steal Juliet

267 11 0
                                    

(unedited)

-

Kabanata 48

steal Juliet


Naalis sandali ang atensyon ko kay Red dahil sangkatutak na reporters ang humarang sa pagitan naming dalawa. Nabubulag ako sa mga flashes ng camera ngunit pinipilit ko pa ring ngumiti sa kanila.


Nang mapansin ni Ryzen ang reaksyon ko ay agad niya na muna akong hinila sa upuang nasa harapan. Mukhang para talaga iyon sa akin sa oras na kausapin ako ng emcee. Kinakabahan pa rin ako sa mga mangyayari ngunit dahil nanatili sa tabi ko si Ryzen ay medyo kumakalma ako.


Agad akong sinalubong ng malaking ngiti ni Mr. Villamor. Napakagwapo niya sa suot na puting suit. Medyo na-awkward pa ako ng ikulong niya ako sa isang mahigpit na yakap ngunit tinugon ko rin iyon ng yakap. Nakarinig ako ng palakpakan kaya't medyo nakaramdam ako ng hiya.


"Happy birthday, anak..." masuyong bulong niya sa akin na kinainit ng aking mga mata.


"T-thank you po..." halos hindi ko masabi iyon dahil tila may nakabara sa aking lalamunan.


Matagal ang kanyang yakap at hindi ko maiwasang maging emotional. Ang sarap-sarap pala sa feeling na yakap-yakap ka ng magulang mo...


Buong akala ko, mag-isa na lang ako...Oo alam kong nandyan si tita para sa akin ngunit iba pa rin kung parents ko ang nasa tabi ko.


Sinama ako ni Mr. Villamor sa pag-iikot-ikot sa bawat tables na naroon. Agad nagsalubong ang tingin namin ni Mrs. Villamor na nasa table at eleganteng-elegante na nakaupo roon.


Nanigas ako sa kinatatayuan ng bigla siyang tumayo sa kanyang upuan at sinugod ako ng yakap.


"Oh my Jakirah!" maarteng utas nito sa akin habang yakap-yakap ako. Agad kaming nakaagaw ng atensyon na ikinangiwi ko. What the heck is she doing? Putting a drama in here?


Seriously?


"I never know you are my husband's daughter...if I only knew..." dramatic na utas nito at may pagpunas-punas pa ng tissue sa kanyang mga mata ngunit wala namang luhang lumabas ni isa. I secretly rolled my eyes in annoyance. Hindi ko pinahalata ang pag-irap dahil maraming pares ng mga mata ang nanunood sa amin at bawat kislap ng camera ay lalabas sa mga dyaryo at balita. 


Nakahinga ako nang maluwag ng ilayo niya na ako sa wakas sa kanya. Nginitian niya ako na puno ng peke at tinap ang aking balikat.


"I'm happy having a daughter...even if I'm not your biological mother," matamis ang tinig na utas niya at nginisihan ako.


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o ire-react ko sa kanyang sinabi.


Narinig ko ang mga papuri patungkol kay Mrs. Villamor dahil sa sinabi niya. She's a great actress huh.


Nginitian ko na lang siya. Nalipat ang tingin ko kay Red na kanina pa ako pinapanood. Nag-init ang pisngi ko ng makita na napakagwapo niya sa malapitan. Agad kong napansin ang pagkinang ng isang hikaw sa kanyang kanang tainga. He looks like a bad boy but hey, he's so damn gorgeous!

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon