binibini

688 35 12
                                    

Kabanata 4

binibini

"Hindi ako tumatanggap ng simpleng 'thank you'," aniya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. "Ano?" utas ko sa kanya.

Isinuksok niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng jacket niya habang hindi ako hinihiwalayan ng tingin.

"You see, I need someone to accompany me..." utas niya at halatang pinapabitin pa ang bawat salita. Nagsalubong ang kilay ko sa inis.

"Accompany you?" I said, spitting the words in my tongue. What the shit is he thinking?

Tumango siya saka ngumisi. "I want you to come with me sa birthday party ng kaibigan ko."

"What?" natatawang utas ko saka di na napigilang humagalpak ng tawa.

Nakita ko kung paano siya nairita sa pagtawa ko.

"What's so funny, lady?" inis na utas niya kaya lalo akong natawa. Siraulo din pala ito, e! Bakit niya naman ako iimbitahan sa party-ng yon?

Nang matapos ako kakatawa ay tinignan ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin at hindi maipinta ang mukha.

"Hindi mo alam kung anong nakakatawa, mister? You told me not to mess up with you and now, you want me to accompany you in that party?" natatawa pa ring utas ko saka umiling-iling.

"And so? You owe me one and that's my request."

"Pumunta ka mag-isa mo," ani ko saka iniwas na ang tingin sa kanya. I will never attend parties na ang makakasalamuha ko ay pawang mga mayayaman. I don't want to fit myself into their world because I know that it's too impossible. I should just remain on where I am and not cross the line.

"You don't know how to be grateful." utas niya.

"I already said, 'thank you', and I think that's enough. Don't worry, ibabalik ko naman 'tong shirt mo." Matigas  na utas ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Umupo ako sa may sahig at sinandal ang likod ko sa malamig na dingding. Inaantok na ako at hindi ko alam kung kailan kami mapagbubuksan dito.

"You're rude" utas niya saka hindi na nagsalita. Ginaya niya yung ginawa ko pero magkalayo kaming dalawa. Para kaming takot sa isa't isa.

"Mas rude ka," bawi ko at ipinikit ang mga mata.

"Don't talk to me," masungit na utas niya na tinawanan ko lang.

"Ikaw kaya nakikipag-usap!" Natatawang utas ko saka tumingin sa kawalan.

Nakabibinging katahimikan ang namayani. Hindi ko alam kung anong oras  na o kung ano na ang nangyayari sa labas. Tila ba kami lang dalawa ang nasa mundo. Napabuntong-hininga ako ng maalala si tita. Talagang dapat na akong maghanda sa walang katapusang sermon niya.

"What are you thinking?" pagbasag ni hambog sa pagmumuni muni ko. Di ko na natiis ang sarili at nilingon siya. Nakatingin din siya sa gawi ko habang nakasandal ang kanyang ulo sa pader. Sa di ko malamang dahilan ay may mga paru-parong nagsisiliparan ngayon sa tiyan ko.

"Madaldal ka rin, ano?" ani ko.

"Ang boring. Ayokong mabaliw tulad mo na nakatulala na lang," pang aasar niya sa kin pero hindi ko  na lang pinatulan.

"Tss." utas ko saka iniwas na ang tingin sa kanya.

"Iniisip ko si mama at papa..." Hindi ko alam kung bakit ko yun biglang naibulalas. It just came out naturally. Na parang it's okay to  tell him. Na I can count on him kaya ang sa.a agad ng una naming pagkikita.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon