(unedited)
Kabanata 25
skirt
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakalimutan ko nga palang magpaalam sa kanila dahil abala sila kanina. Buong akala ko kasi ay makababalik din agad ako sa court ngunit tumagal pala kami ni Chaser ng ilang oras. Nag init ang pisngi ko nang marinig ang sinabi ni Cade.
"S-sinamahan ko lang siyang umikot sa Villa Academy," paliwanag ko at napatingin muli kay Red. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Galit ba siya?
"Yes..." sang ayun sa akin ni Chaser na lihim kong pinagpasalamat.
"What's your name?" tanong ni Tristan kay Chaser.
"I know him. He's Chaser Domino, the only son of Faulker Domino," utas ni Kate habang nakatingin kay Chaser. Napasinghap ako sa narinig mula kay Kate at napaangat ng tingin kay Chaser na napangiwi.
Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang buhok at tumingin din sa akin.
"I didn't mean to hide that, Jaki..." utas niya sa akin.
Grabe! Anak siya ng may-ari ng school nila! Tapos sinabi niya sa akin kanina na mas maganda ang Villa Academy! Damn so funny...
"Tara na, baka mag umpisa na ng concert.." malamig ang tinig ni Red na nagpaalis ng tingin ko sa mukha ni Chaser. Nakatingin siya iba. Hindi ko alam. Di ko mahagilap ang tingin niya. Nakaramdam ako ng lamig sa aking tiyan.
"Oo nga! Mauna na lang kami, Kate," ani ni Tristan kay Kate na agad tumango at hinalikan ang huli sa may pisngi. Nag iwas ako ng tingin at binalingan si Chaser.
"Di ka pa ba babalik? Baka naiwan ka na ng mga kasama mo," ani ko sa kanya at muling nalipat ang tingin kay Red na tumalikod na.
"Sige mauna na ako, Jaki...thank you uli. sayo na 'to ah," aniya sa akin at matamis na ngumiti, tinutukoy ang doughnuts.
Tumango ako at nagpaalam kina Kate na ihahatid ko si Chaser hanggang sa gate. Hindi ko maiwas ang tingin sa matipunong likod ni Red na nasa di-kalayuan. Bakit ang lamig nyya?
Napabuga ako ng hangin at pilit siyang iwinaksi sa aking isipan. "Bye, Jaki! Salamat ulit..." untag ni Chaser. Hindi ko napansin na nasa gate na pala kami. Tumango lang ako at kinawayan siya hanggang sa mawala siya sa aking paningin.
Alas-siete na nag umpisa ang band concert nila Red. Mabuti na lang at kasama ko sina Kate kaya naging madali ang pagpasok namin at pagpwesto sa may harapan. Naka-ayos na ang lahat maging ang set up ng kanilang mga gamit.
Sila na lang ang kulang.
Halos mabasag ang aking eardrums ng umakyat na sa stage ang apat. Pakiramdam ko ay mabibingi na ako anumang oras mula ngayon.
"Good evening," nagtaasan ang balahibo ko nang bumati siya gamit ang kanyang malamig na tinig. Hanggang ngayon ay naka-poker face lang siya. Nakakainis. Sanay akong may nakakapanindig balahibong ngisi sa kanyang labi.
Nakapwesto na si Cade sa drums, si Niccolo sa keyboard at si Tristan sa gitara. Siya rin ay may nakasabit na gitara sa kanyang balikat.
MAdilim ang paligid at tanging iyong lights lang ang nagpapailaw sa gabi. Hiniling ang katahimikan para mag umpisa na ang banda.
Gusto kong tumingin siya sa direksyon ko. Gusto kong tuparin niya ang sinabi niyang panonoorin niya ako buong gabi pero fuck bakit ang layo-layo ng tingin mo?

BINABASA MO ANG
Twisted
Fiksi RemajaFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...