hard please

245 11 0
                                    

(unedited) this chap is long so i can't edit this lmao!!

-

Kabanata 39

hard please


"Jaki!" Masayang tawag sa akin ni Naddie ng makita ako. Kinawayan niya ako mula sa di-kalayuang table. Nasa gilid ang table nila at sofa ang upuan, unlike sa mga nasa gitna ng club na stools lang at tables.


Ngumiti ako at naglakad na palapit sa table. Nakita ko na nandoon na silang lahat. Si Niccolo ay nasa may gilid katabi Kasey na tahimik lang ding ngumiti sa akin. Si Kate at Tristan ay nasa tapat nila Niccolo at nag-uusap sa kung ano. Si Cade ay may hawak hawak ng wineglass habang si Naddie ay nakatayo sa may gilid ng mesa at nakangisi sa akin. May hawak din siyang wine glass tulad ni Cade. Mukhang nag-uumpisa na silang magsaya.


At uminom.


"Buti nakarating ka na, Jaki..." untag sa akin ni Kate ng mapansin ang pagdating ko.


"Malapit na kami mag-perform," nakangiting utas sa akin ni Tristan at ginala ang tingin sa paligid.


"Nasaan nga pala si Red?" nagtatakang utas niya habang malikot ang mga mata. Kumalabog ang puso ko sa kaba nang maalala ang nangyari kanina sa amin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at umupo na lang sa tabi ni Kasey.


"I don't know...nakita ko siyang palabas kanina.." utas ni Kasey at nilingon pa ang dinaanan ko kanina. Nagbaba ako ng tingin para makaiwas sa topic nila.


"Nakasalubong mo ba siya, Jaki?" Napaigtad ako ng ibaling sa akin ni Naddie ang tanong. Napaangat ako ng tingin habang rinig na rinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


"E-E? H-hindi..." pagsisinungaling ko habang ramdam ang pagtagaktak ng pawis sa aking noo.


"Nandyan lang 'yun. Don't worry about that asshole," malamig ang tingi na utas ni Niccolo na kinahinga ko nang maluwag.


Umiling iling si Cade habang may nakakainis na ngisi sa labi niya. Pinilit ko na lang na iwaksi ang nangyari kanina at mag concentrate sa pag-uusap namin ni Kasey.


Ilang minuto lang ay tumayo na ang The Curse, hudyat na mag-uumpisa na ang pag-perform nila on-stage.


"Ayaw n'yong lumipat sa may harap?" nakangusong tanong ni Tristan sa amin ng makitang dumarami na ang mga tao na nasa harapan.


Tinignan niya ang kanyang kasintahan na nakangiti lang sa kanya. They're sweet.


"We're okay here, Tan..." masuyong utas ni Kate sa kanya at nakita ko pa ang paghaplos ni Kate sa kamay ni Tristan. Nawala ang agam-agam sa mga mata ni Tristan at sinuklian ang masuyong ngiti ni Kate.


"Fine..." utas nito at sumunod na kina Cade. Napalingon ako sa may entrance ng maramdaman kong may nakatitig sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ng magtagpo ang tingin namin ni Red.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon