can't find home

275 11 0
                                        

(unedited, peeps) sakit! ouch!

-

Kabanata 42

can't find home



He somehow reminds me of someone...


"Red...?" mahina ang tinig na utas ko.


"R-Raki." Hindi-makapaniwalang utas niya habang hindi na maalis ang tingin sa akin.


Raki? Huh?


Naguguluhan ko siyang tinignan at doon ko lang napansin ang mga stubbles sa ilalim ng kanyang baba. Mas matangos ang ilong nito kaysa kay Red at mas matangkad at matipuno ang pangangatawan.


"That name...belongs to my mother," mabagal na utas ko sa lalaking kaharap ko ngayon. He looks older than Red.


Nakita ko ang pag-awang ng kanyang bibig. "Let's get out of here," utas nito at walang sabi-sabing hinila ako palayo sa pinagdarausan ng pagdiriwang.


Napansin niya siguro na hindi kami makapag-uusap nang maayos kung duon kami sa mismong hall ng party.


Nakarating kami sa labas ng mansion ng mga Villamor. Maliwanag ang paligid dahil sa mga lampposts sa gilid ng pathway.


Nakarating kami sa gazebo, di-kalayuan sa mansion. Walang bisitang nagagawi rito dahil nga nandoon na sila sa may hall kung nasaan ang programme. May nakikita ako sa di-kalayuan na mga bisitang kadarating lamang, pina-park ang mga mamahalin nilang sasakyan sa may parking lot ng mansion.


Sa tingin ko ay walang makakapansin sa amin.


But wait, is he Red's brother?


Nilingon ko ang lalaking humila sa akin. Naka-black suit siya at naka-brush-up ang kanyang itim na buhok. Makapal ang kilay niyang tulad kay Red at dark brown ang kulay ng mga mata.

Sinuksok niya ang dalawang kamay sa suot na pantalon habang matiim akong pinagmamasdan. Na-conscious ako sa ginagawa niya.


"B-Bakit n'yo ho kilala ang mama ko?" untag ko sa kanya nang di ko na matagalan ang pagmamasid niya sa akin.


"You can't remember me?" utas nito at nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya.


Mabagal akong umiling at sumagap ng hangin.


I really want to know who the heck is he! 


"I thought you knew me..." aniya at nagpakawala ng isang malalim na hininga.


"I am Ryzen Villamor, Red's older brother," matigas ang tinig na utas niya at nginisihan ako. Kitang-kita ko ang paglitaw ng kanyang dimples.


No doubt, he is Red's brother! They look so similar though he has more prominent jaw and aristocratic nose. He has hawk eyes that looks like he can aim daggers right of the bat!

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon