EmJaei helloooo! :)
* * *
This is a work of FICTION. Names, characters, places, and incidents are either product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events or locales is entirely coincidental.
Please DO NOT copy, distribute, publish on any websites without the author's permission.
Thank you!
* * *
Kabanata 1
Tristan
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng Villa Academy at iniisip ang plot ng ginagawa kong story. Ewan ko ba, these days di ako dalawin ng scenes. Ang hirap tuloy sundan yung huling kabanata na naisulat ko. Kailangan ko na rin kasing tapusin yun dahil alam kong mas magiging busy na ako sa college life ko. Being a first year college isn't a joke. I should really study in here dahil di hamak na scholar lang ako rito, kumbaga sabit, unwanted.
Sa sobrang engrossed ko sa pag iisip ay hindi ko napansin na pader na pala ang nasa harapan ko.
"Aray!" utas ko ng mauntog ang buong mukha ko sa pader, pati ang nguso ko nakatikim ng first kiss, walang 'ya!
"Masaya ba makipag-kiss sa pader?"
Marahas akong napalingon sa lalaking nasa likuran ko. Agad nag-init ang mukha ko ng makita ang lalaking nagsalita at nakakita exclusively ng ka-shunga-han ko. Nakasandal sya sa railings habang nakatingin sakin ang kulay-tsokolate niyang mga mata. Nakataaas din ang isang gilid ng kanyang labi na parang lihim na akong pinagtatawanan sa loob-loob niya. Argh! Bwisit!
Ibinaba ko ang tingin sa suot niyang black jacket at jeans na may butas sa tuhod. Natural na magulo ang kanyang it na buhok na tila ilang beses pinasadahan ng kanyang daliri. Kumikinang din sa sikat ng araw ang itim niyang piercing sa kaliwang tainga na mas lalong nagpalitaw ng kagwapuhan niya.
"So, how I look? Do I look drop-dead gorgeous into your eyes, miss?" Mapanuksong utas niya na mas lalong nagpainit ng mukha ko. Inangat kong muli ang tingin sa gwapong mukha niya na parang isang obra maestra ng isang sculptor.
Yuck! What the hell am I saying?
Nagsalubong ang kilay ko sa hanging dala niya. Nuknukan naman pala ng kayabangan ito eh. Di bale na, aanhin mo pa ang kagwapuhan kung puro yabang lang!
"Do you want to get dropped in here and be dead?" inis na bawi ko sa kanya at binigyan pa siya ng aking signature death glare.
Nakita ko kung paano nagsalubong ang perpekto niyang mga kilay pero tumaas din lalo ang pagkakangisi ng kanyang labi.
"Don't you know me?" Utas niya sa akin at sinuksok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang jacket.
Shit! Gusto kong mag-iwas ng tingin dahil ang hot niya habang nakasandal sa railings at nakatitig sa akin ang kulay-tsokolate niyang mata habang nililipad-lipad pa ng hangin ang kanyang buhok pero tila na-magnet na yata ang mata ko sa kanya kaya di ko magawang mag-iwas ng tingin. Damn. He's really drop-dead gorgeous regardless of his attitude. But still he is the type of guy that should be avoided. He's too dangerous to hold.
"Bakit? Kailangan bang kilala kita?" mas iritadong wika ko dahil ang yabang niya talaga. Bwisit na lalaking 'to. Porke ba mayaman siya kailangan kilala ko siya?
"Hindi mo alam ang binabangga mo, babae," may accent na utas niya saka umalis sa pagkakasandal sa railings at tinalikuran ako.
"Pader yung binabangga ko, stupid!" inis na utas ko habang naglalakad siya palayo. Letse. Panira ng araw! Ang gwapo pa naman sana. Kung mabait lang siya sa akin, edi sana crush ko na siya. Kaso hindi eh. Tss.
BINABASA MO ANG
Twisted
أدب المراهقينFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...