photos

422 21 21
                                    

(unedited)


Kabanata 14

photos



Hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung sino ang babaeng nakalimot kay Red. Hindi ko siya natanong kung sino yun dahil nagyaya na siyang bumalik. Buong durasyon ng biyahe namin ay di na siya umimik. Mukhang affected pa rin siya sa babaeng iyon. Napailing-iling ako at napabuntong hininga na lang. Nagulat ako dahil di ko akalain na na-inlove na pala siya dati. Knowing his personality, nakakagulat talaga! And the outcome of his first love did not go well. Kawawang Red dahil nakalimutan na siya ng babaeng iyon.


Kukuhain ko na sana ang mga libro ko sa aking locker ng biglang may mambato sa akin ng itlo sa likod ng aking ulo. Marahas akong napalingon sa aking likuran habang sapo-sapo ang buhok kong sobrang sticky na ngayon dahil sa itlog. What the heck!

Naguguluhan ko silang tinignan pero nakangisi lang sa akin ang mga grupo ng mga babaeng walang habas na nambato sa akin ng itlog. Bitchy ang isinisigaw ng kanilang mga ngisi. Makakapal ang kanilang make-ups sa mukha at tila sila gumagalaw at humihingang espasol. Patusok din at maingay ang lagatok ng kanilang heels. Naka-uniform sila ng sa Villa Academy pero maiiksi iyon kaysa sa karaniwag mga uniforms. Matangkad sila kaysa sa akin kaya't nanliliit ako. Umatras ako ng maglalakad sila palapit sa akin. They are five in total sa kanilang grupo. Hindi ko sila kilala pero parang kilala nila ako.

"Jakirah Reyes." maarteng utas ng babaeng nasa pinakagitna. Maiksi ang kulay brown nitong buhok na aabot lang sa kanyang leeg. Umagaw ng aking pansin ang kapansin-pansin nitong ring earring. Napangiwi ako.

"S-sino kayo? Bakit nyo ko binato ng itlog?" iritang utas ko sa kanila.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "At bakit hindi? Nakiki-epal ka kasi!" utas nito at sa sobrang gulat ko ay lumagapak sa kaliwang pisngi ko ang palad niya.


Halos mahimatay ako sa hapdi at sakit ng sampal niya. Who the fuck is she?!


"Sino ka ba?!" malakas na ang tinig na sigaw ko. Naririnig ko ang echo ng mga boses namin sa apat na sulok ng girls locker room.

Tumawa siya nang pang-hipokrita. Pinigilan ko ang aking sarili na suntukin siya sa mukha para magtigil na siya sa ginagawa niya.

"You don't have to know me, Miss Reyes. You just have to know that stop leeching my Red!" gigil na gigil sa aking utas niya.  Kitang kita ko ang apoy sa mga mata niya nang sabihin niya ang "my Red". Napatiim bagang ako. Dahil lang ba roon kaya nila ako binu-bully ngayon? How pathetic these girls are!


"Wala akong pakialam sa Red na iyon! Sayong sayo na talaga yun! Stupid!" inis na sigaw ko sa mukha niya at akmang iiwan na sila roon ng itulak ako pabalik ng isa pang kasama nila. Malakas ang pagkakatulak nito kaya't nauntog ang likod ko sa mga bakal ng lockers. Napamura ako sa sakit.


"Ano ba? Ano pa bang kailangan nyo?" utas ko nang mag angat muli ng tingin sa kanila.

"We want you to live Red Villamor alone--" di ko na sila pinatapos.

"I fucking will! Just let me leave!" iritadong utas ko sa akin nila at mabilisan na silang iniwan doon. 

"What's wrong with that weird? I thought she's dating him..." narinig kong maarteng bulong ng isa ngunit di ko na sila pinag aksayahan pa ng oras para tignan muli. Kumukulo ang dugo ko ngayon at ramdam ko ang inis ko. Kaunti na lang ay talagang sasabog na ako. Dating him, huh? Who the fuck dates who?

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon