everything

429 21 11
                                    


Kabanata 17

everything


Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Paulit ulit bumabalik sa balintataw ko ang halikan namin ni Red. Pero ang mas nagpangamba sa akin ang isiping kapatid ko siya..


Mabilis na lumipas ang mga araw. Kinabukasan kaagad ang birthday party ni Kate at wala pa akong susuotin!

Busy ako sa pagsagot sa mga homeworks ngayong araw. Balak ko sanang tapusin na rito sa school ang mga homeworks para makahanap na ako ng susuotin para bukas. Bumalik sa normal ang pagiging estudyante ko rito sa Villa Academy ng i-announce ni Red na kung sino ang mambully ulit sa akin ay siya ang makakalaban--- maging ang grupo nilang The Curse. Kapag naaalala ko iyon ay di ko maiwasang makaramdaman ng mainit na haplos sa aking puso. Mula rin ng mangyari ang kiss namin ni Red ay mas naging malapit siya sa akin. Hindi kami close pero siya ang pilit nang pilit. Napabuga ako ng hangin habang ina-analyze ang problem sa may libro.

"Ang boring," hindi ko na yata mabilang kung pang ilang beses ko ng narinig yan mula sa kanya. Nag angat ako ng tingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit ka ba kasi nagpaiwan dito? Sinabi ko bang samahan mo ko?" iritang utas ko. Mas lalo akong nainis ng makita ang pinipigilan niyang ngisi.

"Papasa ka naman kahit di ka na mag-aral," seryoso niyang utas sa akin.

Nagtataka ko siyang tinignan at nagtaas ng isang kilay.

"Hindi ako katulad niyang mayaman," utas ko at nagbaba muli ng tingin sa libro.

"Yayaman ka pa rin pag ako na pinakasalan mo," agad nag init ang pisngi ko at napaangat ng tingin sa kanya.

"Shut the fuck up," nagbabanta ang tinig na utas ko.

Ngumisi lang siya sa akin. damn him. kung alam mo lang..


Muli ko na lang pinagtuunan ng pansin ang mga kailangan kong matapos.

"Kung ako na lang ang tinitignan mo, wag na yang libro...tititigan pa kita pabalik," may bahid ng aliw sa tinig niya. Naiinis kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa. Napahagalpak siya ng tawa.

"Isa pa, Villamor," banta kong muli na sinawalang bahala niya lang.

Ganoon na siya kakulit mula ng gabing iyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga nangyayaring ito. 


Napangiti ako ng matapos ko na rin sa wakas ang mga dapat sagutan. Agad kong niligpit ang mga gamit ko at sinilid ko sa aking bag.

"Ba't ka nagmamadali?" usisa niya sa akin. Hindi ko na lang pinapansin ang mga titig niya dahil habang tumatagal ay nakakasanayan ko na ang mga tingin niya.

Hindi ko na lang siya sinagot at sinukbit na ang aking bag. Diretso na akong lumabas ng room habang nakabuntot pa rin siya. Nag init ang pisngi ko ng mapansin ang masasamang tingin sa akin ng mga babaeng nakakasalubong namin sa hallway.

"Red, may pupuntahan ako, you should just go home," mahinang utas ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay hindi niya talaga ako titigilan.

"Sama na lang ako," aniya at parang bale-walang humikab pa.

Naiinis ko siyang tinignan. "Don't push it. Next time na lang," ani ko. Ayokong makaagaw ng atensyon ngunit napapatingin talaga sa amin ang mga estudyanteng nakakasalubong namin.


Sumimangot siya sa akin. "Ayoko," utas nito na parang bata. Napabuga ako ng hangin. Paano ako niyan makakabili ng gown? Argh! Alangan namang isama ko siya?

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon