(unedited) late UD 'cuz i've been so busy! : )
Kabanata 40
happier
Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na 'to. Tila ako nauupos na kandila sa mga sinasambit niya. Ang sakit-sakit na makita siyang nagmamakaawa sa akin nang ganyan. Ang sakit-sakit na makitang nasasaktan siya ng sobra dahil sa akin. Dahil lang hindi ko masabi sa kanya ang totoo.
I can't just tell him the truth because it will probably open old wounds buried from the past. It was all just a history. It should not be brought up ever again.
Napayuko ako dahil hindi ko matagalan ang mga mata niyang iyon. Tila ako natutunaw...tila gusto ko na lang talikuran ang lahat at yakapin siya nang mahigpit hanggang sa 'di siya makawala.
"Accept me again, p-please... come b-back..." nangangatal na utas niya sa akin ngunit hindi na ako muling nag angat sa kanya ng tingin. I can't afford to see him in that kind of situation. Halos lahat ng babae sa V.A. gagawin ang lahat mapalingon man lang sa kanila si Red. Halos lahat nangangarap na mahalin ng isang tulad niya...pero bakit siya lumuluhod sa harapan ko ngayon? Bakit ako pa? Bakit?
Sumisikip na ang dibdib ko habang naririnig ang pagsinghot niya. Shit...shit!
"A-aalis na 'ko.." utas ko at akmang tatalikuran na sana siya nang bigla niyang hulihin ang kamay ko.
Napalingon ako sa mukha niya. Tuyo na ang mga luha sa kanyang pisngi ngunit namumula pa rin ang ilong niya. "I-Ihahatid na kita..." utas niya at tumayo.
Naaawa ako sa kanya sa totoo lang. Ang bigat bigat ng dibdib ko isipin palang na sobra siyang nahihirapan ngayon. Lalo na siguro kung malaman niya pa ang totoo.
"K-Kaya ko na mag-isa," pagpupumilit ko at ipipiksi na sana ang braso ko para mabitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Hindi ko inasahan ang ginawa niya kaya napayakap ako sa matigas niyang katawan. Natigilan ako sa sobrang pagkabigla lalo na nang maramdaman ang dahan-dahang pagyakap niya sa aking baywang.
"I never loved anyone, Jakirah....you are the only one," paos ang tinig na utas niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko habang nag umpisa na namang mag-init ang gilid ng mga mata ko. Paano ko ba magagawang itaboy siya palayo kung sa paulit-ulit na pagtulak ko ay hihilahi at ikukulong niya uli ako nang paulit-ulit sa bisig niya?
Bakit kahit na paulit-ulit ko siyang saktan ay hinihila niya pa rin ako pabalik?
"R-Red don't do this please..." nanghihinang utas ko at pinilit na huwag pumatak ang mga luha.
Sobrang hirap na itulak siya palayo kung kabaliktaran no'n ang sinasabi ng aking puso. Sobrang hirap na makita syang nahihirapan at nasasaktan dahil sa akin...
"J-Just let me do this..." bulong niya na kinakagat ko sa aking ibabang labi. He seems calm now...

BINABASA MO ANG
Twisted
Novela JuvenilFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...