Chapter 40: Reminiscing
Malamlam ang umaga. Malamig pa rin at patuloy ang pagbagsakan ng maliliit na yelo sa aming kaharian. Nabalot na ng mga niyebe ang bawat sulok ng lugar; tanging ang loob na lamang ng palasyo ang hindi naaapektuhan. Maganda ang unang gabi ng taglamig, ngunit habang tumatagal ay hindi na rin ito ganoong nakakatuwa. Minsan ay lumulubog na ang aming mga paa sa yelo at hindi rin biro ang simoy ng hangin ngayong taon. Animo ay may pinalamig ang hangin sa isang mahiwagang paraan.
Hindi na nga bumabalik si Ezekiel. Nagkasundo-sundo na rin kaming magkakapatid, maliban sa amin ni Phia na hindi pa rin magaan ang hangin sa pagitan. Nagsisimula na rin akong magtaka sa ugali niya; hindi siya ang Sophia na kilala ko noon. Ibang-iba na siya ngayon. Hindi ko masasabing nagmamature siya kaya siya nagkakaganoon.
Nasisiguro kong may ibang dahilan, at simula ko iyong napansin nang minsan kaming mag-away at nag-iba ang kulay ng kaniyang mga mata. Tila siya nawawala sa kaniyang sarili kapag nangyayari iyon. Ngunit hindi ko rin masabi nang tiyakan dahil maski ako ay nag-iiba rin daw ang kulay ng mga mata sa tuwing ginagamit ko ang aking abilidad. Una itong napuna ni Ezekiel noong gabing magkasama kami.
Nalilito na rin ako; hindi ko na alam kung ano ang pwede kong gawin upang magkasundo kami ni Phia. Maliban dito ay nag-aalala na rin ako dahil hindi na talaga bumabalik si Ezekiel. Hinahanap-hanap ko ang kaniyang presensya. Ang bilis kong nasanay na nariyan siya, tuloy ay nangangapa ako ngayong hindi na siya rito napapadpad.
"O-oh?" gulat kong tanong nang makasalubong si Philip sa hagdan. Kakalabas ko lang ng aking silid, sakto namang dumating si Philip at siguro ay tutungo na naman siya sa Terrace.
"Terrace?"
Nakakapansin na rin ako sa isang ito. Hindi naman ito noon tumatambay sa terasa, ni hindi nga ito nadako sa silid ko noon nang madalas. Simula nang unang gabi ng taglamig hanggang ngayon ay paulit-ulit na itong bumabalik.
"Philip, napapadalas ata ang pagbisita mo rito ha," tanong ko.
"N-not really," depensa niya at umayos ng tayo. Halata mong nagulat rin nang magkasalubong kami. "I- I'm just..."
"You are waiting for someone, aren't you?" nangingisi kong tanong.
Nag-iwas naman siya ng paningin. "N-No! Actually, I was just... uh—"
"N-No! A-actually," panggagaya ko na animo ay inaasar siya. Napangisi ako. "Huwag mo akong dahilanan, Philip. Alam kong may hinihintay ka."
"Fine!" maktol niya at hinarap ako. "I looked for her all over this damn palace! I couldn't find her."
"So you are looking for a she..." pang-aasar ko. "A she..."
"Whatever."
I crossed my arms and blocked his way. "Would you tell me her name?"
"No."
"I guess her name is..." sandali kunwari akong nag-isip, "Aubrey?"
Ganoon na lamang kabilis na namula ang mukha ni Philip, maging ang kaniyang tainga ay nadamay na rin. Ganito pala kiligin ang mga lalaki; hindi kaagad nakakapagsalita. Pakiramdam ko ay gusto na akong hampasin nitong si Philip, ang kaso ay hindi niya lang magawa.
"How did you know?" gulantang niyang tanong at saka hinawakan ako sa braso. "Kilala mo ba siya? Dito siya galing nang gabing iyon. She said she's a servant here yet I couldn't find her! Kilala mo siya, Emerald. Sabihin mo sa akin kung nasaan siya."
"Wo-woi!" saway ko nang yugyugin niya ako nang husto. "Ano ba, Philip!"
Nahinto naman siya nang mapagtanto ang kaniyang ginawa. "Sorry."
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart.
