someday

628 27 20
                                    

Kabanata 6

Someday

Naglalakad ako papuntang Villa Academy ng biglang may tumigil na mamahaling sasakyan sa harapan ko. Napatigil ako sa paglalakad at hinintay na ibaba ng kung sinuman ang windshield ng kanyang sasakyan.

"Get in," utas ni Red ng maibaba na niya ang windshield ng kanyang sasakyan. Agad nagsalubong ang kilay ko.

"No thanks, kaunting lakad na lang naman para makapasok eh," ani ko. Ano ako bale? Bakit naman ako sasakay sa kotse niya?

Nilagpasan ko ang kotse niyang nakaharang sa daan at mas lalo pang binilisan ang paglalakad. Bakit niya ba ko pineperwisyo? Mas okay pa noong wala kaming pansinan sa isa't isa.

Nakarating na rin ako sa VA nang matiwasay. Binati ko ang guard na nandoon at masayang pinagmasdan ang school grounds. Ang payapa ng paligid ngayon araw. Para bang walang makakasira ng araw ko ngayon.

"Hey, jr!" napatigil ako sa paglalakad ng may umakbay sa akin. Napaangat ako ng tingin sa nakangiti at gwapong mukha ni Tristan. Lalo siyang gumwapo ng masinagan ng araw ang kanyang mukha.

Napangiti ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad habang nakaakbay pa rin siya sa akin. Matangkad si Tris. Hanggang leeg niya lamang ako sa sobrang tangkad niya na 6'2.

Ramdam ko ang usyusong tingin ng mga kababaihang nakakasalubong namin pero si Tristan ay deretso lang ang tingin sa dinadaanan namin at hindi batid ang mga yon. Napailing iling ako. Pare-parehas talaga silang magkakaibigan.

"Hello! Good morning!" masayang bati ni Tristan ng makarating kami sa inookupa naming classroom. Halos lahat ay napatingin sa amin pati na rin sina Niccolo at Cade na nag uusap na sa kanilang upuan. Nakanganga naman ang mga girls habang pinagmamasdan kami habang ang iba ay masama na agad ang tingin sa akin. Nag kibit balikat na lang ako at di na sila pinansin. As if naman ako ang nag-initiate na akbayan ako ni Tristan. Hindi naman.

"Uy, Jr, after class, hop in ka sa car ko ah," nakangiting utas niya sa akin ng makapasok na kami at naglalakad na sa kanya-kanyang upuan. Ngumiti ako at tumango. Hindi na ako nag abala pang magtanong dahil nakarating na ako sa upuan namin nina Kate. Wala rin naman kasi akong gagawin mamaya so it's fine.

"Hey, are you two..." agad usisa sa akin ni Nadine ng makasayad ang pwet ko sa upuan. Natawa ako dahil para rin silang mga babae ng The Curse kung mag usisa.

Sinadya niyang ibitin ang mga salita saka iginalaw ang kanyang on fleek na kilay, tila sinasabi sa akin na 'spill the beans'.

Isa-isa kong tinignan ang mga mukha nila. Hinihintay nilang tatlo ang sagot ko at kahit si Kasey na laging inaatupag ang pag-s-sketch ay nakatoon ngayon ang atensyon sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "We're just friends." sa wakas ay naibulalas ko ng matahimik at magtigil na sila.

Napataas ng kilay si Nadine habang si Kate naman ay nagpakawala ng buntong-hininga. Si Kasey ay ngumuso at muling ibinalik ang atensyon sa pags-sketch ng mga damit. Di ko na naiwasang mapailing iling at hinayaan na sila sa kung ano ang iisipin nila. Basta ako sinabi ko na ang totoo.

Nilabas ko na lang ang laptop ko at nagsimulang basahin ang huling sulat ko sa aking ginagawang istorya.

"You sure?" untag ng may pagdududang utas ni Nadine. Nalipat ang atensyon ko sa kanya at nakitang di pa rin sila kumbinsido sa sagot ko. Napangiti ako sa reaksyon nila. Nanatili si Kasey sa pag sketch pero alam kong nakikinig siya.

"Oo nga." ani ko.

"Eh bakit may pag hop in later sa kotse niya?" nakangusong utas ni Kate.

Nakita ko na siniko ni Nadine si Kate kaya agad nag iwas ng tingin si Kate. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil may naaamoy akong something pero hindi na lang nagtanong pa.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon