(unedited)
-
Kabanata 23
marka
"Is Red courting you?" Halos mabilaukan ako ng marinig ang deretsang tanong na iyon ni Nadine. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa cafeteria dahil break time. Hindi sumabay sa amin ang The Curse dahil busy sila sa puspusang practice. Malapit na kasi ang Intramurals at magpe-perform sila sa mismong gabi ng Intrams. Hindi iyon basta-basta performance lang dahil maraming estudyante ang nag request na gawin itong pa-band concert. Kaya't talagang puspusan ang paghahanda nila para sa gabing iyon.
Tila ako natuklaw ng ahas dahil sa tanong sa akin ni Nadine. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot.
Nanunudyo naman ang tingin at ngiti nina Kasey at Kate.
"O-Oo?" ani ko at nag init ang pisngi.
Humagalpak ng tawa si Nadine at uminom sa kanyang iced tea. Gusto ko na lang magpakain ngayon sa lupa!
"Why do you feel so embarrassed about it?" natatawa na ring utas ni Kate at pinagpatuloy ang naantalang pagkain dahil sa pagsalang sa akin ni Nadine sa hot seat.
"E-ewan..." ani ko at napabuga ng hangin.
"You should treasure him, Jaki...I remember when he loved that girl once..." utas sa akin ni Nadine kaya nalipat ang buong atensyon ko sa kanya.
"Iyon ba yung first love nya?" curious na tanong ko sa kanya.
Tumango ito at ngumiti. "He can't forget her, you know..." anito at tumingin sa kawalan.
Mukhang sobrang minahal ni Red ang babaeng iyon. I wonder who she is...
"But don't think about her. Nakalimutan naman na niya si Red." ani Nadine at umiling-iling.
Tumango ako at nagpatuloy na lang sa pagkain habang lumilipad pa rin ang aking isip tungkol sa babaeng tinutukoy nina Niccolo at Nadine. Dalawang tao na na malapit kay Red ang nagsasabi sa akin ng tungkol sa first love ni Red na siyang nakalimot sa kanya. I don't get it...why did she forget about him?
Lumipas ang mga araw at mas naging busy kami dahil patapos na ang semester. Malapit na ang final exams at puspusan ang review namin. Sumabay pa ang darating na intrams dahil bukod sa academics na iniisip namin ay dumagdag pa ang mga clubs at extra-curricular activities.
Sa klase na lang kami nagkikita ni Red. Minsan pa ay magkaiba kami ng pinagtutuunan ng pansin dahil busy nga siya sa kanilang practice sa banda habang ako nama ay busy sa sinalihan kong club. At dahil nga scholar din ako ay tumutulong ako sa mga paperworks ng administration.
Nananakit na ang mga mata ko habang nakatutok sa computer dito sa admin office. Wala akong kasama ngayon dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang mga professor dahil nga sa nalalapit na intrams. Napabuga ako ng hangin at pabagsak na sinandal ang aking likod sa may upuan.
Magda-dalawang oras na akong nagta-type ng kung anu-ano rito. Sumasakit at pumipintig na ang ulo ko.
Pinikit ko muna saglit ang aking mga mata para makakuha ng kaunting pahinga. Narinig ko ang pag-ingit ng pinto sa admin's office kaya alam kong mayroong pumasok. Hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka professor lang na may nakalimutan or something.
"You're tired." Napaigtad ako nang marinig ang malalim na tinig na iyon. Marahas kong naidilat ang aking mga mata at agad dumeretso sa lalaking nakasandal sa malapit na table. Nag init ang pisngi ko ng masalubong ang kulay tsokolate niyang mga mata. Kumislap iyon ng magtama ang aming tingin.
BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...