(unedited)
-
Kabanata 31
promise
Nag-stay kami roon sa Palawan ng tatlo pang araw. Nag ikot kami sa Palawan at kung anu-ano ang tinry naming activities. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay palipat-lipat kami ng mga beaches at tourist attractions sa Palawan. I can say na these three days were some of my best days with him.
Natapos na rin ang exams kaya't nakahinga na ako nang maluwag. Medyo lumuwag na rin ang schedule kaya't nakatutulong na ulit ako sa Coffee Bean. Tuwing after class ay duon kami dumi-diretso ni Red.
Kasalukuyan ako ngayong nakatutok sa aming professor na nasa harapan. Nagtaka ako nang bigla itong tumigil sa pagsasalita at napatingin sa may bandang pintuan kaya't sinundan ko rin iyon ng tingin.
"Mrs. Villamor!" gulat na utas ni professor. Bakas ang gulat sa mukha nito. Noong una ay naguluhan ako sa nangyayari ngunit nang dahan-dahan nang naglakad papasok si Mrs. Villamor na eleganteng elegante sa kanyang postura ay natigilan ako. Halos lahat ay nagulat nang makita siya pero ako ang pinaka nagitla sa nangyari.
Strikta ang mukha ni Mrs. Villamor. Kitang kita ko ang matangos na ilong niya na kahawig ng kay Red. Halatang-halata ang kayamanang nagsusumigaw sa kanya.
This is Red's mom?
"Mrs. Villamor! I didn't know you're here in the Philippines..." medyo kabadong utas ng professor namin. Ngumiti lang si Mrs. Villamor.
"Kararating ko lang. I just want to check my son...and the academy itself," mataray na utas nito. Ramdam ko ang awtoridad niya sa buong apat na sulok ng classroom. Napalunok ako habang iginagala niya ang tingin sa paligid.
"Mom..." narinig kong utas ni Red. Tumayo si Red mula sa kinauupuan ngunit sinenyasan siya ng kanyang ina na manatili lang doon.
Napaigtad ako nang tumigil ang kanyang mga mata sa akin. May kakaibang kaba ang namayani sa aking dibdib.
"You...I want to talk to you," matigas ang tinig na utas niya habang diretso ang tingin sa akin.
"Mom!" Narinig ko ang inis sa boses ni Red. "I'll come with you," matigas din ang tinig na baling niya sa akin. Wala akong nagawa kundi tumayo na rin mula sa kinauupuan ko.
"Follow me," ani Mrs. Villamor at lumabas na ng room.
Nakarinig ako ng bulungan sa paligid ngunit di ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin. Nagsalubong ang tingin namin ni Red ngunit nginitian niya lang ako. Kinuha niya ang kamay ko kahit na nanlalamig na ako.
"Don't worry about her..." mahinang utas niya sa akin kaya medyo kumalma ako.
"You can go now, Mr. Villamor and...Ms. Reyes," aligagang utas sa amin ng aming professor. Di siya binalingan ni Red at hinila lang ako palabas doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/49268311-288-k850054.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...