best friend

163 9 1
                                    

(Unedited)

i am doing the best i can to revise every chapter as fast as i can! so here comes the unedited. Pls bear with me, i have lots of stuffs to do & revising this is very difficult to me though i find this scheme very relaxing & i really love it. thank you for understanding. x

* * *

Kabanata 8

Best friend

"Tita, alis na po ko!" Nagmamadaling paalam ko at hindi na siya sinilip doon sa loob ng Coffee Bean ay deretso na akong bumaba at lumabas ng gate. Lakad takbo ang ginagawa ko habang inaayos ang pagkakasukbit ng backpack ko sa aking balikat.

Puyat ako. At nag overslept ako kaya ngayon ay nagmamadali akong pumasok sa V.A. Nahirapan akong matulog kahit physically drained na ako. Ewan ko ba! Bwisit na bwisit talaga ako sa antipatikong Red na 'yon! For his information, siya lang ang mapupunta sa hell! Mabait kaya ako!

Agad akong pumara ng bus saka nag struggle sa paghanap ng mauupuan. Lihim akong napamura ng 'shit' ng muntikan pa akong matalisod dahil sa dami ng bagaheng dala ng isang manang na malapit sa pintuan.

"Dahan dahan naman, ineng!" Masungit na utas niya sa akin.

"Sorry po," nakangiwing paghingi ko ng paumanhin kahit na nakabalandra lang din ang mga bagahe niya.

Mabuti na lang ay may isa pang upuan na malapit sa bintana. Umupo na ako roon at sumandal.

Sinipat ko ang relong pambisig ko at napailing iling. Ten minutes na lang at late na ako. Hindi pa ako gaanong nakaligo nang maayos dahil sa pagmamadali kaya sala-salabit ang mahaba kong buhok. Sinuklay ko ito gamit ang mga daliri ko pero naglalagas ito at dumidikit sa daliri ko kaya nairita lang ako. Mamaya makalbo pa ko rito ng wala sa oras!

Napabuntong hininga na lang ako at nagbasa ng libro tungkol sa lesson mamaya. Kung mali-late man ako, kailangang handa ako sa mga atake ng prof namin. Ayokong mapahiya sa buong klase.

Nang sa wakas ay dumating din sa destinasyon ay agad akong bumaba ng bus at nagpasalamat. Talagang tumakbo na ako papasok. Nairita pa ako sa security guard ng harangin ako upang i-swipe yung I.D. card ko. Ang bagal bagal pa kumilos ni manong!

"Nako! Late ka na iha." nakangising asar niya sa akin habang sinu swipe niya yung id ko.

"Late na nga po ko, kuya, pero ang bagal nyo pa po," nakangiting utas ko na puno ng sarcasm.

Napahalakhak ang guard at napailing iling.

"Ingat, baka madapa!" pahabol niya ng ibigay sa akin ang card. Kumaway lang ako sa kanya at agad tumakbo.

Nasabi ko na ba kung gaano kalawak ang school grounds bago makarating sa bawat departments?

Sobrang lawak.

Hingal na hingal na ako ng makarating sa 4th floor kung saan ang room ng subject prof ko ngayong alas-syete ng umaga.

Nararamdaman ko na ang galit kong mga alaga sa tiyan dahil di man lang ako kumain ng almusal pero inignora ko lang yon at marahang kumatok sa pinto ng room saka iyon binuksan.

Natigilan ako ng makitang walang tao...

"Jr!" napaigtad ako ng may umakbay sa akin mula sa likuran. Marahas akong napalingon sa nakangiting mukha ni Tristan.

Agad akong nakahinga nang maluwag ng makita siya. Tatanungin ko na sana siya kung nasaan na sila ng may magsalitang muli.

"Hey, Ms. Waitress!" ang mapang asar na boses ni Cade mula sa likuran ko kasabay noon ang paggulo niya sa buhok ko.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon