(unedited)
-
Kabanata 26
home
Matapos ang intrams ay balik sa dati ang lahat. Naging abala kami sa darating na exams. Kung noong nakaraan ay subsob kami sa preparasyon para sa Intramurals, ngayon naman ay subsob kami sa pag-aaral.
Mula rin nang matapos ang Intrams ay mas ginanahan sa pag-aaral si Red, nakikisabay siya sa akin sa pag-aaral sa library maging sa group study namin nina Kate.
Tulad na lang ngayon...
"Look at the book, not my face," mataray na utas ko sa kanya habang ako ay nakatitig sa statement na aking paulit-ulit na binabasa. Hindi ako makapag-concentrate dahil ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. Kanina niya pa ako pinapanood.
Nag-inat siya at sumandal sa kanyang kinauupuan. Nandito kami ngayon malapit sa soccer field. Katabi ng soccer field ang mini park ng school. May mga benches at tables dito kung saan pwedeng mag-aral ang mga estudyante. Ito yung tipo ng area sa Villa Academy na kapag stressed na stressed ka na, pwede kang makakuha ng refuge and comfort.
"Kanina pa tayo nagsasagot..." nakangusong utas niya sa akin at saka nangalumbaba sa harapan ko. Pinag taasan ko siya ng kilay.
"So?" utas ko at muling nagbaba ng tingin sa binabasa.
"Nagugutom na ako..." ungot niya sa akin na parang bata. Muli akong nag-angat ng tingin, pinipigilan ang ngiti.
"Kumain ka." utas ko at piniling wag na siyang pansinin,
Napabuga siya ng hangin. Gusto ko siyang tignan uli pero pakiramdam ko ay matatawa na ako pag ginagawa iyon.
Ilang minuto pa ay nakalimutan ko na ang pang-uungot niya dahil na-engrossed ako sa sinasagutan. Saka ko lang siya naalala ng matapos kong sagutan ang nasa libro. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakitang nakasimangot siya habang nakatitig sa akin.
Gusto kong matawa sa hitsura niya ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
"Oh? Akala ko ba nagugutom ka? Di ka bumili?" usisa ko sa kanya at nilapag ang aking ballpen.
"Ayoko na." utas niya.
"Huh? Bakit?" naguguluhang utas ko sa kanya.
"Hintayin na lang kita," utas nito at kampanteng sumandal sa upuan.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at umiling. "Tara na nga," ani ko at inayos na ang aking gamit.
Nagulat ako ng agad siyang tumayo at tinulungan ako sa pagligpit ng gamit ko. Mukhang nagugutom na talaga siya ah. Bakit ayaw niyang bumili?
"Pwede ka namang bumili sa cafeteria kanina..." utas ko sa kanya nang naglalakad na kami papunta sa cafeteria.
Ngumuso siya at umirap sa kawalan. "Ayaw kong iwan ka roon," aniya habang nakatingin sa mga nadadaanan naming matatayog na puno. Malamig ang simoy ng hangin sa bandang ito ng V.A. at hindi maaraw dahil nga sa mga matatayog na mga puno.
"Kaya ko naman sarili ko," utas ko at di na napigilan ang ngiti.
Simula nang mangyari ang nangyari sa amin kinagabihan ng Intrams ay mas naging close kami. Hindi ko alam kung anong tawag dito...ayokong pangalanan. Gusto ko munang mag-go with the flow. Ayoko munang isipin ang dapat isipin. Selfish na kung selfish pero gusto kong piliin ang happiness ko...

BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...