wine

421 19 31
                                    

(unedited)


Kabanata 16

wine


"Anong ginagawa mo rito?!" mataas ang tinig na utas ko. Hindi ko inaasahang nandito siya. Kaya nga ako pumunta sa CR para iwasan siya ngunit heto siya ngayon sa harapan ko...

Wala na akong kawala.


"I'm waiting for you.." utas niya na nagpatigil sa akin. 

"H-huh?" Naguguluhang utas ko. Mali lang ba ako ng dinig?


"B-bakit mo naman ako hinihintay?" nagtatakang utas ko sa kanya at akmang uunahan na siya sa paglalakad ngunit agad niya akong pinigilan sa braso. Napatiim-bagang ako at piniglas ang braso ko ng makaramdaman ng kakaibang sensasyon sa pagkakadikit ng balat namin.


"About what you saw earlier--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad umiling.

"We don't need to talk about that, please," matigas ang tinig na utas ko at humakbang na ngunit bigla niya akong sinandal sa malamig na dingding sa tabi ng pintuan ng comfort room. 

"We need to talk about it." may diin ring utas nya pabalik. Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinigilan ang sariling magtaas ng tinig sa kanya. Gusto kong sigawan siya pero hindi ko magawa. Nanghihina ako sa bawat lalim ng kanyang tingin.


"You don't have to tell me, I understand," utas ko at tinikom nang mariin ang aking bibig.


Frustrated niyang hinagod ang kanyang buhok. "Jakirah." tawag niya sa akin na tila ba gusto niya akong mapasunod sa kanya. Puno iyon ng tigas at awtoridad.

"Baka hinahanap na nila tayo," pag iwas ko at kumalas sa pagkaka-trap niya sa akin. Narinig ko ang sumusukong buntong-hininga niya.

That's right, brother. I'm as hard-headed as you are.

Deretso ang lakad ko pabalik sa studio room. Agad akong sinalubong nina Kate habang kwento ng kwento ng nakakatawang childhood memories nina Nadine at Cade. Naaliw ako sandali sa mga kwento nila kaya't nakalimutan ko ang lahat. Pinipilit ko na lang di pansinin ang mga pares ng matang nakatitig sa akin.


"Tara sa rooftop!" aya ni Cade at itinaas ang dala-dalang wine.

Kaya pala siya nawala ay dahil kumuha ng wine. Sa likod niya si Tristan na may hawak ding ibang foreign brand ng wine. 

"May class pa tayo bukas diba," nakangusong utas ni Kasey, nag aalangang inikot ang tingin sa bawat isa sa amin.


"It's okay, Kasey, di tayo papakalasing masyado. And it's wine lang naman," nakangiting utas ni  Kate sa kanya.

"Oo nga! Dali na, girls!" nakangising pag anyaya ni Cade. Wala kaming nagawa kundi umakyat na sa rooftop nina Cade. Napayakap ako sa aking sarili ng humangin nang malakas. Ang sarap ng malamig na hangin na humahagod sa aking balat.


"It's cold in here!" ani Kate at tulad ko ay niyakap din ang kanyang sarili. Napaiwas ako ng aking tingin ng hubarin ni Tristan ang gray niyang jacket at iyakap sa katawan ni Kate. Sweet.


"Nilalamig ka?" Napaigtad ako ng marinig ang malamig na tinig na iyon. Napaangat ako ng tingin kay Niccolo na di ko napansing nasa tabi ko na pala.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon