(unedited)
-
Kabanata 43
bad
Hindi ko maibuka ang bibig ko sa sobrang gulat sa sinabi niya. Nanginginig pa rin ang kamay ko at ramdam ko ang hapdi ng palad kong sinampal sa mukha niya. Pero mas ramdam ko ang pagguhit ng hapdi sa aking puso habang pinagmamasdan ang mukha niya.
Gusto ko na lang siyang takbuhan para maiwasiwas ko ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya.
No...don't...
Inayos niya ang pagkatagilid ng kanyang mukha at nginisihan ako. "Sorry..." malalim ang tinig na utas niya. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. He looks like a wounded animal. Gusto ko siyang sunggaban ng yakap. Gusto kong mawala lahat ng lungkot at sakit na kanyang nararamdaman.
"I shouldn't have said that..." aniya at huminga nang malalim.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Tila may pinipigilan siyang sabihin. Tila kinokontrol niya ang pagbuka ng kanyang bibig.
"H-Hindi ka ba babalik?" utas ko nang dumaan na ang isang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"D-dito na lang muna ako," aniya nang hindi na tumingin sa akin. Naglakad siya papunta sa kanyang malambot na king-sized bed at umupo roon. Pinatong ang kanyang siko sa kanyang tuhod at sinapo ang noo.
"O-okay," napipilitang utas ko. Mukhang ayaw niya na ako na nandito. Siguro kailangan ko nang bumalik.
Pero bakit tila gusto kong manatili?
Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi at pinilig ang ulo.
Naglakad na ako palabas ng kanyang kwarto. Ramdam ko ang kirot sa aking puso habang papalayo roon.
"Kamusta? Nabigay mo sa kanya?" masayang utas sa akin ni Ryzen nang makabalik na ako. Pilit kong sinuklian ang kanyang ngiti at kiming tumango.
"You don't look happy though..." usisa niya at pinagtaasan ako ng isang kilay.
Hindi ko na lang siya tinugon at hinayaang aliwin ang sarili sa mga maingay na tugtog at kwentuhan sa aming mesa. Natatamaan na rin ako ng alak dahil panay ang bigay sa akin ni Nadine at Cade. Eto talagang dalawang ito...
Napansin kong nawala na si Yumirah sa aming table pagkabalik ko. Marahil ay pinuntahan na rin si Red. Mapait akong ngumiti sa kinukwento sa aking nakakatawa ni Kate kahit na lumilipad ang aking isip. Tinuon ko ang tingin sa alak na nasa harapan at tinungga iyon.
Tonight, he didn't beg me anything.
BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...