ibang kaharian; siguro ay mga precious stones, elemental periapts, o iba pa.

Beryllion believes that the Crescent Moon sustains our prosperous kingdom. Ngunit hindi ganoon kadali ang lahat dahil mayroon talagang mga nilalang na hindi matatahimik hangga't hindi nakakagawa ng kasamaan. Dahil ang kaharian ng Beryllion ang pinakamalapit sa mga buzzards sa Chasma, ito ang kanilang unang napagdiskitahan. I knew it; Irithel will attack all the kingdoms in the land of Beryllus to rule.

Hindi lamang si Irithel ang banta. I know there are lots of abyssal leaders; they even have their own monarchy and sovereignty. At itong si Irithel, napakagahaman naman talaga sa kapangyarihan ng isang ito. The fact that I couldn't do anything other than to protect myself in the upcoming war makes me sad. Well, at least I am able to protect myself. At least hindi na ako magiging pabigat.

"Tama, Ministro, ngunit ikinakatakot kong kulang ang sentries na ipapadala natin sa unahan."

"Add the chevaliers to the frontline! Maraming magagaling na chevaliers. Actually, chevaliers are the best! They'll always be on the frontline!"

Nagitla ako nang marinig ang salitang chevaliers. Siya lagi ang pumapasok sa isip ko kapag naririnig ko ang salitang iyon. Was he successful? Did he finally become a chevalier? Kung hindi ay nasaan na ba siya?

Nasaan ka na, George Ezekiel? Buhay ka pa ba?

"Kailangan na nating kumilos ngayon, iipunin pa natin ang lahat ng chevaliers at sentries para na rin paghandain ang lahat."

"Ministro, ang totoo niyan ay naipon ko na ang mga chevaliers. Nasa field na silang lahat upang sumabak sa laban. Nararamdaman kong susugod ang mga kaaway anumang oras at kinakailangan nating maghanda. The chief chevalier is a sage; he'll manage the team well. He's the best."

Isang ministro pa ang pumagitna. "Siya nga pala, paano ang mga maharlika? Hindi natin sila pwedeng pabayaan, kailangang may magbantay sa kanila lalo na sa prinsesang hindi nakakalipad!"

Ang lahat ng naroroon ay napalingon sa akin. Napayuko ako dahil sa kakaibang tingin nila. Bigla ay gusto ko na lamang maglaho; pakiramdam ko ay sinasabi ng mga matang iyon na naging pabigat pa ako sa aming kaharian sa halip na makatulong. Ang lahat ay may silbi, maging ang aking mga kapatid ay sasabak sa laban, ako lamang talaga ang hindi.

They will battle in the air; siguro ay ako lamang ang maiiwan sa lupa. Walang gaanong magagawa ang pana ko kung bumubulusok na patungo sa akin ang ilang kaaway, at hindi sapat ang bilis ng aking pagtakbo upang tumakas. Indeed, I am still a burden to our kingdom.

"Maraming salamat sa pagpapaalala, Ministro. Hindi natin isasantabi ang bagay na iyan, ngunit kailangan na ninyong maihanda ang lahat para sa laban. Ipinatawag ko na lamang ang pinunong chevalier para sa oryentasyon upang huwag nang maabala sa paghahanda iyong iba."

Ang lahat ay natahimik sa biglaang pagtayo ng aking Amang Hari. Bilang paggalang ay napayuko ang lahat, maging kami, ngunit mabilis ring nag-angat ng paningin. Itinuon namin ang aming atensyon sa Hari. Lumingon muna ito sa aking Ina bago nagsalita; tila ba nag-usap muna sila bago ang huling desisyon ng aking Ama.

"Magaling, Ministro," puna ng aking Amang Hari matapos tumayo. "Papalibutan ang palasyo ng mga bantay. Ikakalat ang sentries at chevaliers, magpadala rin ng mga malalakas na bantay sa lungsod. Protektahan ang lahat ng bata, buntis, at matatanda. Ang lahat ng lalaki ay bigyan ng armas ganoon na rin ang mga babaeng nasa tamang lagay. Magtiwala tayo sa kakayahan ng ating kababaihan; hindi sila dapat minamaliit. Subalit piliin lamang ang pinakamalalakas—huwag isama iyong tumba sa isang bato. Ang aking Reyna ang mangunguna sa mga pana at palaso sa palasyo; nasa sagradong lugar lamang sila kasama ang mga anak kong babae. Sasama ang mga prinsipe sa akin. Laban natin itong lahat para sa Beryllion..."

Maawtoridad na wika ng aking Ama. Doon ko tuluyang nakita kung gaano siya kahanga-hanga. Hindi sa gusto niyang itaya ang buhay naming lahat upang mamatay, ngunit alam kong nagtitiwala lamang siya sa kakayahan ng kaniyang nasasakupan. Alam niyang malakas ang Beryllion at hindi kami basta-bastang matitinag ng mga kaaway.

"Ang mga matatanda sa palasyo ay itago, ganoon na rin ang mga ministro. Ako ang mauuna sa laban..."

"Subalit mahal na Hari...!" pigil ng isang ministro na agad ring nanahimik nang itinaas ng aking Ama ang kaniyang kamay.

"Ako ang inyong hari, at gagawin ko ang lahat para sa ating kaharian. Ibubuwis ko ang aking buhay kung maaari, at hindi ninyo ako mapipigilan."

Napatayo ang lahat ng maharlika, kasama na ako doon. Ang lahat ng naroroon ay biglang napaluhod at napayuko. Naluha ako dahil sa sinabi ng aking Ama; bigla ay hiniling kong sana ay katulad niya na lamang ako. If only my wings could fly, I would collect all my courage to protect my people. I heard my father right, and I couldn't handle the thought of watching them all fight while I stand in the corner, hiding for my life and not being able to do a single thing for our kingdom.

I am a totally useless princess, while my father, the King, is not our ruler for nothing. He will always be the best king in the kingdom of Beryllion.

Iniangat namin ang aming paningin, at tuluyan nang pumatak ang aking mga luha nang makitang niyayakap ng aking Ina ang aking Ama. I really hope it won't be their last embrace. I hope everyone survives, and I hope I could find a way to help.

"Mahal na hari... ano po ang sunod nating hakbang?"

Tila awtomatikong nagsitunugan ang mga manunugtog sa palasyo, at ang naglalakasang tambol ang siyang nagpapatalon sa puso ko dahil sa kaba. Nagbuntong-hininga ang aking Ama bago ito lumingon sa amin, sa aking Ina, at sa lahat ng naroroon. "Ipatawag ang lahat ng pinuno mula sa chevaliers, sentries, maging sa mga armas. Sa lahat ng larangan, ipatawag ang pinuno."

Ilang sandaling katahimikan ang nangyari bago pumasok ang isang ministrong kanina lamang ay nakikipagsagutan. "Naririto na ang lahat ng pinuno, mahal na hari."

Lahat kami ay napalingon nang malawak na bumukas ang pintuan ng palasyo. Mabilis at matitikas na pumasok doon ang nagpipitagang kalalakihan bitbit ang kanilang nakakatakot na armas. Ngunit isang lalaki ang nakakuha ng aking atensyon. Kumalabog nang higit pa sa doble ang aking puso habang mariing tinititigan ang pamilyar na mukhang iyon.

Napasinghap ako at napatakip sa aking bibig, muling tumulo ang luha sa aking mga mata nang muling masilayan ang kaniyang hitsura. Bumagsak sa akin ang kaniyang mga mata, at sa sandaling iyon ay tila huminto ang oras.

He's... a chevalier now. Not only a chevalier but... the Chief Chevalier!

Her Wings (PSS, #2) ✔️Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon