(unedited)
\
Kabanata 18
tough night
Nagising ako dahil sa ingay sa ibaba. Naghikab ako at kahit hindi pa gaanong naimumulat ang mga mata ay chineck ko ang aking phone na nasa bedside table. Nag init ang aking pisngi at nagising ang aking diwa ng makita ang text ni Red.
From: Red
Good morning. Had a well sleep? ;)
Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag isip kung re-reply-an ba siya pero in-exit ko na lang ang kanyang message at binasa pa ang iilang message galing kina Tristan, Kate, Nadine at Kasey. Halos lahat sila ay pinaaalaahanan ako tungkol sa party.
Nagdesisyon ako na maligo na upang tumulong sa Coffee Bean, tutal mamayang hapon pa naman ang birthday party ni Kate. Nakabili na rin ako ng regalo kahapon ng samahan ako ni Red na bumili ng gown. Siya lahat ang nagbayad at ang kanyang credit card pa talaga ang ginamit. Hindi ko alam kung paano ko tuloy siya babayaran dahil libo-libo ang winaldas niyang pera. Nag init ang pisngi ko ng maalala ang nangyari kagabi.
Bumaba na ako makalipas ang ilang minuto. Natigilan ako ng makita sina Kate na nakaupo sa isang table na naroon at nakikipag tawanan kay tita!
"Kate!" di makapaniwalang utas ko. Napaangat sila ng tingin sa akin at napatigil sa kung anong pinagkukwentuhan nila.
"Hi, Jakirah!" masayang bati ni Kate maging ni Nadine. Kumaway naman sa akin si Kasey.
"A-anong ginagawa nyo rito?" utas ko habang pinupukol sila ng nagtatakang tingin.
"Buti naman gising ka na Jakirah. Kanina pa sila rito. Buti na lang at di ko naisipang magbukas ng coffeeshop dahil nga naisip ko na ayusan kita pero heto at sinusundo ka nila.." utas ni tita sa akin.
Nagtataka ko silang tinignan. "Make-over!" nakangiting utas ni Nadine na tila pinaka-excited sa lahat.
Napaawang ang bibig ko at nagpaalam muna sa kanila para magpalit ng pang-alis. Come to think of it, halos lahat sila ang gumagastos para sakin...ang hirap ng may kaibigang mayayaman.
"Deretso na ba kayo roon, girls?" tila kasing-edad naming utas ni tita. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"No, tita, Iuuwi muna namin si Jaki ng may full make-up na," ani Kasey na ikinatango ni tita.
"Ingat kayo, girls!" narinig ko pang utas ni tita ng ihatid kami sa may gate. Kumaway lang kami sa kanya.
"You're tita is the best! How old is she?" usisa sa akin ni Kasey na katabi ko ngayon sa backseat. Nasa front seat si Kate habang nasa backseat sa gilid si Nadine.
"She's 35 I think," ani ko.
"Wala pa siyang husband? She seems cool," ani naman Kate.
"Wala pa..." ani ko. Actually hindi nagkukwento sa akin si tita tungkol sa buhay pag-ibig niya. I also thought that she has a tragic love story.
Nag switch ang topic sa kung gaano na ka-excited ang lahat sa party ni Kate. Ako rin naman excited dahil sa waka ay mag-e-eighteen na ito at alam kong masaya ang party niya pero hindi ko ring maiwasang hindi kabahan. Puros mayayaman ang mga bisita niya mamaya, feeling ko ay basura lang ako roon.

BINABASA MO ANG
Twisted
Novela JuvenilFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...